Chapter XII
Kinabukasan ay nagising ako ng maaga. Alas-kwatro pa lamang ay mulat na mulat na ako. Kung dati ay nagigising ako ng ng alas-singko, ngayong nagbuntis ako ay mas naging maaga. Mas maaga ng isang oras.
Bumaba ako. Wala pang gising kung kaya naisipan kong magluto ng almusal. Nagsangag ako ng kanin. Nagluto ng hotdog, bacon, at sunny side up eggs. Sinigurado kong sapat lang ito sa amin. Sinanay ako ni Mom na magluto lang ng sapat. Walang labis, walang kulang.
"Ang aga among nagising."
Nakita ko si Ate Stella. Nakaayos ito at halatang papasok na sa trabaho.
"Napahaba po kasi ang tulog ko kahapon."
Kinuha niya ang tasa ng kape na tinimpla ko. Humigop siya.
"Mapait." anito pero uminom siya ulit. "Exactly my taste."
Napangiti naman ako sa sinabi nito. Ilang saglit lang ay bumaba na din sina Mama at Papa. Gulat na gulat ito sa paghahanda ko ng almusal.
"Nag-abala ka pa. Dapat ay nagpapahinga ka lang!" sabi ni Mama sa akin.
"Hindi po ako sanay na walang ginagawa." nakangiti kong sabi.
"Masama sa buntis ang laging nakahiga." suporta sa akin ni Ate Stella.
Nakita ko si Zack na pababa ng hagdan. Kagigising lang nito at parang may hinahanap. Tiningnan ako nito ng masama.
"Nag-alala ako nung hindi kita makita sa kama." sabi nito sa akin.
Natawa ang Papa ni Zack sa sinabi ni Zack.
"Kumain ka na. Si Paige ang nagluto ng pagkain." Ngisi ni Papa dito.
Napatingin siya sa hapag kainan. Nag-iwas siya ng tingin sa akin bago sumalo sa amin. Binigyan ko siya ng plato.
"Hoy, Zack. Magtira ka naman sa amin." saway ni Mama dito ng kumuha ito sa madami. Lihim na akong natawa dahil sa dami niyang kinuha.
"Bakit ang konti ng niluto mo?" tanong nito at tinigilan ang pagkuha ng sinangag.
"Kasi po, masamang mag-aksaya ng pagkain." sagot ko dito. Ngumiti ako kina Mama.
"Sinanay po kasi ako ni Mom na magluto lang ng sapat. Sabi niya, mahirap kung kulang at masama kapag labis."
Ngumiti sila sa akin.
"Alright, then. Mula ngayon, sapat lang ang laging lulutin." Ngiti ni Mama.
BINABASA MO ANG
Young and Married
RomancePaige Sanchez just turned 18, only to marry someone she barely knew. If it wasn't because of a clear misunderstanding, she wouldn't have to marry . Her parents' concern was her only concern until that day. She only wanted to live a simple life with...