Jesy's POV
"Aray! Teh! Natatamaan ako!" Sigaw ni Kurt.
"Umalis ka kasi d'yan." Pinagpatuloy ko lang yung ginagawa ko.
"Grabe! Pagkatapos mo akong papuntahin dito, babatuhin mo lang ako. Sakit mo sa bangs! Ano ba kasi yung ginagawa mo?"
"I have a date." Simpleng sagot ko.
"Taray! May time ka pang makipag-date. Ako nga wala eh."
"Edi idate mo si Leila." Tukso ko. "Ayos lang ba 'to?" Sabay turo ko sa isang dress. "Ay! Ayoko pala nito."
"Hindi nga kami talo ni Leila! Teka, sino ba yang kadate mo?" Tanong ni Kurt.
"Si..ano..kasi.." Nalunok ko yata yung dila ko.
"Nalunok ang dila? Teenager lang ang peg? Sino nga? Arte nito!"
"Okay...Si Jake." Sagot ko.
"OH.MY.G! Okay na kayo! Wah! Push niyo lang 'yan kahit na may kasalanan pa sa akin si Papa Jake." Sabi niya sabay tingin sa pasa niya sa salamin.
"I'm sorry nga pala sa ginawa niya." Sabi ko.
"Okay na! So, anong nangyari at nagkabati na kayo?" Tanong niya.
"Actually, hindi pa niya alam na napatawad ko na siya." Kitang-kita sa kanya ang pagkalito. "Kagabi, medyo nagsigawan kami. Then, bigla na lang niyang sinabi na 7 pm sa bahay namin. If ever na hindi ako pumunta, willing siyang i-let go ako. Syempre, ayoko din namang mangyari yun." Napangiti ako at napahawak sa tiyan ko.
"Ayyyyyy! Ang sweet ni Papa Jake. Hahaha!"
"Kaya ngayon, tulungan mo akong maghanap ng damit. Magshopping na lang kaya ako? What do you think?" Sabi ko.
"No need, teh! Napakadaming mo ng damit. Tara, maghanap na tayo! Meron na lang tayong dalawang oras. Make-over time!" Ngumiti ako at nagsimula na siyang maghalungkat. Masaya pala kapag may kaibigan kang GAY.
Wala pang 15 minutes ay naihanap na niya ako ng susuotin. May taste talaga si Kurt pagdating sa fashion.
"Thank you, Kurt!"
"You're welcome, my dear! Mag-ayos ka na!"
Papunta na sana akong CR nang biglang may sumigaw.
"Ma'am! Si Don Anton po!" Bigla akong kinabahan. Napatakbo kami ni Kurt.
"LOLO!?" Nakita ko na lang na nakahiga sa sahig si lolo. "Tumawag kayo ng ambulansya! Bilisan niyo! Lo! Wag mo akong iwan!" Nagsimula na rin akong maiyak.
Jake's POV
"So, ready ka na?" Tanong ni Shane.
"Yah! Thank you talaga sa tulong niyo." Sabi ko.
"Last mo na 'to! Kapag sinaktan mo pa siya, wala ka ng chance pa!" Banta ni Lance.
"Hindi na. Promise!" Sabi ko.
"Okay! Pumunta ka na sa garden. Kami nang bahala." Sabi ni Shane.
Pumunta na ako sa garden at umupo sa blanket. Naghanda ako ng isang picnic. May mga ilaw din na sa tingin ko ay magugustuhan niya. 15 minutes na lang ay 7 pm na.
Nagdadasal ako na sana ay pumunta siya.
Lumipas ang 30 minutes, wala pa ring Jesy na dumadating. Siguro natrapik lang siya.
Isang oras. Dalawang oras. Lumipas ang tatlong oras. Tuluyan ng tumulo yung mga luha ko.
Apat na oras na akong nakaupo. Inaaya na nga ako nila Shane na pumasok na sa loob pero sinasabi ko lang na maghihintay pa ako.
Nakisabay na rin yung langit sa pag-iyak ko.
"Jake! Pumasok ka na! Umuulan na!" Hindi ko pinansin si Shane.
Where are you, Jesy? Hindi mo na ba talagang kayang patawarin ako?
---
Wait niyo lang po yung susunod na chapter. Malapit na pong matapos. Salamat! 😘😘😘
Sorry if my typos.
Follow.Vote.
BINABASA MO ANG
He's The Boss
RomantizmDo they have a second chance? Book 2 of She's the Boss. You must read the book 1 first. --IamYourVirus