Jesy's POV
"J-jesy..." Tinulungan ako ni Lance na makaupo sa couch. Patuloy pa rin sa pagtulo yung luha ko.
"Shhhhh.... Maaayos din ang lahat. Magtiwala ka lang. Hayaan mo muna si Jake. Hintayin mo na lang humupa yung tensyon sa inyong dalawa." Nakaluhod sa harap ko si Lance para makapantay sa akin. Hindi ko masyadong maintindihan yung sinasabi niya.
"K-kailangan k-ko s-siyang sundan." Tatayo na sana ako kaso pinigilan ako ni Shane.
"Hey! Hayaan mo muna siya. Baka lalo lang kayong mag-away." Niyakap niya ako nang naging dahilan ng pag-iyak ko lalo. "Shhhhh... Maiintindihan ka niya. Nandito kami. I'm sorry kung sinampal kita. Shhh.." Habang pinapatahan ako ni Shane bigla na lang bumaligtad yung sikmura ko. Agad akong tumagbo sa CR.
*achkkkk!* *achkkkk!*
"Jesy, what happened?!" Nag-aalalang tanong ni Shane. Hinahagod lang niya yung likod ko.
*achkkkk!* *achkkkk!*
Hindi ko alam kung anong nangyari. Kulang na lang ay yakapin ko yung bowl. Tinulungan ako nila Shane at Lance na makatayo at magmumog. Unti-unti na rin ako nahihilo.
"JESY!?" Sigaw ni Shane ang huli kong narinig bago ako mawalan ng malay.
Puting kisame ang una kong nakita. Medyo masakit pa rin yung ulo ko. Ano bang nangyari? Nagsuka't nahilo ako. Nahimatay. Teka?! Si Jake?! Kailangan ko siyang maka-usap.
Nagmamadali ako umalis kahit nanghihina ako.
"Jesy?! Saan ka pupunta?! You need to rest." Biglang pumasok sila Lance at Shane.
"K-kailangan kong maka-usap si Jake. Hayaan niyo na ako." Nagpupumilit akong makaalis kaso patuloy pa rin si Lance sa pagpapahiga sa akin.
"Kailangan mong magpahinga. Stress ka! Makakasama sayo at....sa....baby!" Napatingin na lang ako kay Lance. Nagsimula na din tumulo yung luha ko. Niyakap lang ako ni Lance.
"K-kailangan k-kong m-makausap s-si J-jake...."
"Not now. Please. " Sabi ni Shane.
Nakatulog ako nang medyo matagal. Nang magising ako, nagpumilit akong umuwi kahit madaling-araw na. Wala din silang nagawa.
Lumabas na ako sa kotse. Kita kong nag-aalala sila.
"Okay na ako. Kaya ko na. Magpahinga na kayo." Sabi ko.
"Tawagan mo kami kung may problema. Okay?" Sabi ni Shane. Tumango lang ako at hinintay silang makaalis bago ako pumasok sa bahay namin ni Jake.
Pagpasok ko bigla akong kinabahan. Baby, kapit ka lang kay mommy. Maraming nagkalat na bubog sa sahig. Halos lahat ng vase at picture frames ay basag.
Umakyat ako sa kwarto namin. Nagulat ako sa nadatnan ko. Nakaupo si Jake sa sahig habang umiinom. Marami ding basag sa kwarto namin.
"Anong ginagawa mo dito? *hik*" Pagewang-gewang siyang naglalakad patungo sa akin.
"J-jake.. Please. L-let's talk." Hinawakan ko siya pero agad din niyang inalis.
"F*CK! WAG MO AKONG HAWAKAN!? GALIT AKO SAYO!? UMALIS KA NA!? AYOKONG MAKITA KA!?" Sigaw niya sa akin. Naiiyak na rin ako.
Hinawakan ko siya sa kanyang mukha at hinaplos. "P-pakinggan mo a-ako..."
*Pak*
Namanhid yung pisngi ko sa sakit ng sampal niya. Hindi ako makagalaw. Hindi ako makapaniwala na nagawa niya akong saktan.
"SINABI NANG HUWAG MO AKONG HAHAWAKAN!? UMALIS KA NA!? HINDI NA KITA KAILANGAN!?"
"B-babe.."
"DON'T CALL ME BABE?!" Hinatak niya ako papasok sa kwarto at itulak sa likod ng pinto. Nasasaktan ako pero mas nasasaktan ako sa nakikita ko. Hindi siya si Jake.
"WHY?! BAKIT MO 'YUN GINAWA?!" Kitang-kita ko kung gaano siya nasasaktan. Wala akong magawa kundi ang umiyak. Nararamdaman ko na rin ang paghigpit ng hawak niya sa mga braso ko.
"J-jake...n-nasasaktan a-ako..."
"YOU DESERVED THIS B*TCH?!" Bigla niya akong hinalikan ng marahas. Nalalasahan ko ang pait ng alak at dugo dahil pumutok na yung labi ko. Patuloy lang sa pag-agos ng luha ko. Hindi ko alam na kaya niya akong saktan. Natatakot ako.
"J-jake....nasasaktan a-ako." Mas ibinaba pa niya yung halik niya sa leeg ko. Masakit ang ginagawa niyang paghalik.
"J-jake... p-please t-tama n-na.." Hindi ko magawang pigilan siya. Hinang-hina na ako. Naisip ko yung magiging anak namin.
"J-jake...t-tama n-na...b-buntis a-ako..." Napatigil sa at tumingin sa akin. Hindi naman ako makapaniwala sa sinabi niya.
"F*CK JESY! REALLY?! SINONG AMA?! SI LANCE?! AY HINDI! MAY BAGO KA NGA PALA?! SI KURT?!"
"A-ano?! I-ikaw ang ama!"
*pak*
"WAG MO NA AKONG GAWING TANGA!? HINDI NA AKO MANINIWALA SAYO?! IPAPARAMDAM KO SAYO NGAYON ANG LAHAT NG SAKIT NA BINIGAY MO?!"
Bigla na lang niyang pinunit yung damit ko. Hindi ako makapaniwalang nagawa niya akong babuyin. Puro iyak lang ang nagawa ko hanggang sa itulak niya ako sa kama.
Nagmamaka-awa ako sa kanya na itigil na niya ngunit wala siyang naririnig. Nagpatuloy ang pag-iyak ko hanggang sa nakaramdam ako ng mainit na likido sa loob ko.
Nanlalabo ang paningin ko dahil sa luha. Nakita ko na lang na lumabas siya. Sinikap ko na makatayo para makakuha ng damit.
Habang nagsusuot ako ng damit, nakaramdam na lang ako ng matinding sakit sa tiyan. Nakita ko ang pag-agos ng dugo sa aking binti.
"AHHHHHH?! JAKE?! TULONG!?" Humingi ako ng tulong sa kanya pero hindi ko alam kung pinagbigyan niya ako dahil tuluyan na akong bumigay.
---
:( Jake?! Bad ka?!Sorry if my typos.
Follow. Vote.
BINABASA MO ANG
He's The Boss
RomanceDo they have a second chance? Book 2 of She's the Boss. You must read the book 1 first. --IamYourVirus