Chapter XXXIII

1K 19 3
                                    

Chapter XXXIII

"Bye, Misis." hinalikan ako ni Zack sa pisngi bago sumakay sa sasakyan. Papunta na siya sa trabaho niya. Ngumiti lamang ako sa kanya at hinintay na mawala sa aking paningin ang kanyang sasakyan.

Ngumiti ako sa regalo ni Kuya Mark sa akin na canvass. Besides baking and studying, I like painting. It is my release and it is my way of expressing myself. Isinet-up ko ito sa aming salas. Nagsimula akong magpaint.

Bata pa lang ako mahilig na ako magkulay at magdrawing. Iyon nga lang, naging hilig ko ding mag-aral. Lalo na ang mag-analyze ng mga kung ano-anong problema kaya nga Accountancy ang kinuha kong kurso.

Nang mag-alas dies ay nagluto na ako ng aming tanghalian ni Alexa dahil hindi ito marunong magluto. Nakigulo lamang siya sa pag. Bukas ay dadalhan ko si Zack sa opisina niya. Pinilit niya ako kagabi na bisitahin siya. Ang sabi ni Alexa, nabanggit daw sa kanya ni Zack na ang mga officemate niya ay dinadala ang asawa nila doon at ipinapapakilala, baka daw gusto ni Zack na dumalaw din ako sa kanya.

After ng lunch ay nakaschedule akong magbake ng cupcakes. Kapag may-order sa aking cupcakes ay sa Magenda Diner na ako nagbebake. Pagminsan ay inihahatid ako doon ni Zack. Madalas ay kay Ate Stella ang kasama ko. Opposite way kasi ang office ni Zack sa Magenda Diner kaya minsan lang ako nito maihatid at naiintindihan ko naman iyon.

Hapon na nang ako ay makauwi. May ilang batch pa ng cookies na kailangang tapusin. Wala si Alexa sa bahay nang uumuwi ako. Ang sabi ng aming kasambahay ay umalis ito dahil may lakad daw ito kasama ng isang kaibigan. I tried to call her. Nandito kasi ang kanyang kotse at nag-aalala ako dahil baka walang maghatid dito pauwi.

Nawaglit ang isip ko nang mayroong nagdoor bell. Sinabihan ko ang aming kasambahay na ako na ang haharap sa tao sa labas. Inayos ko ang buhok ko saka lumabas sa bahay.

"Good afternoon. Dito ba nakatira si Mrs. Paige Pascual?" tanong ng babaeng may sosyal na kasuotan. Natanaw ko ang kotse nitong sinakyan hindi kalayuan sa aming bahay.

"Ako po iyon. Sino po sila?" magalang kong tanong.

"That's you?" gulat nitong tanong. "Hindi ko inakala na ganito kang kabata." ngumiti ito sa akin. "Ako nga pala si Juliana Solomon. Asawa ako ni Paulo Solomon." pakilala nito sabay abot ng kamay.

Agad ko iyong tinanggap.

"Nice to meet you po Mrs. Solomon."

Pinatuloy ko ito sa aming bahay. Si Paulo Solomon ay isang sikat na politiko. Governor iyon ng kalapit na syudad. Pinagtimpla ko siya ng juice. Nakita kong nakatitig siya sa aking painting na hindi ko pa natatapos. Balak ko sana iyong ituloy ngayon ngunit ang isip ko ay lumipad dahil hindi ko nadatnan si Alexa sa bahay.

"Ikaw ang nagpinta?" tanong niya.

"Opo. I haven't finished it yet."

"I like it. Ibinibenta mo ba?" bigla nitong tanong.

"No, Ma'am. Pero kung gusto niyo ay sa inyo na lamang."

"Talaga? Walang bayad?" gulat na gulat nitong tanong.

Tumango ako at ngumiti.

"Wala na ngayong nagbibigay ng libre pero salamat kung ganoon. Gusto ang painting 'yan. Parang nakakadala ng damdamin." anito.

Katanghalian kasi ang ipinaint ko. Sa ilalim ng tirik na tirik an araw ay isang ina na may buhat na anak habang nasilong sa dalang baro ng kanyang asawa na may bitbit na mga gamit. Hindi pa ganoon kadetalyado dahil halos 5 oras ko pa lamang iyong ginawa.

Young and MarriedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon