Chapter 19

256 11 1
                                    

Chapter 19

Nicholo's POV

"Ilagay mo na lang 'yan sa lababo. Ako na maghuhugas." sabi ko bago siya makatayo. Tutal siya naman ang nagluto, pagbigyan na kahit minsan. Hindi na siya umimik. Umimik in a way na nagreact 'yung mukha niya. 

Pumasok na ata siya sa kwarto niya. Narinig ko kasi 'yung pagbukas ng switch ng ilaw. Kakalagay ko nga lang nung bagong bumbilya niya kagabi.

Biglang namatay lahat ng ilaw habang naghuhugas ako. BROWNOUT. Nagbayad naman si ate ah? Buti na lang hindi masyadong madilim sa lugar ko kasi may bintana sa tapat nu'n. Wala ring ilaw 'yung kapitbahay namin. Akala ko naputulan kami. Medyo maliwanag sa labas dahil sa buwan kaya hindi ako nahirapan sa paghuhugas. Nang nilagay ko na sa lagayan 'yung mga plato, may narinig ako kalabog.

Dali-dali akong napatakbo habang hinahanap kung saan nanggaling iyon. Nakita ko na lang si Yanna na nasa dulo ng hagdan habang nakahawak sa binti niya. Mukha siyang takot na takot habang paatras nang paatras sa pader gamit ng isang paa. Nagulat pa siya nang hawakan ko 'yung balikat niya.

"Anong nangyari?" Iling lang siya nang iling. Kita sa binti niya nang bitawan niya 'yon na may pasa kahit madilim.

"Kaya mo bang maglakad?" Hindi niya ata ako naintindihan kasi iling lang siya nang iling. Nang hawakan ko 'yung binti niya, kita sa mukha niya na nasaktan siya. Ano ba kasing nangyari na naman sa babaeng 'to?

Hindi niya ata nakita 'tong mababang upuan na kahoy kaya malamang, 'yung edge nito ang natamaan ng binti niya at nagtumabahan na 'yung mga gamit sa tabi nang mapaupo siya at 'yun siguro ang narinig kong ingay.

A girl who grows with a silver spoon in her mouth will always be so fragile. Paano ko nalamang mayaman siya? Oh com'on, halata naman sa appearance at kilos niya eh.

Inalalayan ko siyang makatayo pero hindi niya kinaya. May iba pa atang masakit sa kanya.

Binuhat ko siya katulad nang pagbuhat ko sa kanya nung nagsleep walk siya pati nung dinala ko siya sa clinic.

"Ilang beses ko pa bang bubuhatin ka ng ganito? Nakakarami ka na ah." sabi ko na parang naririnig naman ako ng kausap ko. Pangatlo na 'to, pero ang alam niya... ito ang una. Masyado na ata akong nagiging mabait sa kanya. Do i have to lessen it a little?

Lumabas na ako ng kwarto niya at saka kumuha ng bimpo pati malamig na tubig. Kumuha na rin ako ng kandila. Mahirap mangapa sa dilim. Mamaya... hay nako.

Inilagay ko sa lapag 'yung kandila't tabo na may malamig na tubig. Ito 'yung tabo na binato niya sa akin. Asdfghjkl naman oh. Nagbalik tanaw pa.

Mukhang tulog na siya. Paano na 'tong bimpo na nakababad sa malamig na tubig? Siya maglalagay nito sa pasa niya sa binti eh. Ayokong ilagay 'yan. Baka isipan niya pa ako ng ulterior motives.

Kahit papaano, nagluto siya para makakain ako kaya pwede naman sigurong magmagandang loob ako, diba? Hindi naman ako gagawa ng masama kaya bakit ako matatakot na ilagay 'to sa binti niya? Magmamagandang loob lang.

Piniga ko na 'yung bimpo sa tabo at kahit malayo ang kandila, natalsikan 'to kaya namatay 'yung apoy. Buti na lang medyo may nakikita ako dahil sa liwanag mula sa bintana sa ulunan niya.

Huminga muna ako nang malalim. Sumampa ako sa kama niya kasi nasa kabila pa 'yung binti niyang may pasa. Pagkalagay ko ng bimpo sa pasa niya, nagulat ako nang gumalaw siya kaya napatingin ako sa kanya habang nakasampa pa rin sa kama niya. Bigla siyang bumangon na nagpalapit ng space sa mukha namin.

Nakadilat siya. Hindi ko alam kung sa akin ba siya nakatingin. Medyo madilim. Hindi ko maaninag. Anong gagawin niya? Masyadong mabilis ang mga pangyayari. 

She came closer... closing the gap between our lips.

Biglang bumukas 'yung ilaw sa kwarto niya at nakita ko kung ano 'yung reaksyon niya, malamang nakita niya rin 'yung akin. Lumayo ako kaagad sa kanya at dalidaling kinuha 'yung tabo sa sahig at lumabas na.

Para saan naman 'yon? Simpleng thank you lang naman, okay na sa akin. Bakit... bakit may ganoon pa?

Napahawak ako sa dibdib ko na kanina malakas ang kabog. Sumandal muna ako sa dingding habang inaabsorb lahat ng nangyari. Napailing ako nang napailing.

That was my first kiss.

Love in Silence [ Ongoing ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon