Chapter III

1.3K 29 12
                                    

Chapter III


Pinagbihis nila ako. Hindi ko alam kung may nangyari ba o wala. I don't remember a thing last night! But I stand by my belief that nothing happened! And hopefully, it will come out as the truth!


Wala kaming imikan sa kotse ng Ate ni Zack, ng Mama niya, at ni Zack. Magkatabi kami sa backseat ni Zack. Hindi kami nagtitinginan. Pupunta kaming ospital ngayon. Hindi ako makapaniwala na talagang pupunta kaming ospital ngayong araw din ito! His family's despicable.


Pareho kaming balisa sa nangyayari. I don't even how to start saying anything even if he will confront me. Naiwan ang kanyang Papa sa bahay nila. May nangyaring komosyon kanina sa bahay nila pero hindi ko na naulinigan kung anong naganap o kung bakit nagkakagulo. May mga police na dumating doon at tingin ko ay medyo seryoso ang pangyayari.


Makalat pa ang bahay noong umalis kami. Galit na galit ang tatay ni Zack lalo na noong dumating ang ilang police na may dalang search warrant. Madami pa ding kabataan doon dahil doon din sila natulog kagabi. Hindi ko alam kung nasaan si Leah pero humanda siya sa akin kapag natapos ang gulong ito.


"Ma, mauna na kayo. Mag-uusap lang kami." sabi ni Zack pagkababa namin sa kotse.


"Bantayan mo sila, okay?" utos ng Mama ni Zack sa Ate nito. Pumasok ito sa loob upang magpa-schedule daw sa isang kaibigan na obstetrician gynecologist.


"Look, Miss." simula nito. Kinagat ko ang labi ko dahil sa frustrations. Pumikit ang lalaki at tila nabalisa. Pabalik-balik ang tingin nito sa aking labi at sa aking mata. "I'm sorry for dragging you here. Just do the check-up. Hindi ka naman buntis, hindi ba?"


Umiling ako.


Tumango siya sa aking sagot.


"That's good. We will explain what happened after proving that you are not pregnant." muli siyang sumulyap sa labi ko bago ako tinalikudan. Narinig ko pa ang ilang mura nito sa sarili.


"You lips are swollen." anito. Napahawak ako sa aking labi.


Ilang saglit lang ay lumapit siya sa akin. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. Isinuot niya sa akin ang jacket niya. Ginulo niya ang buhok niya habang nakatingin sa akin bago tuluyang umalis.


Tumingin ako sa suot kong dress. Off shoulder, and medyo revealing sa likod. Damit kasi ito ng Ate niya. Hanggang kalahati lang ito ng hita ko. Mas maliit sa akin ang Ate ni Zack. Her height maybe is around 5'5, samantalagang 5'8 naman ang height ko kung kaya ang dapat hanggang tuhod na dress ay naging hanggang kalahati lang ng hita ko.


I know that I don't look beautiful in expensive dresses but does her really need to cover me? If he feel ashamed of me, then he can walk alone.


Pumasok kami sa ospital. Binigyan ako ng pregnancy tests ng babaeng OB. Pumasok ako sa cr at ginawa ang procedure na nakasaad dito at iyong sinabi ng doctor. Limang PT ang ibinigay sa akin.

Young and MarriedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon