Chapter V

1.3K 24 3
                                    

Chapter V


"Your wedding will be next month, which is two weeks from now. Civil wedding lang naman kaya hindi masyadong maasikaso." sabi sa amin ng Papa ni Zack.


I was startled. Next month? Sobra yatang minamadali ang kasal namin.


"Ilang buwan na daw ba ang bata?" tanong ni Mom.


"Hindi na namin nacheck. Paano kasi'y nagtalo ang dalawa sa gitna ng check-up namin." sagot ng Mama ni Zack.


Palihim akong bumuntong hininga. Bakit kasi ipinipilit nilang buntis ako? Walang imik si Zack sa aking gilid. Ang pagtiim ng bagang ng kanyang ama ay sapat ng dahilan upang manahimik siya sa aking tabi.


"Kaya pala kami nagpatayo ng bahay sa may Vernaez St. dahil pala ikakasal na ang anak ko." naiiling na sabi ng tatay ni Zack. "Ibibigay ko na sa inyo ang bahay bilang wedding gift. Ingatan niyo. Saka na kayo magpakasal sa simbahan kapag nakapanganak na itong si..." napatigil sa pagsasalita ang tatay ni Zack. Bumaling ito sa akin. "Ano nga ulit pangalan mo, hija?" tanong nito sa akin.


Ni hindi nila alam ang pangalan ng mapapangasawa ng anak nila. Dapat ay tumatakas sila o di kaya'y nagagalit dahil baka napikot ko itong si Zack. I can't believe that this is actually happening! If they would only listen to us then this wedding will be halt.


Marangya ang pamilya nila kumpara sa amin na madaming problema sa pera. Dapat ay ipinagtatabuyan nila ako imbis na ipinipilit na ipakasal sa kanilang anak. Why would they choose me? Hindi na uso ngayon ang ganitong setup. Karaniwan sa panahon ngayon ay hindi kaagad ikinakasal. Bakit ganito ang naging desisyon nila?


"Paige po." magalang kong sagot.


"That's it. Paige. Saka na kayo magpakasal sa simbahan pagkatapos manganak nitong si Paige. Kayo na ang mag-ipon para sa sarili niyong kasal." pagpapatuloy ng ama ni Zack.


"Dito magaganap ang salu-salo. Dito din ang una nilang linggo." sabi naman ni Dad.


Tumawa ang tatay ni Zack. Hindi ko alam kung anong nakakatawa sa sinabi ni Dad. Nailing lang si Dad sa kanyang magiging balae.


"Mapipigil pa ba yan e may laman na?" tumatawang sabi ng tatay ni Zack.


Nagkatinginan kami ni Zack. Tinaasan ko naman ito ng kilay. Why is he looking at me like that? Tumikhim ako at tumuwid ng upo.


"Paano mabubuhay ni Zack ang pamilya niya? Graduate na ba 'yan?" tanong ni Dad.


"Kapapasa niya lang ng board exam. Siguradong makakahanap agad siya ng trabaho." Sagot ng Papa ni Zack.


Tumingin ako dito dahil nagulat ako sa aking narinig. Mas matanda pala siya sa akin. Ilang taon na kaya siya?


"Ano bang tinapos mo? Ilang taon ka na?" tanong ni Dad kay Zack. Tila nabasa ni Dad ang aking isip. Siya na mismo ang nagtanong ng aking tanong.


Young and MarriedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon