Jake's POV
"What happened?" Tanong agad ni Dad.
"Kyle, close and lock the door." Utos ko. "Please, ayoko po muna ng sermon."
"What?! Ano ba talaga ang ginagawa mo?!" Sigaw ni Dad.
"Jake.. Kausapin mo kami." Sabat ni mom. Alam kong pati siya ay galit.
*blag*
Ibinagsak ni Dad yung kamay niya sa table ko.
"SINABI NANG AYOKO MUNA NGAYON?! PWEDE PO BA?! NAGDADALAMHATI PA PO AKO SA PAGKAWALA NG ANAK KO!" Tuluyan ng bumagsak yung luha ko.
"Oh god! Son... what happened? Why? Bakit pati kami tinataboy mo? Magulang mo kami. Napakasakit sa amin na makitang miserable yung nag-iisang anak namin." Napatingin na lang ako kay Dad dahil sa sinabi niya. Tama siya.
"Son..." Niyakap ako ni mom. Napakasarap sa pakiramdam na may dumadamay sa iyo.
"I'm sorry po..."
"It's okay baby. Maghihintay kami hanggang sa maging ready ka." Sabi ni mom. Nagpakawala lang ako ng isang malalim na paghinga at sinabi ang lahat ng nangyari.
"Sorry son. Wala kami sa tabi mo. Anong plano mo?" Tanong ni Dad.
"Naiintindihan ko po. Hindi ko po alam. Sa ngayon, gusto ko lang makita si Jesy." Sabi ko.
"Edi mag-ayos ka." Napakunot ako ng noo sa sinabi ni mom. "May party mamaya sa mga Olivares. Inimbitahan kami at mukhang pati sila Jesy. Umuwi ka na muna. Sabay-sabay na tayong pumunta."
*fast forward*
Kanina pa ako nakaupo dito. Hindi ko pa siya nakikita.
"I'm going home."
"Sir, dumating na siya." Sinama ko na rin si Kyle. Napatingin ako sa entrance.
Huli na ba ako?
Bakit magkahawak sila ng kamay ni Kurt? Kita mo na masaya siya. Napatingin ako kay Lance.
"What? Wala akong alam. Baka huli ka na." Binigyan pa ako ng isang mapang-asar ngiti.
Nakita kong sinalubong niya yung tingin ko. Galit siya sa akin.
Wala akong ginawa kundi ang tumingin sa kanila. Huli na ba talaga ako?
"Tsss.. Matutunaw na yung dalawa. Sayang naman. Wala siyang magawa. Hindi naman siya boyfriend lalo na asawa. Hahaha!" Hindi na ako nakatiis. Kwinelyohan ko si Lance.
"Hey?! Tumigil nga kayong dalawa!" Sigaw ni Shane. Binitawan ko naman si Lance nang makita nakatingin lahat sa amin. Dumiretso na lang ako palabas.
Habang naglalakad ako, nakakita ako ng upuan. Pinuntahan ko yun at inupan.
Mababaliw na siguro ako. Paano ako hihingi ng tawad sa kanya kung nilalayo at lumalayo siya sa akin? Tama si Lance, wala kaming relasyon.
Ngumiti na lang ako habang nakatingin sa suot kong wedding ring. Oo! Wala akong balak tanggalin. Iniisip ko na sana suot din niya o di kaya itinago niya man lang.
Nakaramdam ako ng patak ng tubig. Mukhang uulan yata. Tumayo na ako at kahit ayoko ng bumalik ay kailangan bumalik.
Hindi ko alam kung nasaan na ako. Pumasok ako pero hindi sa party. Naglalakad-lakad na lang ako hanggang sa may nakita akong babaeng nakatayo habang nakatingin sa malayo.
"J-jesy..." Alam kong narinig niya ako kasi bigla siyang umalis. "Wait!" Hinabol ko siya at hinawakan sa braso. Agad ko din binitawan dahil sa mga tingin niya. Galit na may takot.
"Jesy... I'm s-sorry..."
"Let me go. Di ba ayoko ng makita ka!"
"No. Mababaliw na ako kaiisip sayo. Gusto ko lang magka-usap ka at humingi ng tawad." Napayuko ako. "Nagsisisi na ako. Gagawin ko lahat, patawarin mo lang ako. Kung gusto mo ako ipakulong dahil sa pananakit sayo, sige lang."
"Sa tingin mo, sapat na 'yun? Ibalik mo yung buhay ng mga anak ko. Hindi mo kaya? Pwes, Gusto kong layuan mo ako. Wag mo na akong guluhin pa. Just let me go." Malamig niya sabi.
"I-i can't. Mahal kita." Tinapunan lang niya ako ng malamig na tingin. "Gusto kong bumalik ka ulit sa akin. Araw-araw kitang susuyuin at liligawan. Hinding-hindi ako mapapagod."
"Will you please shut the f*ck up!" Nagulat ako sa pagsigaw niya. "Tama na!?" Pumiyok na siya. Anytime iiyak na siya. "Layuan mo na lang ako. Nagsisisi akong nakilala ka!" Tumulo na yung luha niya.
"K-kapag ba namatay ako, mapapatawad mo ako?" Alam kong nagulat siya.
"Hindi." Simpleng sagot niya at nagsimula ng lumakad paalis.
"Mahal kita! Mahal na mahal kita babe!" Sigaw ko. "Teka lang! Gusto ko lang malaman kung minahal mo ako?" Huminto siya.
"Gusto mong malaman ang totoo?" Sana gawin niya. "Hindi. Hindi kita m-minahal." Napangiti na lang ako dahil ginawa niya. Kapag magsisinungaling siya, nag-iiba siya ng tingin.
"Alam kong minahal mo ako!" Kampanteng sabi ko. "Naramdaman at nararamdaman ko. Alam kong magiging mahirap pero nangako ako sa magulang mo at kay baby felix na hindi ako mapapagod."
"Mapapagod ka rin. Nagawa mo na. To the point na hindi mo ako pinakinggan. By the way, wag ka nang umasa na magkakaroon ng TAYO. Kami na ni Kurt. Nangako siya sa akin na aalagaan niya ako at hinding-hindi sasaktan.
--
Sorry if my typos.Follow. Vote
BINABASA MO ANG
He's The Boss
RomanceDo they have a second chance? Book 2 of She's the Boss. You must read the book 1 first. --IamYourVirus