Who would've thought that we'll reach this far? This chapter is dedicated to all of you! Thank you for appreciating my story.
------
Chapter XXVIII
Alexa and I decided to continue our talk in front of the beach. Nakaupo kami pareho at magkatabi pa sa duyan habang nasa harapan namin ang bahagyang maalong dagat. Ang tunog ng hampas ng alon sa dalampasigan ang nagsilbing musika sa pagitan ng ang kwentuhan.
"Let me share you a secret." nakangisi nitong sabi. "Zack never get aroused around another girl except if he likes you so, so much."
Nanlaki ang mata ko sa sinabi nito dahil malayo iyon sa aming pinag-uusapan. Kanina ay tungkol sa paglilihi ang aming pinagkukwentuhan kung kaya talagang nakakagulat ang kanyang topic na binuksan.
"Normal sa lalaki ang ma-aroused sa babaeng gusto nila. They have needs and you're his wife." she added.
"Ibig sabihin, kailangan kong punan ang mga pangangailagan niya?" I'm sure that I am blushing while asking this question.
"Kailangan mong intindihin ang mga pangangailangan niya."
Napangiti ako sa sinabi nito. I decided to call it a night before we go to another rendezvous topic. Ang kulit kasi ni Alexa dahil lagi niya akong tinutukso. The evening is also getting deeper so we decided to sleep early for the welfare of our babies.
Zack is already in our room cottage when I came. He is already resting in our bed. After taking a quick shower and after pampering myself, I seated in our bed. Tumabi ako dito. Agad naman itong umusod papunta sa kabilang dulo ng kama.
"Matutulog ka na ba?" tanong niya ng hindi ako nililingon.
"I will watch you until you're asleep then I'll sleep after." tumango ako sa kanyang kagustuhan at hindi na nakipagtalo.
Kinabukasan ay wala na si Zack sa kama ng magising ako. Sumilip ako sa labas at naliligo ito sa dagat kasama ang kanyang mga kapatid. Mukha naman silang masaya at naglolokohan.
Nag-ayos ako ng sarili. Sinuot ko ang maong shorts na dala ni Zack at loose shirt. Nagsuot ako ng itim na sando. Masyado kasing manipis ang nadalang loose shirt ni Zack. Lumabas ako na bagong ligo. Natanaw ko si Ate Stella suot ang kanyang puting bikini. Medyo madaming tao ngayong umaga. Umupo ako picnic cloth na inilatag nila. Sina Mama at Papa ay busy sa pag-iihaw ng mga kung ano-ano.
Gusto kong makigulo sa kanilang pagluluto ngunit kapag naririnig ko ang malakas na tawa ni Mama ay nakokosensya akong istorbohin ang bonding nila ni Papa.
Umupo sa gilid ko si Alexa. Naka-one piece suit ito ngunit nakashorts naman. Nakalagay sa buhok nito ang kanyang shades. Kung titingnan mo siya ay parang hindi siya buntis, lalo na at hindi halata ang kanyang anim na buwan na tiyan sa kanyang suot na one piece suit.
"Hindi ka liligo?" tanong ko dito.
Ngumiwi siya.
"Masyadong madaming tao kaya madumi din ang tubig."
Tumango ako at natantong medyo maselan pala si Alexa pagdating sa kalinisan.
"Ikaw?" baling niya sa akin.
Umiling ako dahil ayokong magkasakit kapag nasobrahan ako sa pagligo sa dagat. Delikado iyon para sa mga anak ko.
Ilang babae ang nakita naming lumapit kina Zack. Si Ate Stella naman ay humiga buhangin sa initan. Gusto yatang magpa-tan.
Kung si Clinton ay binabalewala lamang ang mga babae, si Zack ay nginingitian pa ang mga 'yon. Medyo hindi ako komportable sa ginagawa ng mga babae paglapat ng kanilang dibdib sa braso ng aking asawa.
BINABASA MO ANG
Young and Married
RomancePaige Sanchez just turned 18, only to marry someone she barely knew. If it wasn't because of a clear misunderstanding, she wouldn't have to marry . Her parents' concern was her only concern until that day. She only wanted to live a simple life with...