Jesy's POV
"Really? You're so excited! Nakalagay na sa social media yung merging ng company natin?!" Hindi ko makapaniwalang tanong kay Jake.
"Yes! Because we supposed to talk but you're just using your phone. See, kinausap mo na ako." I just rolled my eyes. Tsk! Nakipagkita ako sa kanya dahil wala na akong magagawa. Ayokong bumagsak ang JLA.
"Let's Go!" Aya niya sa akin.
"What?! Ayoko. Marami pa akong gagawin" Pero parang wala siyang narinig kasi hinatak niya ako.
"Matulog ka muna. Okay?"
Nagising ako dahil sa humahaplos sa pisngi ko.
"Tsk! Ano ba Jake?!" Galit kong iniwas yung mukha ko.
"Sungit! Let's go!" Bumaba na siya sa kotse niya at umikot para pagbuksan ako.
"Really? Amusement Park?! Matanda ka na. Gusto mo pa run dito." --Ako
"Grabe 'to. Wala pa akong 30. FYI, 29 pa lang ako, sis. Hahaha!" Nagbakla-baklaan pa. Akala naman niya matutuwa ako.
"Okay! Wag mo nang ikunot yang noo mo. Papangit ka! Ikaw din. Gusto ko lang naman magrelax. Puro na lang ako nasa office." --Jake
"Kung nagrereklamo ka sa work mo, bakit gusto mo pang magmerge?! Ano ba talagang plano mo?!" --Ako
"Haist! Kunot pa. Papangit ka nga jan. Tara na , MRS. Ross." Kinindatan niya ako sabay hatak.
"2 tickets. Rides all you can." --Jake.
"Okay, Sir. P900 po." Sabi nung babae. Tsk! Akala mo maganda. Todo pacute pa.
"Here!" Kinuha niya ang kamay ko. Habang nilalagay na niya yung ticket sa kamay ko, hindi ko maiwasang hindi siya titigan. Tsk! Gwapo pa rin siya....wait?! hindi pala. Pangit siya! Pangit.
"Bakit? May dumi ba sa mukha ko." Tanong niya.
"Pangit! Playboy!" Sinigawan ko siya saka iniwan.
Jake's POV
Tignan mo 'to. Sinabihan na nga akong pangit at playboy, iniwan pa ako. Ang hirap na niya patawanin lalo na ang pangitiin. Hindi ako susuko. My soon-to-be Mrs. Ross. Hahahaha!
"Hey?! Wag mo akong iwan. Tara, horror booth tayo!" Alam kong nagulat siya sa paghawak ko sa kamay niya. Pero masarap sa feeling na hawak ko na ulit siya. Hindi ko na siya bibitawan.
"What?! Ayoko?! M-madilim don?!" Yun nga! Para pag natakot ka, yayakapin mo ako. Hahaha! Talino ko!
Habang pumapasok kami, humihigpit yung hawak niya.
"Mapapatay kita, Jake!? Ahhhhhh?!" Sigaw niya sabay pikit. Tsk! Ayaw niya akong yakapin.
"Hindi naman nakakatakot?! Hey! Open your eyes. I'm here. Hindi kita iiwan." Mukhang umepekto naman yung sinabi ko kasi nagsimula na kaming lumakad ulit.
Ano ba yan?! Imbis na yakap yung makuha ko, sapak at sabunot ang napala ko.
"Grabe ka! Bugbog sarado ako sayo!" --Ako
"Pake ko?! Ikaw ang humatak sa akin yan. Anong akala mo, yayakapin kita?! Hell no! Asa ka!" --Jesy
"Hahaha. Luh! Hindi rin. Baka ikaw yung gustong yumakap." Inakbayan ko siya. "Willing naman ako magpayakap eh. Ikaw pa! Malakas ka sa akin eh." Kaso siniko naman niya ako sa tiyan. "Grabe! Battered Husband ba ako? I didn't know na amazona ka pala.
"It's because you didn't know me." Huh?! Kilala ko naman siya. Mga babae nga talaga.
Nandito kami ngayon sa rollercoaster.
"Are you sure na kaya mo 'to huh?" Tanong ko.
"For the nth time, Jake. Oo!" Sungit talaga! Unti-unti nang umaandar itong coaster hanggang sa.....
"Okay ka lang ba?! Takot ka naman pala! Argh! Nakakahiya ka!" Bulyaw niya sa akin.
Paano ba naman. Hindi ko naman alam na nakahihilo yung roller coaster. Dinaig pa ako ni Jesy. Argh! Nahihilo talaga ako.
"Ewan ko sayo?!" Sigaw niya ulit.
"Okay na ako. L-lets go. Kain tayo."
Habang kumakain kami, hindi ko maiwasang mapangiti. Kahit na nagsuka ako kanina, okay lang. Nakita ko naman na napangiti ko siya habang nagsisigaw ako. Hahahaha!
"Ahmmmm..Jake? May kasama pa ba tayong iba? May fiesta ba?" Tanong niya. Napakamot na lang ako sa batok ko.
"Hehehe! Kaya yan!" Naparami nga talaga yung order ko.
"Subukan mong isuka 'to! Uuwi ako mag-isa. Kasusuka mo lang!" --Jesy
"Don't worry, Boss. Kaya 'to!" Mukhang may mali sa sinabi ko. "Hey? Okay ka lang?" Tanong ko kasi napatigil siya sa pagkain at natulala.
"Y-yeah.."
"Ano ba Jake?! Duling ka ba?! Babatuhin mo lang yun!" After namin kumain, sumakay pa kami sa mga rides at ngayon naman ay naglaro kami. Sabi ko sa kanya, ibibigay ko yung laking teddy bear.
"Ito na. Tatamaan ko na talaga!" Confident kong sabi.
1st ball ×
2nd ball ×
3rd ball
SAPUL!
"Yes! Natamaan mo rin. Thanks." Natutunaw ako. Nakangiti siya nang matagal habang yakap yung teddy bear. Yes!
"Tara na! Uwi na tayo. Kagabi na rin kasi". --Jesy
"Yah! Akin na si Baby J. Ako na ang magbubuhat. From now on, ito muna ang baby natin." Sabi ko sabay buhat kay Baby J. Pero pagtingin ko kay Jesy...
"Hey? May problema ba? Bat napatigil ka?" Tanong ko.
"Ahh.. Wala. Let's go."
Hinatid ko siya sa bahay nila ni Don Anton.
"Bye. I had fun." Sabi ko sa kanya pero wala siyang sinabi at dumiretso papasok. "Hey? Wait lang." Huminto naman siya at humarap sa akin.
"Why?" Tanong niya
"Thank You! I know napipilitan ka lang." Hinalikan ko siya sa noo. " I'm sorry." I have my reason but I'm not ready. Soon. Jesy. Soon.
"Jesy?"
--
Sorry if my typos.Follow.
Vote.
BINABASA MO ANG
He's The Boss
RomanceDo they have a second chance? Book 2 of She's the Boss. You must read the book 1 first. --IamYourVirus