Chapter XVIX
"What are you doing here?" ang baritonong boses ang isinalubong sa akin ni Clinton.
"What is the meaning of these things, Clinton?" naguguluhan kong tanong habang tiningnan muli ang mga litrato ko sa kanyang silid.
"I asked you first." he said. He looked at his room like it is usual for him to see my pictures and all the stuffs about me in his room.
"I was going to talk to you." I answered.
"About what?" he asked again.
"You haven't answer my question." I demanded.
"There is no need for you to know." he said in a silent whisper.
"Why not?" I asked, desperately.
"Misis?" I heard Zack's voice from outside.
"You have to go." nilampasan ako ni Clinton ngunit nilingon ko siya.
"I want to talk to you." I said.
Huminto siya sa paglalakad ngunit hindi niya ako nilingon.
"What for, Paige?" his voice is almost inaudible.
"I want to know."
"It's no use, Paige. Please, go out. Hinahanap ka na ng asawa mo." he said with finality in his voice.
Ilang segundo akong nanatili doon, nagbabakasali na lilingunin niya ako at magpapaliwanag kung ano man ang ibig sabihin ng mga pictures at regalo sa kanyang silid ngunit nanatili siyang nakatalikod sa akin. Wala akong nagawa kung hindi lumabas ng kanyang silid.
"Misis!" masaya ang boses nito nang makita ito sa salas. May hawak itong unan na ulo ni Mr. Bean. "I've been calling you, were you sleeping?" he asked. He immediately held my waist when I walked beside him.
"No." I smiled a bit to hide my thoughts and questions. "You bought that for me?" ngiti ko dito.
"Yes, because you said you like Mr. Bean. Did you like it?"
Hindi ko siya sinagot, kinuha ko si Mr. Bean at niyakap ito.
"Yes. Thank you." nakangiti kong sabi.
Ngumuso siya sa aking reaksyon at mabilis akong hinalikan sa pisngi.
"Akala ko hindi magugustuhan." anito.
I looked at Zack. He is smiling while looking at me. I smiled at him, too.
"I really appreciate this. Thank you so much."
"Anything for you. If you want to pay me back, we can continue what we were doing a while ago." he said, mischievously.
"Zack!" naiinis kong sabi dito. Tumawa lang siya at inakbayan ako.
"Kainin na natin ang cupcakes mo." nakangiti nitong sabi. Iginiya ako ni Zack papunta sa hagdan pataas kung nasaan ang aming silid.
"Nasa kusina ng cupcakes ko, Zack." sabi ko dito sabay hiwalay dito. Bakit sa kwarto siya pupunta?
"Biro lang, Misis." hinawakan nito ang kamay ko. Ngayon ay sa direksyon na kami ng kusina papunta.
Umupo siya sa dining table.
"Ipaghain mo ako please, Misis." nakanguso nitong sabi.
"Huwag ka ngang magpout. Hindi bagay." sabi ko dito.
Ipinaghain ko siya ng cupcakes. Pinagmasdan ko siya habang masayang kumakain. He looks happy.
Hinawakan ko ang tiyan ko at dinama ito kahit wala pa naman itong umbok. I looked at Zack. Because of Zack's foreign ancestors, I know that our children will most likely look like him. Ganoon kasi kapag ang isang Filipina ay nakakapangasawa ng ibang lahi, mas nangingibabaw ang hitsura ng dayuhan.
"Zack, nakapasok ka na ba sa kwarto ni Clinton?" tanong ko dito.
"We used to play there when were kids. Ngayon ayaw niyang magpapasok. Isa pa, wala din naman akong balak pasukin ang kwarto niya." sagot niya. Tumingin siya sa akin. "Why did you asked?"
"Nagtataka lang kasi ako. Nung huling pumunta dito iyong naglilinis ng bahay, hindi nila iyon pinasok." dahilan ko. The truth is back then, I don't care. But right now? I want to know the truth, I deserve it.
"Bakit pala ayaw mong lumalapit ako sa Kuya mo?" I tried to sound jolly.
"I just don't like to see you with him." seryoso niyang sagot. Hinawakan niya ang pisngi ko. "I don't want to lose you, Paige."
"Nakakaistorbo ba ako?" tikhim ni Ate Stella.
"Oo, Ate. Isa kang malaking istorbo." sagot dito ni Zack. Sumulyap sa akin si Zack, ang kanyang pagkaseryoso ay nandoon pa din sa kabila ng kanyang biro.
Tumawa lang ang Ate niya sa kanya.
"Sorry, Zack. Gusto ang luto ni Paige. So makikihati talaga ako sa oras niyo." sagot niya.
Nahihiya naman akong ngumiti dito. Magaling siyang Chef at nakakaoverwhelm na purihin ng isang professional na tulad niya. Isang chef si Ate Stella sa Magenda Diner. Isa iyong international restaurant na originated sa Europe. Ngayon ay sikat na sikat na iyon lalo na sa Paris. Iilan pa lang ang branch sa Pilipinas.
Tumikim si Ate Stella ng cupcakes.
"Mmm. Ang sarap." puri pa niya. "You have a very good cooking skills. Hindi ko alam kung saan mo natutunang magluto pero masarap talaga. Masisira ang diet ko nito." tumawa pa si Ate.
Ilang saglit lang ay dumating si Clinton sa kusina.
"Clinton, cupcakes." alok ni Ate Stella dito.
Umiling lang si Clinton. Nag-iwas ito ng tingin nang makita ako.
"Try it, Clint. Si Paige ang gumawa." sabi pa ni Ate Stella.
"Really?" paninugurado niya.
"Really."
Gumuhit ang ngiti sa labi niya. Kumuha din siya ng cupcake at kumain. Sa kalagitnaan ng kanilang pagkain ay nilagyan ni Ate Stella ng icing ang mukha ni Zack.
"Ate!" saway ni Zack.
Tumago si Ate Stella likod ni Clinton. Tumakbo si Ate Stella at Kuya Clinton papunta sa sala. Hinabol naman sila ni Zack. Para silang mga bata na naghahabulan sa gitna ng sala. Tumatawa at masasaya ang kanilang mga mata. Parang sa tawa nila, ngayon lang ulit sila nabuo. Ngayon lang ulit sila nagkasama-sama. Parang ngayon lang ulit sila tumawa na magkakasama.
Sa huli ay inilapag nila ang cupcakes ko at nagpahidan ng icing sa isa't isa. Kawawa si Zack dahil napagtulungan siya ng Ate at Kuya niya.
"Ang lagkit lagkit ko, Zack!" inis na sabi ni Ate Stella habang naghuhugas ng braso sa lababo.
"Ikaw ang nagsimula. Para kang bata, Ate." sabi pabalik ni Zack nakikipagsiksikan dito sa lababo. Ang laki pa namang lalaki ni Zack.
"Ngayon lang kami ulit nagkaganitong magkakapatid, thank you." sabi ni Kuya Clinton sa aking gilid.
Tumango ako at ngumiti.
"Clinton, nandito ka na?!" isang pamilyar na boses ang narinig namin. Nakita ko ang magulang ni Clinton na maraming dalang gamit. Agad na niyakap ni Mama si Kuya Clinton ng makita ito. Hinagkan pa ni Mama ang pisngi nito.
"Ma, naman!" naiinis na sabi ni Clinton sa ina. Natawa lang ako dito.
"Bakit ang lagkit lagkit mo?" tanong ni Mama. "Maligo ka na. Hindi ka na nahiya, nakadikit ka pa kay Paige!"
Bumaling si Mama sa akin.
"Kamusta ka na? Maayos ba ang mga apo ko?" tanong nito habang yakap ako.
Tumango ako dito. Ngumiti naman siya sa akin at tinapik tapik ang aking likod.
"Hoy, kayong dalawa! Bakit naman puro icing kayo?" tanong ni Mama kina Zack at Ate Stella.
"Kasalanan niya!" nagturuan yung dalawa. Hindi ko napigilang matawa.
Parang bata ang dalawa na nagsisisihan.
"Ma, matagal ka pa ba diyan?" boses ni Papa mula sa sala.
"Nandyan si Alexa. Gusto daw kayong makausap ni Zack." ani Mama.
Pare-pareho kami napatingin kay Mama. What?
BINABASA MO ANG
Young and Married
RomancePaige Sanchez just turned 18, only to marry someone she barely knew. If it wasn't because of a clear misunderstanding, she wouldn't have to marry . Her parents' concern was her only concern until that day. She only wanted to live a simple life with...