Chapter I

2.2K 29 2
                                    

Chapter I

"Kanino bang bahay 'yan?" tanong ko kay Leah.

Based on the walls around, the house seems huge. The gate alone is enormous, you can see the security guarding it even when you are far. Mula dito sa tapat ng bahay ay makikita mo ang greek-style fountain sa harapan ng mansion.

"Basta sa pinsan ng pinsan ko," sagot nito habang sumisilip sa gate. I can already feel the guards eyeing on us. Ang tanging dahilan na lamang siguro ng mga ito para hindi kami lapitan ay ang pagbabakasali nilang baka bisita kami, at baka mapagalitan sila ng kanilang amo kung pupunahin kami.

Umirap ako sa aking kaibigan. Sinaway ko ito sa pagsilip sa gate. Nagmumukha kaming gate crasher dahil sa pinaggagawa nitong pagsilip sa loob na tila humahanap lang ito ng pagkakataon na makapasok.

"Sigurado ka bang invited ka?"

"Of course! He is my cousin. Tara na nga sa loob. Nandyan na daw sina Mama," anito habang nakatingin sa kanyang Iphone. The guard then went to us to assist us.

Hinila ako nito papasok at wala akong ginawa kung hindi magpatianod sa kanya. Napabuntong hininga lang ako. Halos ilang linggo na din akong kinukulit nitong si Leah sa birthday ng kanyang pinsan na si Anthony. Tutal ay tapos na ang aming finals ay pumayag na ako kahit na ang totoo ay ayokong pumupunta sa mga ganitong uri ng handaan.

Tiningnan ko ang cellphone ko at nabasa ang pagpayag ni Dad sa pagpunta ko sa party na ito. I put it back to my bag to look where we are going. I saw ko how Leah's dressed dance through her movements. Kulay itim ito, at mahigpit na niyayakap ang maliit na bewang ng kaibigan ko. Hindi nakapagtatakang madaming nakatitig dito.

"Happy birthday, cousin!" bati ni Leah sa pinsan niya. Niyakap niya ito.

"Thanks," sabi ni Anthony at niyakap pabalik ang pinsan pagkatapos ay tumingin sa akin.

Tinaasan ko ito ng kilay at ngumiti lamang ito sa aking reaksyon. Hindi simpleng ngiti iyon, may halo iyong kapilyuhan. Kahit kailan talaga ay hindi ko gusto ang timpla ng ngisi nitong si Anthony. Malalalim at singkit ang mata nito kung kaya mukha itong suplado ngunit malalaman mong kailangan mong mag-ingat dito sa pamamagitan ng ekspresyon nito sa mukha.

"Kasama mo pala si Paige. Kumain na kayo sa loob," sabi nito sa amin.

Itinutok ko sa mukha nito ang kamao ko, gulat naman itong napaatras. Ilang beses ko na iyong nagawa sa kanya ngunit pareho pa din ang kanyang reaksyon sa unang beses. He really think and believe that one day, I'll punch him in the face.

"Happy Birthday," I smiled at him. Ngumisi ito ng makita ang nakasabit na paper bag sa aking kamao.

"Nag-abala ka pa," nakangisi nitong sabi at tinanggap ang regalo. "Kiss lang naman, sapat na."

Sinuntok ko ito ng tuluyan sa kanyang braso at tinignan ng masama.

"Kung pahalikin kaya kita sa lupa?"

"I'm just kidding," he winked at me.

"Tigilan mo ang kaibigan ko okay?" sinenyasan ni Leah pa ito ng 'I'll-be-watching-you' look saka tumawa. I laughed with them, too.

"Tuwang-tuwa talaga yun sayo," ngisi sa akin ni Leah, "Ilan lang ang kinakausap nung babae. Ikaw nasusuntok mo pa. Idol talaga."

Anthony is kind of anti-social but in reality, he has a playful personality. Dumadating sa punto na nakakainis na ito. Tahimik kaming kumain sa isang tabi. Hindi naman kami na-out of place dahil may common friends kami ni Anthony. Yung nga lang, may iba talaga na ngayon ko lang nakilala kaya hindi ako gaanong makasabay.

Young and MarriedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon