Chapter 28

205 8 4
                                    

A/N: Chapter dedicated to Jasmine Bognalos. Hi! Salamat sa pagbabasa, pagvote at pagcomment sa kwentong ito. Ikaw ata ang silent reader ko na napacomment na sa tagal kong mag-update. Salamat sa paghihintay sa update at sorry kung hindi ganoon kadalas. Huhuhu. Sana hindi ka magsawa sa pagbasa. Napangiti ako ng comment mo sa last chapter. Nakakainspire at nakakaganang magsulat. MARAMING SALAMAT TALAGA! Sana magustuhan mo 'tong chapter. 

May pinost pala akong one shot. Ang title ay 'The Fangirl'. Sana mabasa niyo rin. Thank you thank you.

=====

Chapter 28

Yanna's POV

Pumasok agad ako sa kwarto pagkakuha ko ng bag na iniabot ni Nicholo, umupo sa kama habang nakatingin sa kawalan. Inhale, exhale. ANO'NG PLANO NIYANG GAWIN KANINA?! Kalma, Yanna. Wala 'yun. Wala.

Kung may gagawin man siyang masama, pwedeng-pwede ko siyang sipain o kaya sikmuraan sa dilim kahit takot na takot ako... kaso sabi niya wala. Wala?! Para saan at ginawa niya 'yon? Hindi ako natakot--- nagulat lang ako sa ginawa niya. The last time I checked, wala siyang pakialam sa akin at kahit magkasama na kami palagi, papansinin niya lang ako kapag may kailangan siya. Kahit ngitian nga hindi niya madalas ginagawa. Ngitian? Kanina pala nginitian niya ako. First and last time, I think? That guy, while looking directly into my eyes, gave me shivers. And now I'm living on my nerves. Great! Just great.

Kinuha ko 'yung ecobag sa gilid ko. Nakita ko sa loob 'yung box ng cellphone saka isang paper bag sa itaas no'n. Nung binuksan ko, parang automatic na napangiti ako. It's a pink cellphone case--- a very cute case! May multicolored gems sa likod na papormang curly and floral vector. And a sudden change of mood happened. Biglang nawala na sa isip ko 'yung nangyari kanina, all happiness na lang.

Nung sipatin ko pa 'yung laman ng bag, saka ko lang nalaman na may sim doon, choose your own number iyon. Inayos ko na 'yung phone, nilagay 'yung sim pati ang case. Sinubukan kong gumawa ng kung anu-anong pattern para sa number ko pero kadalasan hindi na available until I came up with these combination of letters 09***YLHWHI. Akala ko hindi ko mareregister kasi napagtripan ko lang pero naging permanent number ko na 'yon. Napakagat na lang ako sa daliri. Wala na, hindi ko na pwedeng mabawi. Okay na rin 'yon.

Habang tinitignan ko 'yung phone, bigla kong naalala si kuya. Siya kasi 'yung nagbigay ng phone ko na iniwan ko sa totoo kong bahay. Tapos ngayon, si ate Anikka naman. Kung kasama pa namin ngayon si kuya, gusto ko silang magkita ni ate Anikka. Kung pwede lang sana.

=====

Namomroblema ako habang nagp'prepare para sa pagpunta ko sa school mamaya. Hindi ko alam kung paano ako makakarating doon. Walang pasok ni Nicholo. Meaning, wala akong kasabay. 'Di bale, magbabayad na lang ako ng sakto para alam na ng driver kung saan ako bababa.

Saktong pagkalabas ko ng kwarto, papalabas din si Nicholo sa kwarto niya. Nagkatinginan pa kami. Ngingiti ba ako? Bago ko pa iyon magawa, umiwas agad siya ng tingin. Kinalimutan ko na nga 'yung kahapon tapos ganyan siya ngayon--- araw-araw nga pala siyang ganyan.

Love in Silence [ Ongoing ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon