HTB: 25

9.6K 168 1
                                    

Jake's POV

"BOSS?! BOSS?!" Binato ko ng ballpen si Kyle kasi sigaw nang sigaw.

"Bakit ba?" Matamlay na sagot ko. Hindi na maganda yung pakiramdam ko.

"Sir, kanina pa kasi kayo tulala. Hindi niyo man lang naramdaman na nandito na ako."

*cough* *cough* "Galit pa rin sa akin si Jesy."

"Owwwww! S-sir? U-umuwi ka na kaya?" Lumapit si Kyle at hinawakan yung noo ko. "Mainit ka!"

"Salamat sa concern. Sweet mo! May pahawak-hawak ka pa ng noo. Okay lang ako." *cough*

"Sir?! Tanghali pa lang ngayon. May meetings ka pa mamaya. Cancel ko na lang." Sabi niya.

"Tsk! Gusto mo lang na umuwi eh! Ayoko!? Wala naman akong aabutan sa bahay. Iniiwasan niya lang ako." Dadating ako sa bahay na tulog na siya o wala pa siya. Ang aga rin niyang pumasok minsan.

"Ayyy! Naku! Bahala ka na nga. Malaki ka na. May meeting kayo mamayang 1:30 pm. Labas lang ako." Buti naman at lumabas na siya. Meron pa akong 30 minutes para magpahinga. Isinandal ko ang ulo ko at pumikit.


















Sunod-sunod yung mga meetings ko. Lalong sumama yung pakiramdam ko.

*cough* *cough* *cough*
Umiikot yung paningin ko.

"Sir? Umuwi ka na." Sabi ni Kyle.

"Mabuti pa nga. Ipagdrive mo ako."

Ipinagdrive naman ako ni Kyle. Pagkatapos niya iparada yung kotse ko, nagpaalam na siyang umuwi. Ako naman ay dumiretso sa kwarto ko. Nagbihis at natulog.












Jesy's POV

Nagulat ako nang makita kong nandito na yung kotse ni Jake. 5:30 pm pa lang. Inagahan ko na nga yung uwi ko. Iniiwasan ko kasi siya.

Pumasok ako nang bahay pero napansin kong napakatahimik. Nasaan siya? Nang umakyat ako, binilisan kong pumasok sa kwarto. Nakita ko kasing medyo nakabukas yung pinto ni Jake.

Nagpahinga muna ako bago maligo. Siguro mga 7:30 na ng maisipan kong bumaba. Nagugutom na kasi ako. Dahan-dahan akong lumabas at sinilip muna yung baba baka kasi nandoon si Jake. Nang wala akong nakita, bumaba na ako sa kitchen.

Medyo nagulat ako ng walang pagkain. Madalas kasi siya yung nagluluto. Nagsaing at nagluto na ako.

Habang kumakain ako, hindi ko maiwasang mag-isip. Nandito ba siya? Kumain na ba yun? Tinapos ko na lang yung pagkain ko nang tahimik.

After kong kumain, umakyat na ulit ako. Pero nakita kong nakabukas pa rin yung pinto niya. Sinilip ko siya. Nakita ko siyang nakahiga. So, nandito na nga siya. Ang tagal ata niyang matulog? Lumapit ako para makita siya.

F*ck?! Pawis na pawis siya. Ngayon ko lang napansin na naka-off pala yung aircon niya.

"Jake?! Teka.. M-mainit ka!" Sh!t. Kanina pa ba siya?

*cough* *cough*

Bumaba ako para kumuha ng maligamgam na tubig na may asin at bimpo.




Habang pinupunasan ko siya, nanginginig yung kamay ko. Ay!? Kailangan nga pala siyang bihisan. Hay!? Naku!?

Nagdadalawang-isip pa ako kung bibihisan siya. Ano bang ikinakatatakot ko? May mga nangyari na sa amin.

Dahan-dahan kong hinubad yung damit niya. Sh!t Abs!? Tukso layuan mo ako!

Laking pasasalamat ko na nakatapos ako. Bumaba ako para maipagluto siya. Ipagluluto ko siya ng sopas.
















"Jake, wake up. You need to eat." Kawawa naman siya. 9:00 na pero ngayon pa lang siya kakain.

Wala na akong nagawa kundi ang tulungan siyang umupo at kumain.

"Anong oras ka umuwi?" Tanong ko habang sinusubuan siya.

"Ahmmmm... 4?" Mahina niyang sabi. Lalo akong nakonsensya. Dapat pala kanina ko pa siya tinignan.

"I-i'm s-sorry b-babe." Napatingin ako sa kanya.

"Wag ngayon. You need to rest." Sabi ko.

"N-no! H-hindi a-ako m-magpapahinga. *cough* *cough* L-listen. I-i'm r-really s-sorry...."

"Jake. Please... Bukas. Bukas na lang. Magpahinga ka muna." Aalis na dapat ako pero napatigil ako sa sinabi niya.

"I-I love you! I s-still love you. M-matagal ko ng a-alam na a-arranged n-na t-tayo. Muntik pa nga nilang bawiin pero umayaw ako. Ginawa ko lahat ng utos ng lolo mo."

"What? A-ano?" Pinaupo niya ako at hinawakan yung kamay ko.

"A-after nating m-aghiwalay, n-nagago ako. T-there are times na nakukulong ako dahil sa mga street fights. N-nalaman yun ng lolo mo." Nakatitig lang ako sa kanya. Dina-digest ko lahat ng sinasabi niya.

"P-para makasal tayo, I need to prove myself first. *cough* N-nagtrabaho ako na walang tulong ni Dad. N-nung umuwi na ako dito, nalaman ko na p-pinapasundan ako ng lolo mo. N-nalaman niya yung nangyari n-nang magkita tayo ulit. *cough* N-nang pinayagan na ako ng lolo mo, m-masayang-masaya ako. G-ginawa kong bayaran yung iba mong investors p-para pakasalan ako. Yun lang yung naisip k-kong paraan kasi alam k-kong magagalit ka sa lolo mo *cough* k-kapag ipinilit niya na pakasalan mo ako. Tignan mo, nagalit ka." *cough* *cough*
































"R-rest." Yan lang yung nasabi ko at umalis na.

--
Sorry if my typos.

Follow.Vote.

He's The BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon