Chapter XL

1K 16 2
                                    

Chapter XL

"So what's up with you and Anthony?" nakataas ang kilay na tanong ni Leah. Sa kanyang ngisi ay alam kong may iba pa siyang ipinahihiwatig. Inirapan ko ito kung kaya natawa siya.

"What are you talking about? There is nothing between us." I said. Kinuha ko si Joseph at pinunasan ang likod nito. He is quietly letting me wipe his sweat. Ganito talaga si Joseph. He is quiet and he doesn't like moving, he is very unlike Benjamin. Kakapunas ko lamang ng pawis ni Benjamin ay tumatakbo na naman ito at naglalaro. Kahabulan nito ang anak ni Leah na kayang kayang tapatan ang energy ng aking anak.

"Don't fool me, Paige! He is always here." matalim ang tingin nito sa akin. "It's been three years, Paige. Hindi babalik si Zack. You should give my cousin a chance. Kulang na lamang ay tawagin siyang 'Papa' ng kambal." anito.

I sighed. Pinalitan ko ng damit si Joseph kagaya ng ginawa ko kay Benjamin. Pagkatapos ay ibinaba ko ito para makapaglaro kasama ang kakambal at ang anak ni Leah na si Leo. Pare-pareho silang magtatatlong taon.

Apparently, Zack never came back. No one knows what happened to him. Ang sabi ng boss nila ay nagmamadali ngang umalis si Zack nang araw na iyon. Nagbook din ito ng flight ngunit hindi siya dumating. Emmy was nowhere to be found too. Hindi ko alam kung anong nangyari at kung nasaan ang dalawa.

Tatlong taon na din ang nakakalipas mula nang malagay sa alanganin ang buhay ng kambal. Kinaya kong lumaban para sa kanila. Lalong-lalo na at muntik nang mawala sa akin si Joseph. He was so weak when he was a baby. But he fought, too.

I almost died. I woke after two weeks of being coma. Paggising ko ay wala pa din si Zack at nasa delikadong stiwasyon si Joseph. I can still remember how depress I am back then. Nagkaroon pa ako ng post-partum na mas lalong nagpalala ng emotional state ko noon. I was helpless and Zack wasn't there to help me. Walang nakakaalam kung anong nanyari sa kanya o kung nasaan siya o kung anong nangyari.

Hindi ako umalis sa bahay namin ni Zack. Umaasa ako na babalik siya. Umaasa ako na may kakatok isang araw sa aming bahay at si Zack iyon. I know that he really wants to go home us that day. Something bad had happened and I know that everything have its reason. Alam kong may dahilan kung bakit nawawala si Zack ngayon. Of course, may galit din ako dahil hinayaan niyang mag-isa kong harapin lahat ng pagsubok sa aming pamilya.

"Leah, I don't have anything like that in my mind. Antony's a good friend. I am thankful that he is always there for me and my kids." I said.

"Don't tell me you're still hoping that Zack would come home?" she asked. "Leo, don't run! Nakailang palit na ako sayo." saway ni Leah sa anak nito na hinahabol si Benjamin. We laughed because they look cute running. Nandito kami ngayon sa bakuran ng aming bahay. May maliit na playground na ginawa si Zack dati dito na madalas paglaruan ng mga bata.

Madalas bumisita dito si Alexa kasama ang anak niyang si Ex. Dito din sila madalas maglaro ng kambal at natutuwa ako dahil malulusog na ang kambal ngayon at nakakapaglaro na din.

"Don't spoil the fun, Leah. Let them play. Minsan ka lamang bumisita dito." ani ko.

Mike is currently paying his lifetime sentence. Ang ama ni Leo ay ang kabarkada ni Mike na si Noah Gallardo, anak ng isang businessman. He is in prison but according to Leah, he wants to father his son. Hindi ko alam kung anong desisyon ni Leah tungkol doon. Ang huli kong balita ay nakiusap si Noah kay Leah na patawarin na siya nito at ipakita sa kanya ang kanyang anak.

Meanwhile, Alyssa woke up from comma two years ago. Ang huli naming balita ay lumipad ito sa ibang bansa kasama ang pamilya upang magkaroon ng panibagong simula.

"Momma, water please!" hinihingal na sabi ni Benjamin. Tumawa ako dito dahil namumula na ang pisngi nito dahil sa paglalaro.

Inabutan ko siya ng baso. Kahit tatlong taon pa lamang ang sina Benjamin ay hindi na sila utal magsalita. Natuto silang magbilang at magbasa ng alphabet noong 10 months pa lamang sila. They spoke their first words when they were 8 months. Hindi masyadong masalita si Joseph kung kaya lagi siyang kinukulit ni Benjamin.

"Kuya, where are you going?" tanong ko nang makitang bihis na bihis ito. Kuya Mark is still staying with me. He is now an accomplished engineer. Mayroon na din siyang sariling penthouse ngunit dito pa din siya nanatili upang samahan at alalayan ako.

Kuya Diego is also an engineer now. Nasa abroad siya at doon nakabase ngayon. My two young brother is now on senior high. Ang isa ay Grade 12 at ang isa ay Grade 10. Lumipat na sina Mommy at Daddy sa isang subdivision. Somehow, our life stable now.

Last year I took the CPA licensure examination and I passed. Patuloy pa din akong nagtatrabaho sa Magenda Diner. I'm a part time financial analyst and auditor. I want to establish my career by having a professional license. Malaki ang salary ko sa Magenda Diner simula nang binili ang recipe ng cupcake ko. Nag-iipon ako para sa kinabukasan ng mga anak ko.

"Benj, don't run too much!" saway ko.

Pareho kaming natawa ni Leah dahil hinabol siya ni Leo dahilan para sumigaw ito. I feel contented now. Minsan lamang ay hindi ko maiwasang malungkot dahil madalas ko silang makitang nakatingin sa mga bata na kasama ang kanilang tatay. They are not asking me about it but I know that they are wondering.

Lumapit sa akin si Kuya at hinalikan ako sa noo.

"Stella and I have a dinner tonight." anito. "Will you be okay here?" he asked.

Ngumiti ako dito at tumango. I think things are going fine between Kuya and Ate Stella.

"Yes, sure. Enjoy, Kuya." I said.

"Bye big boys." hinalikan din Kuya sina Benj at Joseph sa kanilang noo. Joseph looked up to Kuya Mark but he did not said anything. Si Benj naman ay busy sa pakikipaglaro kay Leo at tila nawalan na ng muwang na aalis si Kuya Mark.

Nagtagal pa sina Leah ng isang oras bago nagpaalam. Naiwan ako kina Benj at Otep. Benj is so tired that he immediately fell asleep after cleaning him up. Si Joseph ay humihigab na din. Tumabi ako sa kanila. Hinalikan ko sila pareho at pinagmasdan sila habang natutulog.

Whenever I miss Zack, I stare at my children. Kamukha nila si Zack. Ang tanging nakuha nila sa akin ang kulay ng aking buhok. They have Zack's eyes. They look foreign just like Zack.

I looked our wedding picture. Minsan itinuro ni Otep ang picture ni Zack, marahil ay nagtataka kung sino ang lalaking kasama ng nanay nila.

"This?" I pointed at Zack. Tiningnan ako ni Otep gamit ang kanyang mabibilog na mata na ibinagay sa kanyang mahahabang pilikmata. "It's your Daddy."

Lumingon sa amin si Benj na noon ay abala sa kanyang laruang eroplano. Gumapang ito palapit sa amin at tiningnan ang picture na pinag-uusapan namin ni Otep.

"Dad?" ulit ni Otep at tiningnan muli ang picture. Pareho silang nakatitig doon ni Benj.

My heart ached upon seeing my sons looking at their father. I looked at Zack in our picture. We were both smiling but we were not looking at the camera. You're sons are looking for you, Zack. Where are you now?

Young and MarriedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon