HTB: 42

10.6K 150 6
                                    

Jesy's POV

"Good morning po! Ma'am, may nagpadala po ng bulaklak para sa inyo. Nilagay ko na po sa table niyo." Tumango ako at binigyan siya ng maliit na ngiti. Agad kong binaba yung gamit ko at tinignan yung bulaklak.

Jesy,

Sana magustuhan mo. I'm very sorry. I will do anything. I will never ever get tired. Promise!

xxJakexx

Ibinaba ko na lang yung bulaklak at umupo. Pumikit ako at napahawak sa tiyan ko.

"Good Morning! Medyo maaga ka ngayon ah! Okay ka na ba?"

"Anong maaga sa 10 am? Huh, Kurt?!"

"Tssss... Ganyan ka ba sa mga nagiging boyfriends mo?"

"Pwede ba Kurt! Sige mang-asar ka pa!"

"Hahaha! Baka gusto mong ipaalala ko sayo na ikaw ang may gusto nito. Aba! Hindi ko man lang alam na may girlfriend pala ako. Ni hindi ko nga pinangarap eh."

"Kasi mas type mo siya. Alam mo Kurt, sayang ka!" Ou, Kurt is a gay. Bigla ko na lang sinabi kay Jake na kami na ni Kurt doon sa party. Hindi ko alam na narinig pala yun ni Kurt.

"Hahahaha! Ay! Taray! May flowers siya! Sweet naman ni Papa Jake!"

"Kung gusto mo sayo na lang o kung ayaw mo naman ay pakitapon na lang." Wala ako sa mood ngayon. Gusto kong matulog.

"Sayang girl! Hey.. Ayos ka lang ba?" Nag-aalalang tanong niya.

"Yup. Inaantok lang ako."

"Bat kasi pumasok ka pa? Tara! Ihahatid na kita. Bawal kang mastress."

"Alam ko 'yun. Kaso kapapasok ko lang eh."

"Kasalanan mo. Tara na." Wala na akong magawa kundi ang kunin yung mga gamit ko.

"Leila, uuwi muna ako. Ikaw na ang bahala dito." Sabi ko sa secretary ko.

"Okay po Ma'am." Sabay ngiti kay Kurt.

"See.. Sayang ka talaga Kurt! Mukhang may gusto sayo si Leila." Tukso ko.

"Pwede ba girl! Hindi kami talo." Nagtatawanan lang kami habang bumababa sakay ng elevator. Pero hindi ko nagustuhan yung nakita ko sa oras nang bumukas yung elevator. Agad naman hinawakan ni Kurt yung kamay ko at bumulong.

"Boyfriend mode. Hahaha! Kaloka ka girl. Kapag sinapak yung maganda kong face, ihanap mo ako ng boys. Hahaha!" Natawa na lang ako sa kanya.

"Jesy... Can we talk?" Sabi ni Jake pero dumiretso lang kami ng lakad ni Kurt. "Wait.. Please.." Tumakbo siya sa harap naman. Alam kong nasaktan siya nang mapatingin sa kamay namin. Argh! Bakit parang gusto ko siyang kagatin?

"What?!" Iritableng sabi ko.

"Ahmmm... Can w-we talk... J-just 10 minutes?" Tanong niya.

"Pare, kailangan na naming umalis. Kung hindi mo napapansin, paalis na kami. Humaharang ka dyan!" Pinipigilan kong hindi matawa sa boses ni Kurt. Napansin ko na lang na hinigpitan niya yung hawak sa kamay ko.

"Wag mo akong tawaging pare! Hindi kita kausap!" Sabi ni Jake.

"Pwede ba Jake?! Uuwi na ako. Ayoko pa ring makita ka!" Sabi ko. Baka kasi masapak niya si Kurt.

"Uuwi?! Bakit?! Masama ba ang pakiramdam mo?" Nag-aalalang tanong niya. Hindi ko siya sinagot. Dumiretso na lang kami ni Kurt sa kotse niya.

Bago kami makaalis ni Kurt, tinignan ko muna siya. Nakatingin din siya sa amin.


















Bigla na lang akong naalimpungatan at nakaramdam ng gutom. Napatingin ako sa orasan. Seriously? Simula nang ihatid ako ni Kurt ay ngayon lang ako nagising. 7 hours na akong natutulog.

Bumaba ako para kumain pero bakit parang walang tao. Nasaan yung mga katulong? Si Lolo? Bigla naman akong kinabahan sa narinig ko galing sa kusina.

A-anong ginagawa niya dito?!

"What are you doing here? Paano ka nakapasok? Sinong nagpapasok sayo?" Sunod-sunod kong tanong.

"Hey! Buti gising ka na! Tagal din ng tulog mo. Puyat ka ba? Ow! Nagluto ako ng sopas. Dapat dadalhin ko sayo." Sabi niya.

"Pwede ba Jake! Sagutin mo yung tanong ko!"

"Ahmmm... Nung umuwi ka, sinundan ko kayo. Nag-aalala lang ako sayo. May sakit ka ba?" Sinamaan ko siya ng tingin. "Okay... Wag ka ng magalit. Pagkaalis ni Kurt, pumasok ako. Hinarangan nga ako. Kinausap ko yung lolo mo."

"Pwede ka ng umalis." Sabi ko.

"Ayoko. Wala kang kasama. Umalis sila. Hindi ko alam kung anong oras sila uuwi." Really? Iniwan nila ako kasama siya. "Here! Kumain ka muna." Inabutan niya ako ng sopas. Napansin ko na may mga galos siya at pasa sa mukha. Kanina naman wala yan ah.

"Bakit?" Tanong niya.

"Saan no nakuha 'yan?" Tinuro ko yung mga galos niya.

"Ah.. Wala 'to. Okay lang ako." Tinaasan ko siya ng kilay. "Fine... Galit sa akin si Lolo. Pinagpapalo niya ako kanina pero nagmaka-awa ako. Pero wala lang 'to. Okay lang talaga ako. Promise." Dahil sa gutom na rin, kumain na ako at hindi siya pinansin.

Puro siya kwento pero hindi ko siya pinapansin. Nagulat na lang ako ng hawakan niya yung noo ko.

"Hey!?" Umiwas ako.

"Wala ka namang sakit pero kanina ka pa tahimik." Sabi niya.

"Anong akala mo? Ganun na lang 'yun? Umalis ka na. Hindi kita kailangan." Iniwan ko siya at dumiretso sa garden.

Pero sadyang makulit siya kasi sumunod siya.

"I'm really sorry Jesy. Patawarin mo ako." Hinarap ko siya pero nagulat ako nang makita siyang umiiyak. Hinawakan niya yung kamay ko. Bakit? Bakit suot niya pa rin yung singsing?

"Bakit suot mo pa rin 'yan? Itapon mo na yan. Alam naman natin na hindi 'yan totoo!"

"Ayoko. Wala na akong pakealam kung peke yung kasal natin. Ang gusto ko lang ay mapatawad mo ako at... bumalik ka sa akin."

"Hindi ko kayang gawin 'yan!"

"Jesy, I'm sorry. Miss na miss na kita. Nagsisisi ako sa pananakit sayo. Pangako, hinding-hindi ko na gagawin 'yun."

"Hindi ko alam. Nagawa mo na kaya hindi imposible na magagawa mo ulit! Siguro wala nga talagang tayo kasi may mga buhay na nawawala!"

"Mahal na mahal kita. Maniwala ka sa akin na wala akong pinapadalang sulat noon." Sinabi na sa akin ni Shane yung totoong nangyari na pakana lang ni Dana lahat. "Gusto kong hatakin yung oras para maibalik sila. Gabi-gabi ko silang napapaginipan. Galit din sila sa akin." Nagulat ako sa sinabi niya.

*pak*

Sinampal ko siya! "Wag mong idamay yung mga anak ko sa paawa mo!"

"Anak natin! Ano bang gusto mong gawin ko?"








"Wag ka ng magpapakita sa akin!" Iniwan ko ulit siya at pumasok sa kwarto.
--

Malapit na pong matapos.

Sorry if my typos.

Follow.Vote.

He's The BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon