Chapter XLI

973 17 3
                                    


Chapter XLI

"Ma'am Paige, nasa labas po si Sir Antony." sabi ni Melissa, my assistant.

"Let him in." I said. Tiningnan ko ang aking orasan. Nagulat ako nang makita halos malapit na ang lunch time. Masyado akong abala sa mga gawain kung kaya nakaligtaan ko na ang oras.

"Paige." pumasok si Anthony sa opisina ko sa Magenda Diner dala ang isang bouquet ng bulaklak. Tinanggap ko iyon.

"What is this for?" I asked, surprised.

"I heard you got promoted. Congratulations!" he said. "How about dinner tonight?" he said.

"Thank you, Antony. You don't have to buy me roses." I said smiling. "Sure, I will prepare dinner tonight. Pupunta sina Dad sa bahay. You should join."

"Really? I'll bring Leah."

"That would be great. Thank you Antony." pinaupo ko siya at isinara ang aking laptop. Abala ako ngayon sa pagtingin ng sales ng cupcakes. "What brought you here?" I asked.

"I had a meeting nearby, I decided to make a quick visit."

Sabay kaming naglunch at pagkatapos noon ay kinailangan niya na din umalis dahil may importante pa itong pupuntahan.

"You're a magazine cover now, Paige Pascual!" nakangiting sabi ni Ate Stella. Pumasok siya sa aking opisina at sumandal sa may pinto. "I can't believe it. Tatlong taon ka pa lamang sa Magenda Diner pero ilang beses ka ng naging cover ng magazine natin! Idagdag mo pa ang ilang beses mong pagka-feature ilang lifestyle and food magazine. Nagsisisi na yata ako dahil inaagawan mo ako ng spotlight." biro nito na ikinatawa namin pareho.

Inilagay niya sa aking table ang bagong issue ng Magenda Diner magazine. I am the cover of the recent release because my cupcakes were huge success in Europe branches.

"Ate Stella, you are still the face of Magenda Diner. I can never be compared to you."

"Binobola mo na naman ako." nakanguso nitong sabi.

Ngumisi ako dito.

"Mukhang nag-enjoy ka sa date niyo ni Kuya kagabi." I teased.

She blushed immediately.

"Slight lang." anito habang kinikilig.

Tumawa ako sa reaksyon nito. Pagkatapos ng aking trabaho ay umuwi ako para maghanda sa dinner namin mamayang gabi. Malaki ang pasasalamat ko dahil hindi malilikot sina Benj at Otep at tahimik silang naglalaro sa salas habang nagluluto ako ng dinner.

Nang malaman ng kambal na pupunta dito si Ex at Leo mamaya ay nanahimik sila sa sala. Alam kong excited sila dahil magkakakaroon sila ng kalaro mamaya. Excited din sina Mommy at Daddy na muling mabisita ang mga apo. Maging sina Mama at Papa ay makakapunta mamaya para sa maliit naming celebration.

Sayang at wala si Zack. This day would be perfect if he is here. Matagal na siyang pinapahanap nina Mama at Papa. They even hired a detective to look for him. Maging ang mga may posisyon sa politika na kaibigan ng pamilya ni Zack ay tumulong na din sa paghahanap ngunit wala silang nakitang kahit anong clue kung nasaan si Zack at kung anong nangyari dito.

"Momma!" tawag ni Benjamin sa akin.

"Yes, baby?" lumapit ako dito at binuhat siya. Si Otep naman ay nakaupo sa sala at nanunuod ng isang sikat na cartoon.

"Cereals, please?" his pink lips pouted.

"But it's dinner time." I said, laughing at his request.

"But I want!" he said while playing with his fingers.

"Ma'am, wala na po tayong cereals nila." ani Manang Celly, kasambahay namin.

"Ubos na po kaagad?" bumaling ako kina Otep at Benj. "Ang bilis niyong makaubos ng cereals!" natatawa kong sabi.

"Otep's fault!" sigaw ni Benj.

"No!" kaagad na tutol ni Joseph na ikinatawa ko.

"Alright. Mommy's going to buy your cereals tomorrow."

"Now, Momma. Now." ani Otep na tila kinampihan na ang kakambal sa kagustuhang kumain kanilang paboritong cereals.

Tumingin ako sa orasan. May oras pa kung bibili ako ng cereals ng mga bata sa malapit na supermarket. Tiningnan ko si Manang Celly na bumuntong hininga sa akin dahil alam niyang hindi ko matitiis ang kambal ko lalo na at hindi naman bawal sa kanila ang kanilang hinihingi.

"Okay. I'll buy now. I will leave you to Nanay Celly so be good, okay?"

"Yes, Mommy!" ibinaba ko si Benj at hinayaang maglaro sa carpeted naming sahig at hinayaang balikan ang kanyang paglalaro.

Sumakay ako sa aking kotse at nagdrive papunta sa malapit na supermarket. Ibinilin ko na lamang kay Manang Celly ang huli kong iniluluto. Nagtext na si Antony at sinabing malapit na siya. Ibinilin kong umalis ako para bilhin ang gusto pagkain ng kambal.

Pagpasok ko sa supermarket ay kaagad akong dumeretso sa cereals. Kumuha ako ng dalawang boxes upang makasiguradong sasapat iyon para sa kambal hanggang sunod kong schedule ng pamimili ng grocery. Karaniwan ay ang kambal ang pinamimili ko ng gusto nilang kainin. Binibili ko iyon as long as healthy ang mga ito o kaya'y hindi ito masyadong matatamis.

"Mrs. Pascual?"

Nanigas ang katawan ko nang marinig ang pamilyar na boses. The way the man spoke 'Mrs.' Sent shiver down into my spine. Nilingon ko ang nagsalita at nanlaki ang mata ko nang makita ko si Zack. May tulak-tulak itong grocery cart. Malaki ang ipinagbago ng pangangatawan nito. He looks so mature.

Hindi ako nakapagsalita agad sa gulat. Sinamahan pa ito ng mabilis na tibok ng aking puso. Hindi ko maintindihan ang aking nararamdaman. Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon. Zack is front me, alive and kicking. He is talking and smiling in front of me and he even called me Mrs. Pascual.

"Hi, sorry to bother you. I am a fan." he smiled at me and flashed his genuine smile.

Hindi ako muli nakapagsalita sa gulat. Ang kanyang malawak na ngiti ay unti-unting naging matipid. Tila nagulat din siya sa aking naging reaksyon.

"Zack." I finally managed to say his name.

Kumunot ang noo niya ngunit nanatili pa din ang ngiti sa labi. Bakas sa kanyang mukha ang bahagyang pagtataka. Gayunpaman ay nanatili ang kanyang nakangiting expression.

"My name is Adrian." anito saka inilahad ang kanyang kamay sa aking kaharapan. I looked at his hand and saw our marriage ring in it. Lumunok ako at unti-unti nabuhay ang galit sa aking kalooban.

"What are you doing, Zack? Where have you been? Adrian? What the heck?" medyo galit kong sabi. "You're still wearing our wedding ring and you dared to fool me using other name? How dare you?!" I said. I can't even contain my emotions.

Umatras bahagya si Zack dahil sa gulat. Ang kanyang pagkalito ay mas lalo ko pang napansin. Tila naguguluhan talaga siya sa aking mga sinasabi.

"I'm sorry, Mrs. Pascual. You must be mistaken. I am Adrian Laurel." tiningnan niya ang kanyang kamay at tumingin din sa aking kamay kung nasaan ang aming wedding ring. "I'm not yet married. I am engaged to my fiancé, Emilia." he explained.

Mas lalo pang nanlaki ang aking mata.

"Engaged to whom? You mean Emmy?" I asked and I am almost hysterical. That Emmy must be really crazy.

"Yes, do you happened to know my fiancé?" he asked.

"Oh, you wouldn't want to know how I knew your so-called fiancé. What happened to you? Hindi mo ba ako nakikilala?" I asked.

"Of course, I know you. You're famous." medyo umaliwalas ang kanyang mukha. Ngumiti ito sa akin at tila nahiya. "Can I have an autograph?"

Hindi ako nakapagsalita dahil hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Humanda sa akin ang Emmy na 'yon.

Hell hath no fury like a woman scorned.

Young and MarriedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon