HTB: 40

10.3K 154 4
                                    

Jake's POV

Nakayuko akong naglalakad papuntang E.R. Medyo natagalan ako sa pagbalik kasi kumuha ako ng pampalit. Hindi ko magawang tignan yung damit ko na puro dugo ni Jesy at ng anak namin. Bigla akong nagtaka dahil wala ng tao sa E.R nang makarating ako.

"Nurse, nasaan yung pasyente sa ER kanina?" Tanong ko.

"Dinala na po sa Room 312. Mauna na po ako." Kumaripas na ako ng takbo.

Nang makarating ako, nakita ko pag-iyak ni Jesy habang nakayakap sa lolo niya. Sana mali yung iniisip ko.

"J-jesy..."

"Anong ginagawa mo dito?! Umalis ka na?!" Napahinto ako sa paglapit sa kanya dahil sa pagsigaw niya lalo.

"Wag kang lalapit! Lumayo ka! Wag na wag mo na akong lalapitan! S-sasaktan m-mo l-lang a-ako!" Anong ginawa ko? Takot siya sa akin.

"J-jesy... b-babe... I'm s-sorry.."

"ANG KAPAL NG MUKHA MO! AKALA KO BA AYAW MONG MATAWAG NA BABE?! TAPOS NGAYON?! ANO?! NAGSISISI KA NA AGAD SA GINAWA MO?! MASAYA KA NA BA?! MASAYA KA NA BA NA NAWALA NA NAMAN YUNG ANAK KO!? HINDI MO MAN LANG AKO PINAKINGGAN KANINA?! PINATAY MO YUNG ANAK KO?!" Parang akong binagsagan ng langit at lupa. Nagsimula na naman kumawala yung luha ko.

"UMALIS KA NA!? AYOKO NANG MAKITA KA?! SANA IKAW NA LANG YUNG NAMATAY AT HINDI YUNG MGA ANAK KO! LO, PAALISIN MO SIYA!? LO?!"

"Tara na!" Wala na akong nagawa kundi magpahatak kay Shane. Gusto kong sumabog sa mga oras na 'to.

"S-sandali lang Shane." Umupo muna ako bago pa kami makalabs ng hospital. Sobrang sakit ng nararamdaman ko.

"Magpagamot ka muna. Puro sugat ka. Nagdudugo pa yang kamay mo." Sabi ni Shane.

"W-wala akong a-alam sa mga nangyari. I-inamin na sa akin l-lahat ni Dana. H-hindi ako yung n-nagpadala ng sulat..." Hinayaan ko na lang yung mga luha ko. "N-naniniwala ka ba sa akin?"

"N-naniniwala ako sayo MyLoves." Ngumiti na lang ako sa sagot niya.

"K-kung alam k-ko lang... s-sana m-masaya na kami at m-may mga a-anak k-kaso pinatay ko s-sila...."

"Shhhh... Tama na... Wag ka ng magsalita. Tara! Ipagamot natin yang mga sugat mo. Tapos bisitahin mo yung anak mo." Napatingin ako kay Shane. "Ipinalibing ni Jesy yung una niyo anak. Katabi ng puntod ng mga magulang niya."

Bigla ko na lang naalala yung araw na bumisita kami sa magulang ni Jesy. Yung puntod na 'yon. Gusto ko sanang itanong kay Jesy kung kaano-ano niya 'yun. Ngayon alam ko na.

Felix Angelo Amable -- my son.



























Mga isang oras na rin buhat ng pumunta at humingi ng tawad sa magulang niya at sa anak namin.

"Patawarin niyo po ako." Paghingi ko ng tawad ulit. "Wala akong kwentang maging ama..." Kung akala niyo na babae lang ang umiiyak ng matagal, nagkakamali kayo. Kanina pa ako.

"Sana mapatawad niyo po ako.." Bigla na lang humangin ng malakas. "Salamat po. Hindi po ako mapapagod kay Jesy sa paghingi ng patawad."

Inalala ko lahat ng magagandang pinagsamahan namin bigla mag-asawa kahit hindi totoo. Wala na akong pake kung peke man yung kasal namin. Ipinaramdam naman niya sa akin na totoo yung pinagsamahan namin. Naging tanga lang ako at inuna ang galit.

"Daddy? Bakit? Bakit mo sinaktan si Mommy? Bakit mo kami pinatay?"

"Hindi totoo yan! Teka?! Wag kayong umalis?! Teka?!"

Napabalikwas ako. Hingal na hingal at pawis na pawis. Napahawak ako sa ulo ko at tinignan yung oras.

4:45 am na pala. Nagsimula na akong gumayak. Dalawang linggo na ang nakalipas. Gabi-gabi ko rin na napapaginipan yun.

Nandito ako sa bahay namin ni Jesy. Balita ko nakatira ngayon si Jesy sa lolo niya.

Minsan nga, gusto kong makitang kinukuha niya lahat ng damit niya dito para lang makita siya.

"Good morning Sir!" Diretso lang akong pumasok sa opisina ko. Hindi ko sila pinapansin.

"Sir, may kailangan po kayong pirmahan. Nasa table niyo na po lahat." Pati si Kyle, nakakakuha rin ng masamang trato mula sa akin. Medyo nagkaroon din kami ng ilangan dahil sa girlfriend niya si Dana."Sir, dadating po mamaya yung mga magulang niyo. Kumuha po sila ng appointment."

Napabuga na lang ako ng hangin. Nakalimutan ko yung mga magulang ko.

---
Sorry if my typos.

Pambawi sa napakatagal na hindi pag-update. 4 chapters! Haha! 😂
Follow. Vote.

He's The BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon