Chapter VI
Maaga akong nagising. Medyo nahihilo pa ako dahil sa puyat kagabi. Kahit na madaling araw na akong nakatulog dahil sa ingay ng karaoke sa labas ay nagising ako ng ala-sais ng umaga. Nakasanayan ko na kasing gumising ng ganitong oras dahil may klase ako ng alas-siete ng umaga.
Tulog na tulog si Zack sa gilid ng kama ko. Kagaya ko ay puyat ito dahil niyaya pa itong uminom nina Dad. Ako naman ay tumulong kina Mom na maglipit ng kalat kaya halos sabay lamang kaming umakyat kanina dito sa kwarto.
"Zack!" pumasok ang Mama ni Zack sa aming silid pagkatapos ng ilang pagkatok. Nakita ko ang pagtataka nito ng makita si Zack na nasa sahig. "Sa sahig natulog?"
"Nahulog po. Medyo nalasing yata. Hindi ko po kayang buhatin kaya naglatag na lang po ako." dahilan ko.
Hindi talaga kami nagtabi ni Zack. Unang-una, kahit pa kasal kami, wala naman talaga kaming relasyon. Pangalawa, hindi pa namin kilala ang isa't isa. So, sharing bed with a stranger doesn't sound appropriate.
Tumango naman ang Mama ni Zack. Ngumiti ako dito, ganoon din siya sa akin.
"Ito talagang batang ito. Lagi na lang. Zack, bumangon ka diyan at tumulong sa paglilinis."
"Okay lang po, Mrs. Pascual. Bumangon po ako ng maaga para makatulong. Pagod po yata si Zack." Sabi ko. Bumaba ako sa kama at inayos ang magulo kong buhok.
Tumaas ang kilay sa akin ng Mama ni Zack. Bahagya akong natigilan dahil tila may nasabi akong kakaiba upang magtaas ito ng kilay.
"Anong Mrs. Pascual? Mama na lang." kunyari'y nagtataray-tarayan nitong sabi.
"Opo, Mama." Ngumiti ako dito. Ngumiti din siya sa akin.
"Ikaw pa ang nagising, ikaw 'tong buntis. Pasensya na kay Zack. Mabait naman 'yan." she said sweetly while looking at her son.
"Ma, gusto ko po sanang magpa-ultrasound. Pakiramdam ko po, hindi ako naman ako buntis." sabi ko dito habang pababa kami ng hagdan.
"Ganoon ba? Naku, sana naman ay buntis ka. Gusto ko na ng apo. May sakit kasi ako sa puso, hija. Gusto kong magkaapo na dahil pakiramdam ko, hindi na magtatagal ang buhay ko." sagot nito.
"Ma, don't lose hope. Alam ko pong alam ng Diyos ang pinagdadaanan niyo. I will pray for your health po." I said.
Hinawakan ni Mama ang aking kamay.
"Thank you very much, Paige. Hindi bale. Kung hindi ka buntis, pwede naman kayong gumawa ni Zack." tumawa si Mama sa sinabi niya.
Hindi ako umimik. Hindi ako pwedeng mabuntis dahil nag-aaral pa ako. Isa pa, walang mangyayari sa amin ni Zack dahil wala naman talaga kaming relasyon. Kung hindi ako buntis, hindi na sana kami nagpakasal!
BINABASA MO ANG
Young and Married
RomancePaige Sanchez just turned 18, only to marry someone she barely knew. If it wasn't because of a clear misunderstanding, she wouldn't have to marry . Her parents' concern was her only concern until that day. She only wanted to live a simple life with...