Jake's POV
"Hoy! Sir! Baka malasing ka niyan! Ayoko ng buhatin ka. Kabisado ko na yung mga line mo kapag lasing ka." Sabi ni Kyle. Oo! Pinoy din siya. 3 months na ako dito sa Pilipinas. Yung hotel namin dito ay ginawa ko ng pinaka-main sa lahat kaya titira na ako dito. Tuwang-tuwa nga si Kyle nung nabalitaan niya. 6 years kasi siyang nagtrabaho sa ibang bansa.
"Hoy ka rin! Boss mo pa rin ako! Ngayon lang ulit kita inaya na uminom." Sabi ko.
"Hayst! May problema ka na naman?" Tanong niya.
"Kambal ko na ata eh. I don't know. Sabi nila patunayan ko ang sarili ko pero bakit wala pa rin akong balita sa kanila?" Sabi ko.
*flashback*
2 years agoNagising na lang ako dahil sa sinag ng araw na tumama sa akin. Nandito ako sa bahay namin. Ibig sabihin kasama ko sila Dad. Bumaba na ako para mag-almusal.
"Good Morning po!" Binati ko sila pero nagulat ako nang makita ko si Don Anton.
"Sit. Let's eat first before we talk." Sabi ni Dad. Bigla akong ginabahan kaya hindi ako nakakain nang maayos.
We're here in living room. Hindi ko alam kung tungkol saan yung pag-uusapan namin. Mukhang seryoso kasi nasa tapat ko silang lahat. Para akong nasa interrogation room.
"Son, we need to talk about your wedding." Nagulat ako sa sinabi ni Dad.
"What?! Hanggang ngayon ba ipagpipilitan niyo pa rin yan?! Ayoko?! Hindi ako magpapakasal kahit kanino?!" Sigaw ko.
Biglang nagsalita si Don Anton."So, ayaw mong pakasalan ang apo ko?"
"Po?" --Ako
"Matagal na namin kayong ipinagkasundo ni Jesy. Matalik naming kaibigan ang mga Amable." Paliwanag ni Mom.
"Bakit? I mean bakit sa akin niyo pa siya ipapakasal? Alam niyo naman po ang nangyari." Napayuko na lang ako.
"Sa tingin no ba ay ganon na lang yun?" Napa-angat ako dahil sa sinabi ni Don Anton.
"Galit ako sayo..dahil sayo naghihirap ang apo ko. If you want to marry my granddaughter, prove yourself to me para matanggap kita ulit." Sabi sa akin ni Don Anton. "I need to go. Prove yourself first."
Pero bago lumabas si Don Anton at nagsalita na ako. "A-ano pong ibig niyong sabihin na naghihirap si Jesy nang dahil sa akin?" Tanong ko pero hindi ako pinansin.
*end of flashback*
"Sir! Emo ka na naman! Maghanap ka na lang ng girls. Hahahaha! Osya! Ako na lang!" Sabi ni Kyle.
Tsk! Loko talaga yun, iniwan akong mag-isa. Habang umiinom ako, nililibot ko ang tingin ko hanggang sa napadako ako sa isang babaeng sumasayaw.
Sh!t ! Ang sexy ng likod niya at ang galing sumayaw. Naka-suot siya ng red dress na backless na hapit na hapit sa katawan niya kaya kitang-kita ang curves niya.
Hindi ko alam pero hindi ko maialis ang tingin ko sa kanya. Nakaramdam din ako ng selos sa lalaking kasayaw niya.
Aist! Iniba ko na lang yung tingin ko. Jake! Umayos ka nga! Erase! Loyal ka na!
Pero laking gulat ko na lang nang makita ko yung mukha niya.
"Jesy?!"
--
Sorry if my typos.Follow.Vote.
BINABASA MO ANG
He's The Boss
RomanceDo they have a second chance? Book 2 of She's the Boss. You must read the book 1 first. --IamYourVirus