Jesy's POV
Napakabilis ng araw. Halos isang linggo na lang ay balik trabaho na kami. Isang buwan lang naman yung pahinga namin. *sigh* Okay, honeymoon.
"J-jake!? Tatamaan ka talaga sa akin?!" Pano ba naman, gumagalaw na naman yung kamay niya. Nakatalikod ako sa kanya habang nakayakap siya.
"Hahaha! Good Morning, Babe!" Humarap ako sa kanya at yumakap.
"I'm still sleepy. Kasalanan mo 'to. Ayaw mong magpatulog." Sabi ko. It's still 6 am in the morning. 3 hours pa lang yung tulog ko.
"Hahaha! Sinusulit ko lang." Sabi niya. Humalik pa siya sa noo ko.
After namin sa Amanpulo, nag-european tour kami. Nagmasyal, kumuha ng pictures, beach, at hindi natatapos yung gabi namin na walang nangyayari. Nandito kami sa condo niya na walang pinagbago. Hindi pa kasi tapos yung bahay namin.
"Babe, nagtext nga pala sa akin sila mom. Doon daw tayo maglunch." Napa-angat ako ng tingin. Ewan ko kung bakit ko siya tinititigan. Hanggang ngayon, sinusukat ko pa rin yung nararamdaman ko.
"Ayyyy!" Napatili ako nang dalhin niya ako sa taas niya.
"Why are you staring at me, wife? Hahaha! Bitin ka noh!? Akala ko ba..." Hinampas ko siya sa dibdib.
"Panget mo! Nakaiinis. Hahaha!" Ang totoo ay kabaliktaran. Pinabayaan ko lang yung pwesto namin. Aarte pa ba ako?
*Fast Forward*
Jake's POV
Magkahawak-kamay kaming pumasok sa bahay nila dad. Nakita agad kami ni mom.
"Mga anak, we missed you!? Kamusta kayo? My apo na ba kami? Hahaha!" Si mom na napaka-hyper.
"Honey, wag mo silang ipressure. Sakto yung dating niyo. Let's eat." Sabi ni dad. Pumunta na kami sa dining room. Pinaghila ko ng upuan si Jesy.
"Jesy, kamusta? Inaalagaan ka ba ng anak ko?" Tanong ni Dad.
"Okay lang po, Dad. Nag-enjoy na naman po ako kahit papano. Hahahaha!" Sagot niya na sabay tingin sa akin na parang napipilitan.
"Anong kahit papano?" Tanong ko.
"Hahaha! Boring ka pala, anak." Tukso ni Mom.
"Haist!? Kaya ayoko dito eh. Napagtutulungan ako!" Tumawa lang sila.
Puro kainan, kwentuhan at tawanan lang kami. Nandito kami ni Dad sa swimming pool area, nag-iinuman at nagkwekwentuhan. Si Jesy ay kasama ni mom sa loob.
"How are you, son? I'm glad. Ngayon lang ulit kitang nakitang ganyan kasaya." Tanong ni Dad.
"I'm okay. We're okay. I really love her, dad." Nakangiting sagot ko.
"May balak ka bang sabihin sa kanya na matagal na kayong naka-arranged marriage? Na sinasadya mong pabagsakin yung company nila para lang makasal kayo?"--Dad
"H-hindi ko pa po alam. What if magalit siya? Dad, we're okay."--Ako
"Huwag mo nang patagalin, okay? She will understand you." --Dad
"Yes po."
Maya-maya, nagpaalam na kami ni Jesy. Mukhang napagod siya. Nang makauwi kami, hindi niya ako hinintay. Nakita ko lang siya na nakatalikod.
"Babe? Are you alright?" Tanong ko.
"Totoo ba?" --Jesy
"Huh?! Ang alin?!" --Ako
"F*ck?! Totoo ba?! Totoo ba na sinadya mo kaming pabagsakin?! Why do you need to do that?! Kung tutuusin ay arranged-marriage na tayo?!" Nagulat ako sa sinabi niya. Narinig niya pala.
"B-babe, I can explain." Mabilis kong sabi.
"Tsk! Para saan pa?! Wala ka namang balak na sabihin sa akin. Matutulog na ako!" Sabi niya at padabog na isinara yung pinto.
Napaupo ako sa couch at napahilamos ng mukha. What happened? Galit na naman siya sa akin.
One week na siyang hindi umuwi. Kinaumagahan nung gabing nagalit siya, nagising ako na wala na siya pati yung mga damit niya.
Nakatanggap naman ako ng text galing kay Lolo Anton na pabayaan ko muna siya. Pati rin daw siya ay nasigawan ni Jesy.
Kauuwi ko lang galing sa trabaho. Kaya ngayon, sobrang stress ko dahil sa work at kay Jesy. Para nga akong magkakasakit. Hay! Sayang! Tapos na yung bahay namin.
*tok* *tok*
Medyo nagulat ako nang may kumatok. Medyo gabi na rin kasi.
"Babe?! I'm sorry!" Nang makita ko siya, agad ko siyang niyakap. I really missed her.
"Bitawan mo ako. Hindi ako bumalik dahil sayo. Bumalik ako dahil naki-usap lang si Lolo." Pumasok na siya.
"Two more thing. Ibalik mo yung JLA. Gusto kong magtrabaho na hindi kasama ang company niyo. And last, ayoko kitang katabi sa pagtulog. Pero Mas maganda na huwag mo muna akong pakealaman." Malamig niyang sabi.
F*ck!?
--
Sorry if my typos.Follow.Vote.

BINABASA MO ANG
He's The Boss
RomanceDo they have a second chance? Book 2 of She's the Boss. You must read the book 1 first. --IamYourVirus