Jesy's POV
"Blooming ka yata ngayon. May nangyari noh! Hahahaha! Ilang rounds?"
"Shane?! Ano ba?! Mambwibwisit ka lang ata eh!?" Nandito siya ngayon sa office ko. Bigla na lang siyang sumusulpot. Pulang-pula na siguro yung mukha ko.
"Hahahaha! Pulang-pula ka na! Tama ako!" Sigaw niya.
"OK! Fine!? Meron ngang nangyari. MGA nangyari kagabi. Happy? Umalis ka na nga! Shooo!" Kagabi hindi na naman niya ako tinigilan.
"Hahahahahahaha! Gumamit kayo ng proteksyon?" Tanong niya.
"Hindi." Maikli kong sagot.
"Oh my G! May malalaro na akong bata. Hahahaha!" Sigaw ni Shane.
"Ahmmmm... Shane... I-i'm still using pills. Hindi 'to alam ni Jake." Binigyan lang niya ako ng What-Bakit Look. "Hindi pa ako handa."
"Hayyyy! Di naman kita masisisi. Pero hindi ba mukhang unfair kay MyLoves yan." Sabi niya.
"Alam ko. Gustong-gusto na nga niyang magka-anak." Sabi ko. Gusto ko na rin naman kaso natatakot ako.
"Sabihin mo kay MyLoves 'yan kaysa naman na siya yung makaalam. Please lang! Second Chance niyo na 'to. Yung love team niyo pa rin yung gusto ko."
Second Chance niyo na 'to
Second Chance niyo na 'to
Second Chance niyo na 'to
Second Chance niyo na 'to
Paulit-ulit na nagrereplay sa utak ko 'yan
"Hoy?! Okay ka lang?!" Natauhan ako sa sigaw ni Shane.
"Y-yeah! Thanks Shane. Alam ko na yung gagawin ko." Sabi ko.
"Okay... Kahit hindi ko alam na may naitulong ako. By the way, malapit na ang birthday ni MyLoves. Anong plano mo?" Sabi ni Shane.
"God! Next week na pala. Argh!? Muntik ko ng makalimutan!" Sigaw ko.
"I'll help you." --Shane
"Thanks. Buti may naisip na akong regalo." --Ako
"Bilis naman. Ano 'yon?" Tanong ni Shane
"Secret! Hahaha!" Nakita ko naman na napailing si Shane.
Medyo gabi na rin akong nakauwi dahil sa dami ng trabaho. Gusto ko kasing maiangat ulit yung JLA. Don't get me wrong. Masaya na ako na sila Jake yung nangunguna.
"Hey! Babe, kumain ka na? Tired?" Kinuha niya sa akin yung bag ko at pinaupo niya ako sa couch. Tinanggal niya rin yung heels ko.
"Bat ang aga mong umuwi? You, Kumain ka na ba?" Tanong ko.
"I'm the boss. Hahaha! Ikaw din naman. Pwede ka naman umuwi ng maaga, hindi yung ganitong gabi. Ayaw mo ba talaga na tulungan kita? Kasalanan ko naman eh. Sabay na tayong kumain." Sabi ni Jake.
"A.YO.KO. Kaya ko naman saka sanay naman na ako. Doon na nga ako lumaki. Hindi mo kasalanan noh. It's my fault. Napabayaan ko rin yung JLA kaya madaling nawala yung ibang investors. Magpapalit lang muna ako then kain na tayo. Okay?" Umakyat na ako sa kwarto para makapagpalit.
"Masarap ba?" Tanong niya.
"Yup. Ako na ang maghuhugas nito. Hep! Bawal umangal. Ikaw na nga yung nagluto eh." Sabi ko.
"Haayyy! Pagod ka na eh. Okay lang naman kung ako na." --Jake.
"Pagod ka rin naman. Ahmmm... May kailangan akong sabihin pero mamaya na. Maghuhugas muna ako ng plato." Kailangan ko muna mag-ipon ng lakas.
*Fast Forward*
Paakyat na ako sa kwarto namin. Hindi ko maiwasang hindi kabahan. Kailangan ko rin kasing sabihin sa kanya bago pa niya ako maunahan.
"Hey, babe. Anong sasabihin mo?" Nakangiting tanong niya. Inaya ko siya na maupo sa kama.
"J-jake.... A-ano kasi... About sa b-baby. A-alam ko naman na gusto mo na.. pero ano kasi... umiinom pa rin ako ng pills. I'm sorry." Nakita ko ang pagkunot ng noo niya kasabay ng isang malalim na paghinga.
"G-ganon ba. Okay l-lang. I-i can wait. Labas muna ako. Matulog ka na." Matamlay na sabi niya.
Argh!!!!!
---
Sorry if my typos.Follow.Vote.
BINABASA MO ANG
He's The Boss
RomanceDo they have a second chance? Book 2 of She's the Boss. You must read the book 1 first. --IamYourVirus