Chapter XXXVII

946 21 2
                                    

Chapter XXXVII

"Misis, dun ka kaya muna sa inyo?" palimang beses niya na akong tinanong nito sa byahe. Two weeks passed by like the tick of the clock. Sa isang iglap ay dumating na ang araw na aalis siya.

"Zack, ang kulit mo."

Bumuntong hininga siya habang nagdadrive. Papunta kaming airport para ihatid siya. Kasama ko si Kuya Mark at Ate Stella.

Sa bahay muna si Kuya Mark para may kasama ako. Pagdating namin sa airport ay nandoon na ang ilang kasamahan ni Zack. Si Emmy lang ang nakasuot ng pulang dress na mababa ang neckline.

"I really hate that girl." bulong ni Ate Stella sa aking gilid.

"Sino naman ang sexing buntis na kasama mo?" bati kay Zack ng kanyang kasama.

"Sir Greg naman, asawa ko po. Si Paige." ani Zack saka ako mabilis na hinawakan sa aking bewang at idinikit sa kanya.

"Ako pala si Job, kasama ko si office si Zack." sabi ng isang lalaking nakashades at mukhang artista.

"Nice meeting you." ngiti ko dito.

"Eto pala Ma'am Jane, asawa ni Sir Greg." pakilala naman ni Zack sa isa pa nilang kasama na babae. Nakita ko ang maliit na umbok sa tiyan nito.

"Hello, Mrs. Pascual." bati nito.

Ngumiti ako at magalang ng tinanggap ang kamay nito.

"Nice to meet you, Ma'am. Ilang buwan na po?" tanong ko dito, sabay sulyap sa kanyang tiyan.

Hinawakan niya iyon at ngumiti.

"Six months."

Nanlaki ang mata ko dahil sa liit ng umbok sa kanyang tiyan. Nakakahili! Samantalang yung akin parang lobo sa laki.

"Ang liit niyo pong magbuntis."

Tumango si Sir Greg bilang pagsang-ayon sa aking sinabi.

"Maliit talaga. Pero mabigat kapag lumabas. Kita mo naman, medyo malaki ang asawa ko."

Hinampas siya ng kanyang asawa kung kaya bahagya kaming natawa.

"Kayo na po ang bahala kay Zack." sabi ko sa mga ito.

"Naman. Ni ayaw nga itong tumingin sa ibang babae. Ang ganda naman pala ng asawa kaya ganoon." ani Job.

Siniko siya ni Zack kaya natawa ako. Tumingin ako kay Emmy. Hindi ko ito nginitian dahil hindi ako natuwa ginawa niya dati. Nakataas ang kilay nito at tila minamaliit ako. Hinawakan ni Zack ang bewang ko at mariin akong hinalikan. Naghiyawan ang kanyang kasamahan sa kanyang ginawa. Pulang-pula tuloy ako nang bitawan niya ako.

"Ingat ka, Misis." bulong nito habang yakap-yakap ako. "Mamimiss kita ng sobra. Hindi pa ako umaalis pero sobrang miss na kita. I will come back soon, I promise."

"Mamimiss din kita kaya umuwi ka agad." pabalik kong bulong. He hugged me even tighter.

Kumaway ako habang papasok sila departure area.

"Wala talaga akong tiwala sa Emmy na iyon." she said.

Bumuntong hininga ako.

"May tiwala naman ako kay Zack."

"Women like her is someone you can't trust, Paige. Masyadong desperada." anito.

Nang mawala sina Zack sa aming paningin ay nagdesisyon din kaming umuwi kaagad.

"Kamusta ang 'Warm Evening'?" tanong ni Kuya Mark habang naglalakad kami palabas ng airport.

Warm Evening is a painting I'm making. It is bought by a senator. Apparently, the governor's wife recommended me on her colleagues and they were impressed by my painting.

Young and MarriedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon