Jesy's POV
Nandito ako sa kwarto ko. Nagmumukmok? Ewan ko? Pero naiinis kasi ako. Akala ko ba hindi siya mapapagod? Isang buwan na siyang hindi nagpaparamdam.
Ginulo ko yung buhok ko! Aist! Bakit naiinis ka? Ano naman ngayon? Di ba 'yun ang gusto mo?
*tok* *tok*
"Come in." Walang ganang sagot ko.
"Apo! May balak ka naman sigurong gumayak para mamaya." Umupo siya sa gilid ng kama ko at inaayos yung buhok ko.
"Opo! Happy Birthday Lo!"
"I invited him. Okay lang ba sayo?" Tanong niya.
"Wala naman akong magagawa eh. Birthday mo. Do what you want."
"Hahahaha! Sungit ng apo ko ah. Kamusta ka na? Kailan mo sasabihin sa kanya? May karapatan siyang malaman."
"So, kaya mo siya pinapunta para sabihin ko sa kanya. Tsss..."
"Hindi naman sa ganon apo."
"Hindi ka ba nagalit sa kanya? Natatakot ako. Paano kung saktan niya ulit ako?" Tanong ko.
"Nagalit ako. Nagalit ako sa inyo." Napa-angat ako ng tingin.
"Nagalit ako sa kanya pero kitang-kita ko kung paano siya nagsisisi. Sinabi ko na layuan ka na niya pero lumuhod at nagmakaawa siya. Hindi nga siya umaangal nung pinagpapalo ko siya ng tungkod. Lahat gagawin niya para mapatawad mo siya. Di ba nga ginawa niya ang lahat para maikasal sayo." Patuloy lang ako sa pakikinig.
"Siguro nadala lang siya ng galit. Apo, nasasaktan din siya. Apo nga talaga kita. Napakagaling mo. Wala kaming kaalam-alam na peke yung kasal niyo."
"Thank you po. I take that as compliment."
"Hahaha! Pero alam mo ba kung bakit hindi talaga namin napansin 'yun? Kitang-kita sa mga mata niyo na mahal na mahal niyo ang isa't isa. Di ba dati tinanong kita na kung paano kapag wala siyang alam sa mga nangyari. Napaka-unfair lahat kay Jake. Mabuting bata si Jake kaya napatawad ko siya agad."
"Just give me some time." Sabi ko.
"Okay. Time can heal anything. Pero sana wag mo nang paabutin na maging five years old 'yang apo ko sa tuhod."
"Hahaha. Opo."
"Osiya! Lalabas na ako. Gumayak ka na."
"Opo. Happy Birthday." Hinalikan ako ni lolo sa noo at umalis na. Napahawak ako sa tiyan ko.
Almost 3 months na siya. Hindi totoo na nakunan ako. Himala nga daw ang nangyari sabi ng doctor. Mabuti daw at mahigpit ang kapit ng bata.
Nakararanas ako ng morning sickness. Yung nagigising na lang ako kasi biglang babaligtad yung sikmura ko. Lumakas din ako sa pagkain lalo na sa tulog.
At mukhang si Jake pa ang pinaglilihian ko. Naalala niyo yung biglang gusto ko siyang kagatin? Sana mamaya mapigilan ko yung sarili ko. Kaya siguro ako nagmumukmok.
I'm wearing a green dress. Kung titignan ay mukhang busog ako. Nagsimula na ang party dito sa garden pero gusto ko lang matulog.
"Ay! Sayang ang make-up at ganda teh! Nakabusangot ka na naman. Kawawa naman si baby kung magiging malungkutin!" Inirapan ko lang si Kurt.
"Inaantok ako." Sagot ko.
"Inaantok o namimiss yung daddy?" Binigyan ko siya ng masamang tingin. "Ay kaloka! Tara! Sayaw tayo."
Tumango ako at nagpahatak sa kanya. Kumapit ako sa leeg niya at sumandal sa dibdib niya. Kung titignan ay mukha talaga kaming couple pero hindi. Hindi kami talo.
Tumutugtog ngayon yung All Of The Stars by Ed Sheeran.
"So, anong plano mo?" Tanong ni Kurt.
"I don't know. I really don't know." Sagot ko.
"Ayaw mo bang magkaroon ng ama 'yang junakis mo?"
"Syempre gusto."
"Yun naman pala eh. Ako, ayoko." Napa-angat ako ng tingin. "Ayokong masira yung magandang face ko. Nakakatakot! Mukhang masasapak ako ngayon."
"Huh? Ano bang sinasabi mo?" Tanong ko.
"Sis, nakatingin siya sa atin. Ayun oh!" Tinignan ko naman kung saan nakaturo si Kurt. Tama siya! Baka nga masapak siya.
"OhMy! Sis! Palapit na siya!" Bulong ni Kurt.
At mukhang hindi kami nagkamali, bigla na lang siyang sinapak ni Jake.
"Jake! Anong ginawa mo?" Sigaw ko. At talagang nakatawag ng pansin yung ginawa ni Jake.
"Sorry. Sorry talaga Kurt!" Bulong ko at tinulungan siyang makatayo.
"Kausapin mo 'yan! Aba! Lalaki din ako kahit papano. Baka masapak ko 'yan! Yung face ko!" Bulong ni Kurt. Tumango ako at hinatak si Jake papasok sa bahay.
Nakarating kami sa kwarto ko.
"Anong ginawa mo?! Wag kang mag-eskandalo dito! Mahiya ka naman kay Lolo!" Sigaw ko.
"I'm sorry!"
"Sorry?! Sorry na naman?! What is your problem?!"
"Problem?! Ikaw! Ginawa ko naman yung gusto mo na layuan ka! Pero! Sh*t! Nasasaktan ako kapag nakikitang magkasama kayo!" He looks so frustrated.
"Wag mo akong sigawan at murahin!" Mukha namang natauhan siya.
"S-sorry. Hindi ko sinasadya." Hinawakan niya yung kamay ko. "I want you back. Wala na bang pag-asa? Tayo? Mahal kita Jesy." Hindi ako makasagot sa kanya.
"Bukas. 7 pm sa bahay natin. Maghahanda ako para sa ating dalawa lang. Please, pumunta ka. Pero kapag hindi, kahit masakit. I willing to let you go." Naiwan akong tulala.
---
Sorry if my typos.
Follow. Vote.
BINABASA MO ANG
He's The Boss
RomanceDo they have a second chance? Book 2 of She's the Boss. You must read the book 1 first. --IamYourVirus