Jesy's POV
Nandito ako ngayon sa isang bar kasama ko sila Shane.
"Jesy, hindi ka ba hinahanap ni Jake? Gabi na." Tanong ni Lance. Medyo nakararamdam na rin ako ng hilo.
"Tssss... Ayokong umuwi. Naiinis ako sa kanya. Sinabi ko lang naman sa kanya yung totoo na gumagamit ako ng pills. Tas ngayon, hindi niya ako pinapansin. Nakakainis kayong mga lalaki. Bwisit!" Mga 3 araw na niya akong hindi pinapansin.
"Wag mo naman lahatin. Hindi mo rin naman masisisi si MyLoves. Malapit na siyang mag-30." Nagkakampihan pa 'tong sila Shane at Lance.
"Argh! Naiinis ako! Hindi pa ako handa. What if.." Tumulo na yung luha ko.
"Hindi mo naman kasalanan. Ano ba ang iniisip mo? Iniisip mo ba kapag nabuntis ka ulit ay mauulit yung dati? Hindi na mauulit yun. Nandito kami ni Shane. Let's go. Umuwi na tayo." Inalalayan ako ni Lance. Okay lang naman kay Shane. Ako lang naman kasi yung uminom nang marami.
Tahimik lang ako na nag-iisip sa backseat. Hindi ko nga napansin na naka-uwi na si Shane. Natauhan lang ako nang nagsalita si Lance.
"Nandito na tayo." Agad naman akong lumabas ng kotse."Jesy, alam kong hindi lang sa pagkakaroon ng anak yung iniisip mo. So, anong plano mo ngayon?"
"Sa totoo lang Lance, hindi ko na alam. I know na magagalit din si Shane sa akin kapag nalaman niya. After all, Jake is still her cousin." Sabi ko.
"Kasi mahal mo pa. Hindi naman nawala, itinago mo lang. Wag kang mag-alala. Nandito kami ni Shane. Maiintindihan ka niya. Tutulungan kita." Nagyakapan lang kami at nagpaalam na siya.
Medyo nahihilo na ako kaya pagewang-gewang ako na naglalakad papunta sa kwarto namin. Gayunpaman, malinaw pa rin na nakita ko siyang natutulog.
Agad ko siyang niyakap sa likod. "Jake. Sorry na. Pansinin mo na ako." Nainis lang ako dahil nga tulog na siya. "Nakakainis ka!" Dumiretso ako ng banyo para makapaglinis ng katawan.
Nagising ako ng walang katabi. Medyo masakit yung ulo ko dahil sa alak na ininom ko kahapon.
Nang umikot ako sa gilid, nakakita ako ng sulat.
'Maaga akong pumasok.'
xxJakexxAng aga-aga Jake! Sinusura mo na ako. Agad kong tinext si Shane.
To:Shane
'Shane, help me. Bigyan natin ng isang birthday party si Jake na hindi niya makalilimutan. Nakakainis yung pinsan mo.'
---
Sorry if my typos.Follow. Vote.
BINABASA MO ANG
He's The Boss
RomanceDo they have a second chance? Book 2 of She's the Boss. You must read the book 1 first. --IamYourVirus