Chapter XV

1.1K 25 2
                                    

Chapter XV


Humiga ako sa aming kama pagkatapos kong magbake. Inilagay ko muna ito sa ref upang lumamig. Umakyat ako sa kwarto namin ni Zack para sa aking siesta. Nakasunod lamang sa akin si Zack. Nang humiga ako sa kamay ay humiga si Zack sa tabi ko.


"I'll just rest for a bit." mahina nitong sabi na tila nabasa niya ang pagtataka sa aking isip kung bakit siya humiga sa tabi ko. Hindi niya ako tinabihang matulog kahit isang beses simula nang ikasal kami.


Ilang saglit ay bumangon ito. Naghubad siya ng damit niya. Napabangon din ako nang wala itong itinirang saplot pang-itaas. Inilagay niya ang hinubad niyang polo at kurbata sa gilid ng aming kama. Kita ko ang pag-igting ng kanyang braso habang nakatalikod siya sa akin at habang inaayos ang kanyang hinubad na damit.


"Anong ginagawa mo?" I asked. Pilit kong inilagay sa mukha nito ang aking tingin. Not the abs, Paige Iris. Bulong ko sa sarili ko. Hindi ko alam kung dahil sa pagbubuntis ko pero umiinit ang pisngi ko tuwing nakikita ko siyang walang pantaas na damit.


Ngumisi ito sa akin. Agad naman akong humagip ng unan nang lumapit ito. This time I will hit him hard if he dares to touch me. Kumunot ang noo ko nang dumapa ito sa kama. Nakaharap sa akin ang kanyang mukha. Nakapout na naman ang kanyang labi.


"Misis, i-masahe mo naman ako." nagpapacute nitong sabi. Mahina ko itong hinampas ng unan at bahagya din natawa sa kanyang hiling. "Ayoko." Inayos ko ang hawak kong unan at tumawa dahil sa nakasimangot nitong mukha.


"Misis naman!" reklamo nito ng hampasin ko siya ng unan. Hindi naman malakas ngunit parang nasaktan siya kung makapagreklamo.


"O bakit?" tanong ko dito. Pinandilatan ko ito.


Ngumuso siya at umiling, tila nagtatampo.


"Wala." he whispered.


Napairap ako, saka tumayo tapos lihim na ngumiti.


"Diyan ka lang. Kukuha ang ako ng massaging oil." Sabi ko. Hindi ko din natiis ang labi nitong nakanguso.


Kumuha ako ng massaging oil sa may cabinet bago bumalik sa kama. Bahagya akong napangisi sa naisip kong ideya. Nakadapa pa din si Zack sa kama at iniinta ang pagbalik ko. My stomach is now a bit swelled. Three months na ang tiyan ko ngunit parang apat na buwan na dahil kambal ang aking dinadala.


Pabagsak akong umupo sa may likod nito. Tuluyan naman akong natawa ng mapamura ito.


"Paige Iris." galit nitong sabi. At talagang binaggit pa ang buong first name ko. Hindi ko ito pinansin sa halip ay lalo akong humagikhik sa tawa.


"Zack!" naisigaw ko ang pangalan niya dahil sa bigla niyang umikot paharap sa akin. Ngayon ay nakaupo ako sa kanya.


Nagkatinginan kami. Hindi ako kaagad nakakilos ng may maramdaman akong kakaibang bagay sa pagitan ng aking hita.


Young and MarriedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon