XXXII

1K 24 7
                                    

Chapter XXXII

Sabay naming pinutol ang ribbon sa harap ng pintuan ng tahanan namin ni Zack. Nagpalapakan ang mga taong inimbita namin para makisaya sa aming house blessing.

Sama-sama kami sa unang araw na pumasok kami sa bahay namin ni Zack. Hindi ito kasing laki ng bahay nila ngunit dalawa din ang palapag. Brown at cream ang theme ng bahay at pinupuri ng mga tao ang asymmetrical design nito na sinadya ni Zack. Maging ang interior ng bahay ay talagang maganda at halatang pinaghandaan.

"Mahirap kapag kayo na lang dalawa. Mas makikilala niyo ang isa't isa at lalabas na ang mga tunay niyong kulay. Mahirap mag-asawa pero hanggat maaari, alagaan at intindihin niyo ang isa't-isa." iyon ang bilin sa akin ni Mommy.

Tumango ako dito. I'll do everything to make this marriage work. Ayokong lumaki ang mga anak namin ng walang magulang. Alam kong mahirap ang mag-asawa dahil sa dami ng responsibilidad at mga obligasyon sa isa't-isa at sa magiging mga anak niyo. Ngunit naniniwala ako na kapag ginusto ng isang tao na manatili sa isang bagay, gagawin niya ang lahat para manatili doon.

"Mom, pwede ko po bang mahiram saglit ang asawa ko?" nakangiti at magalang na tanong ni Zack kay Mommy. Bahagyang naistorbo ang aming pag-uusap dahil sa paglitaw nito.

"Oo naman, hijo." tumingin sa akin si Mommy at ngumiti. Bahagya akong natawa sa ngiti nito dahil alam kong may ibang ibig sabihin ang mga ngiting iyon. Gusto kong sabihing walang malalim na dahilan ang mga kilos ni Zack at nagkakamali siya ng iniisip ngunit hindi ko iyon maisasaboses ng nasa tabi ko si Zack.

"I'll just introduce her to my colleagues and workmates." ani Zack.

"Sure, take your time. Pupuntahan ko lamang ang tatay nitong si Paige at siguradong hinahanap na ako noon."

Iginiya ako ni Zack sa aming garden kung saan naka-set up ang mga tables at pagkain. Nandoon ang karamihan sa aming mga bisita, masaya at maingay na nagkukwentuhan. Pinuntahan namin ang mga katrabaho niya at saka ako ipinakilala.

"Ang ganda naman pala ng Misis mo." sabi ng isa niyang lalaking katrabaho na Dale daw ang pangalan.

"Of course." Zack said proudly. He even looked at me like I am his most prized possession.

Ngumiti ako sa mga katrabaho niya at pinilit na i-memorize ang kanilang pangalan sa aking isip.

Isang babae mula sa kung saan ang tumulak sa akin palikod, nagulat ako ginawa nito kung kaya hindi ako kaagad nakabawi. Lumapit ito kay Zack at humawak ito sa braso nito. Ngumiti siya kay Zack at saka hinalikan si Zack sa labi!

Nalaglag ang panga ko sa ginawa ng babae. Itinulak ni Zack ang babae at muntik pa itong matumba sa lakas ng naging pagtulak ni Zack.

"What the hell, Emmy?" galit na turan ni Zack.

Ngumiti ang babae at bahagya akong tiningnan upang iripan.

"Arte mo naman, Zack. Ang lambing mo sa akin sa office tapos ganyan sa akin sa house warming party mo!" tumatawa nitong sabi.

"Excuse me, Miss! Zack is already married." galit na turan ni Alexa na nasa gilid lamang namin. "Anong karapatan mong halikan si Zack?" Alexa looks angry.

"Alexa." agad na inalalayan ni Clinton si Alexa. Nakahawak si Alexa sa kanyang tiyan dahil sa bahagyang pagbugso ng kanyang emosyon.

I thought that girl will stop because she has been informed that Zack is already married and what she did was wrong. But I was wrong. The girl stepped forward and she her arms were even crossed like she is really picking a fight.

"Alexa, right?" the girl asked. "Kung mayroon hindi dapat mangialam dito, ikaw 'yon. Sa halip na makialam ka sa buhay ko, bakit hindi mo muna isipin kung paano ka papanagutan ng ama ng anak mo. O hindi kaya, magplano ka na kung kanino ka sunod na magpapabuntis. By that time, make sure that man will love you, okay? Para hindi ka mukhang stressed na balyena."

Pare-pareho kaming nagulat sa sinabi ng babae. Hindi ko inakala na makakasaksi ako ng ganitong pangyayari sa totoong buhay dahil akala ko, sa TV lamang nangyayari ang ganitong eksena.

"Pardon me, Miss. I'm the not the one who's forcing myself to man that doesn't belong to me because he is exclusively and legally taken. You have no class or ethical behavior. Low-class, social cancer slut." Alexa doesn't seemed bother of what the girl just said."

"Emmy, tama na." pigil sa kanya ng mga kasamahan niya.

"He is not exclusively taken. Nagpakasal lang siya dahil nabuntis niya ang isang pariwang college student." mataray sabi at walang hiyang tiningnan pa ako. Tumaas ang kilay ko dito.

"Emmy, stop." galit ang tinig ni Zack. "I married my wife because I want to. Pwede ka ng umalis o kakaladkarin kita palabas."

"Pero Z-zack." angal ng babae.

Tiningnan ito ni Zack ng masama. Inakbayan ako ni Zack.

"This is my wife." hinila pa ako palapit sa kanya. "You can't even be half as great as her."

Tumingin sa akin ang babae at nanlaki ang mata sabay tingin kay Alexa.

"The gate is open, you can now go." ani Zack.

"Serves you right." nakangisi at mayabang na sabi ni Alexa.

Galit na bumaling ang babae mula sa akin papunta kay Alexa at hinagip ang buhok nito at sinabunutan. Hawak ang malaking tiyan ay natangay si Alexa dahil hindi handa sa ginawang pagsugod ni Emmy. Mabilis na inawat ng mga lalaki ang panunugod ng babae.

"How dare you?! Low class bitch!" galit na sigaw ni Alexa sa babae. Magulo ang braso nito at namumula ang leeg dahil sa galit.

Akmang susugod ang babae ngunit napigilan ito ng kasamahan nila ni Zack sa trabaho. While holding my stomach, I stepped into the scene. Hinarap ko ang babae at tiningnan ito ng mabuti. Natigil ang babae ngunit hinihingal ito sa galit habang nakatingin sa akin.

"Excuse me, Miss Emmy." I said. Natigil ito ng bahagya ng marinig ang aking boses. "Kindly leave. Before acting like you have no education background, think. Do not let your emotions take you down. It occurred to me that you know that my husband is already married and yet you chose to act lowly. Respect the people like. You are, above all, a woman. Act like a dignified one." I said before turning my back on her to attend to Alexa.

The commotion was the talk of the event. People were talking endlessly about it. Si Clinton ang nag-asikaso kay Alexa na sumama ang pakiramdam. I heard them talking about taking Alexa to the nearest hospital to check on her, to make sure that she's fine.

Tumingin sa akin si Zack. He held my hand.

"Let's talk."

Hinila ako nito papasok sa bahay, pumasok kami sa master bedroom.

"She's just my workmate." paliwanag niya.

"Hindi mo kailangan magpaliwanag." sabi ko dito.

"I swear. I rarely talk to her." sabi pa nito.

Tinalikudan ko siya at hinanap ang bag ko na iniwan ko dito kanina bago magsimula ng celebration. Nang makita ko ang aking hinahanap ay saka ako muling tumingin sa kanya. Ngumiti ako at lumapit sa kanya. Pinunasan ko ng wipes ang kanyang labi.

"Don't worry, Zack. Naniniwala ako sayo." I smiled at him while he's staring at me while I'm wiping his lips.

Ngumiti siya at niyakap ako.

"I'm so blessed to have you, Misis."

Young and MarriedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon