HTB: 39

9.4K 155 1
                                    

Shane's POV

"Hon, pwede ba tayong bumalik? Tignan lang natin si Jesy. Kinakabahan ako." Sabi ko kay Lance. Kalalabas pa lang namin ng subdivision nila pagkatapos namin ihatid si Jesy.

"Hinihintay lang kitang magsabi." Umikot kami at bumalik. "Walang mangyayaring masama. Okay?" Tumango lang ako at tumingin sa labas.




Jake's POV

Nandito ako ngayon sa labas ng kwarto namin. Napasandal ako sa pader. Tumulo na yung luha ko.

J-jake...n-nasasaktan a-ako..."

"J-jake....nasasaktan a-ako."

Inuntog ko na lang yung ulo ko sa pader. Bigla ko na lang naririnig yung bawat iyak at pagmamaka-awa niya.

"J-jake... p-please t-tama n-na.."

"J-jake...t-tama n-na...b-buntis a-ako..."

Anong ginawa ko? Sinaktan ko siya? Napapikit na lang ako at hinayaang umagos yung mga luha.

"AHHHHHH?! JAKE?! TULONG!?" Bigla akong nataranta ng sumigaw siya. Binuksan ko agad yung pinto at tumakbo papunta sa kanya. Nawalan siya ng malay.

"J-jesy? Wake-up?" Tinatapik-tapik ko siya para magising. Tila nabuhusan ako ng malamig na tubig nang may nakita akong dugo sa hita niya.

"J-jake...t-tama n-na...b-buntis a-ako..."

Agad ko siyang inayos at binuhat. Pababa na kami ng biglang sumulpot sila Shane at Lance.

"Jesy?! F*ck?! Anong ginawa mo?!" Lumapit si Lance sa akin at pinipilit agawin si Jesy.

"Ano ba?! Isakay niyo na sa kotse si Jesy!? Mamaya na kayo magtalo?!" Natauhan kami pareho. Nagmamadali kaming sumakay sa kotse.

Yakap-yakap ko lang si Jesy habang nagmamadali sa pagmamaneho si Lance.

"I-i'm sorry, b-babe. S-sorry... P-please.. w-wag kang s-susuko." Napatingin ako sa mga hita niya. "P-please...w-wag k-kayong s-sumuko ng a-anak n-natin..." Wala na akong pakialam kung magmukhang tanga ako sa kaiiyak.

Puro paghingi lang ng sorry ang ginawa ko hanggang makarating kami sa hospital. Dinala agad sa E.R si Jesy. Gusto ko sanang sumama sa loob kaso hinarangan ako.

Napaupo ako at napahawak sa ulo. Naramdaman ko na lang ang paghigpit ng kwelyo ko at isang malakas na suntok.

"TANDAAN MO 'TO! KAPAG MAY NANGYARING MASAMA KAY JESY AT SA ANAK NIYA, PAPATAYIN KITA!? HAYOP KA?! ANONG GINAWA MO?!" Paulit-ulit niya akong sinusuntok pero hindi ako umaangal o umiilag. Dapat lang 'to sa akin.

"P*TANG*NA MO!? KAPAG NAKUNAN ULIT SI JESY, PAPATAYIN TALAGA KITA." Napatitig ako sa kanya.

"A-anong i-ibig m-mong s-sabihin?! Ulit?! Makunan ulit?"

*boogsh*

"G*G* ! WAG KANG MAGMAANG-MAANGAN! ALAM MONG NAKUNAN SIYA!"

"Tama na Lance.." Awat ni Shane. Napaupo ako sa sahig. Walang akong maramdamang sakit. Wala akong alam sa nangyari.

"MAMAMATAY KANG HAYOP KA! TIGNAN KO LANG KUNG ANONG SASAPITIN MO KAPAG NAWALA PA ANG PANGALAWA NIYONG ANAK!"

"A-anong i-ibig m-mong s-sabihin?!" Pinilit ko tumayo at kumapit kay Lance. "Anong pangalawang anak?" Kitang-kita ko ang pagkunot ng noo niya. "Shane... anong ibig sabihin?"

"H-hindi mo alam? N-nagpadala ka ng s-sulat na masaya ka sa pagkawala ng bata p-para sa i-inyong d-dalawa ni Dana." Sabi ni Shane.

"A-anong s-sulat? F*ck! W-wala akong pinapadalang sulat... W-wala akong a-alam... H-hindi ko a-alam.." Napaupo ako sa upuan at umiyak. Lalo akong napaiyak nang makita ko yung dugo sa damit ko.

"Sigurado kang w-wala kang a-alam?" Tanong ni Lance.

"Walang-hiyang babaeng 'yun?! Niloko tayong lahat!?" Sigaw ni Shane. Tumayo ako at nagmadaling umalis.

"Saan ka pupunta?" Sigaw ni Shane.

Kailangan kong maka-usap si Dana.

























Walang akong pake kung anong sabihin ng mga tao dahil sa dugo sa damit ko. Gusto ko lang malaman ang totoo. Nandito ako ngayon sa condo ni Dana.

"Jake! Oh my?! What happened?! Bakit puro dugo ka?" Tanong ni Dana.

"A-anong ginawa mo kay Jesy?"

"Huh?! Anong ibig mong sabihin?"

"P*tang*n?! WAG NA TAYONG MAGLOKOHAN! BAKIT NAKUNAN SI JESY?! ANO YUNG SULAT?!" Nakita ko ang pagkagulat niya. Hindi ko napigilan ang sampalin siya.

"Sir!? Anong ginawa mo!?" Bigla na lang sumulpot si Kyle.

"ANONG GINAWA MO?! NASA OSPITAL NGAYON SI JESY! PWEDE SIYANG MAKUNAN ULIT! BUGBOG SARADO AKO KAY LANCE!? SINISISI NIYA AKO SA KASALANANG HINDI KO ALAM!?"

"O-okay lang Kyle. I-i'm sorry Jake." Hindi ako makagalaw sa sinabi ni Dana. "P-patawarin mo ako Jake sa pagsira sa inyong dalawa. A-ako yung nagpadala ng sulat.. A-araw-araw, g-gabi-gabi kong pinagsisihan lahat."

Nagawa ko na lang suntukin yung pader na malapit sa kanya.

"Kapag may nangyaring masama kay Jesy at sa anak namin, magbabayad ka!" Malamig kong sabi at tuluyan ng umalis.

---
Sorry if my typos.

Follow.Vote.

He's The BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon