Jesy's POV
Ginaganap ngayon ang reception namin.
"Congratulations, Mr. & Mrs. Ross. Marami ang gustong bumati sa inyo. Let's start with Ms.Jade" Sabi nung MC.
"Good Evening! Congrats! I'm so happy for you, Sis. I'm sorry if ngayon lang kami naka bisita. Ang importante naman ay nandito kami. Hoy, Jake! Subukan mong saktan yang kapatid naman! Naku! Ewan ko sayo. Tandaan mo, minsan ka na naming napagtripan. That's all. Thank you!" Lumapit siya sa amin. Binigyan niya kami ng yakap.
"I love you, sis." Sabi ni Jade.
"I love you, too."
"Hello. I'm Perrie. Grabe nakakatuwa na kayo pa rin sa huli." Wala silang alam sa mga nangyari. "Ahmmm.. Wish ko lang na sana magka-baby na kayo. Hahahahaha! Hoy, Jake! Ingatan mo yang si Jesy. Yun lang. Ayokong umiyak, sayang make-up." Lumapit at niyakap niya rin kami.
"Love you!" --Perrie.
"Love you, too." --Ako.
"Good Evening everyone. I'm Leigh. Congratulations to the both of you. I know na magiging masaya kayong dalawa and magiging maganda at gwapo yung mga magiging anak niyo. Hahahaha! Mahal ka namin, Jesy. Nandito lang kaming tatlo. Sabihin mo lang kapag pinaiyak ka ni Jake. Kami na ang bahala." Ginawa rin niya yung ginawa nung dalawa.
"Love you, sis."
"Love you too, sis"
"Magandang gabi po. Congrats sa inyong dalawa. Alam mo ba ma'am Jesy, kung hindi ko lang boss yang asawa mo ay binatukan ko na kanina. Nagsalita siya ng bad words sa simbahan kasi kabadong-kabado. Akala niya hindi ka na dadating. Wag kayong mag-alala. Patay na patay yang asawa mo sayo." Nagkaroon ng tawanan ang mga bisita dahil kay Kyle.
Sumunod naman ang mga magulang ni Jake.
"Grabe ! Daddy, may anak na tayong babae. Masaya kami para sa inyo. Bigyan niyo na kami ng apo." Muli, nagkaroon na naman ng tawanan. "Basta mga anak, kapag nagkaproblema kayo pag-usapan niyo, wag niyong idaan sa galit. Congrats. Yung apo namin. Hahahaha." Napatingin naman ako kay Jake na hinawakan yung kamay ko.
Niyakap at nagbeso kaming apat. Susunod na magbibigay ng speech ay si Lolo.
"Good Evening! Masayang-masaya ako para sa inyong dalawa. Apo, sana ay maging masaya ka. Alam natin na tuwang-tuwa ang mga magulang mo ngayon. Masaya ako kasi ikaw ang naging apo. Mamamatay akong masaya kasi may mag-aalaga na sayo. Mahal na mahal kita apo." Tumulo ang luha ko dahil kay lolo. "Jake, alagaan at mahalin mo yung apo ko. Wag na wag mo siyang sasaktan. At yung apo ko sa tuhod, gusto ko pa siyang makita. Congratulations!" Niyakap kami pareho ni Lolo.
Pagkatapos ng mga speech nila, biglang tumugtog yung Photograph ni Ed Sheeran at may nagplay.
Sa simula, puro baby pictures naming dalawa. Lumabas din yung birthday ko 2 years ago kung saan kinantahan ako ni Jake ng Photograph. Nagulat ako nang lumabas yung mga pictures namin sa mambukal at boracay. Ang ending ay puro halikan namin ni Jake. Syete!? Saan ba nila nakuha yan? Matagal na yan.
*ting* *ting* *ting*
Ngayon lang. Hahayaan ko muna yung sarili ko. Unti-unting lumapit sa akin si Jake hanggang sa maramdaman ko ang kanyang mga labi. Agad ko itong tinugon at kumapit pa ako sa batok niya.
Hindi ko alam kung gaano kami katagal na naghahalikan. Naghiwalay lang kami dahil kinakapos na kami ng hangin.
Ipinatong niya yung noo niya sa noo ko. Nagtititigan lang kami. Di nagtagal, ako na ang yumakap sa kanya at ipinikit ko ang mga mata ko.
---
Sorry if my typos.Follow. Vote.
BINABASA MO ANG
He's The Boss
RomanceDo they have a second chance? Book 2 of She's the Boss. You must read the book 1 first. --IamYourVirus