Chapter XXXV

983 20 6
                                    

Chapter XXXV

Hindi namin alam kung paano ipapaliwanag kina Mama at Papa ang pag-alis ni Alexa. Ang sinabi lamang namin ni Zack sa kanyang magulang ay sinusubukang ibalik ni Clinton ang kanyang mag-ina.

Inihilig ni Zack ang kanyang tenga sa aking tiyan. Nasa salas kami at nanonood ng Mr. Bean.

"Kamusta na ang mga anak ko?" tanong nito. "Namiss niyo ba ang Daddy niyo?" nakanguso niyang tanong. Kakauwi lamang nito mula sa kanyang trabaho.

"Oo daw. Sobra." sagot ko dito.

Ngumiti naman siya sa aking sagot. Masyadong makahulugan ang kanyang tingin, parang nang aakusa dahil sa aking isinagot, kung kaya bahagya akong namula.

"Ang tagal niyong lumabas. Excited na ako." sabi pa nito.

Natawa ako sa tono ng boses nito na parang bata na inagawan ng laruan. Ngumiti siya sa akin at hinalikan ako sa pisngi. Tumingin siya sa TV.

"Ano bang meron kay Mr. Bean?" tanong niya.

"Cute yung nunal niya." sagot ko dito habang nakatitig sa screen.

Ngumuso siya.

"Nasaan ang cute diyan?" tanong niya na parang hindi niya maintindihan kung bakit cute si Mr. Bean.

Sinamaan ko siya ng tingin. Ngumiti naman siya.

"Joke lang. Sobrang cute ni Mr. Bean." bigla nitong sabi.

Ganoon ang lagi naming ginagawa kapag gabi. Nanonood, pagtapos ay maliligo kaming dalawa. Pero hindi sabay. Pagkatapos ay mag-uusap tungkol sa kung ano-anong bagay at tutulog na. Sa umaga naman ay ipinagluluto ko siya at naiiwan ako dito sa bahay.

Tiningnan ko si Zack habang natutulog. Maamo talaga ang mukha niya. Maganda ang hulma ng suplado niyang kilay at malantik ang pilik sa kanyang mata. Matangos ang kanyang ilong at manipis ang mapula niyang labi. He looks like an angel. Sana ay makuha ng mga anak namin ang kagwapuhan niya.

Three more months more and darating na sila. Hinawakan ko ang aking malaki ng tiyan. Kinakabahan ako sa panganganak ko pero tuwing nakikita ko ang ngiti ni Zack ay nawawawala ang aking kaba.

"Bakit gising ka pa?" naalimpungatan siguro si Zack dahil malikot ako sa kama.

"Sumisipa na naman sila e." sagot ko.

Tumingin siya sa tiyan ko.

"Kayo ha, lagi niyong pinupuyat si Mommy." sabi nito saka hinalikan ang aking tiyan.

Hinawakan niya ito at pinakiramdaman ang aming sumusipang mga anak.

"Hmm... bukas, mamili na tayo ng gamit nila." anito. I smiled at him and nodded.

We slept peacefully that night despite our continuous worries for Clinton, Alexa and their child. Life has to go on because if we don't move with it then we will be left behind.

"Bilisan mo, Zack!" sumilip ako sa hagdan para tingnan si Zack.

"Pababa na Misis!" nagmamadali itong bumaba, magulo pa ang buhok mula sa shower.

Ngumiti ako dito. Pinaghugas ko kasi siya ng pinggan bago kami umalis kaya siya nahuli. Minsan nappagtripan ko siya lalo na kapag nacu-cute-an ako sa kanya. Of course, he will just wonder what's wrong with me and he will end up thinking that it's because I'm pregnant.

Inalalayan ako ni Zac pasakay ng kotse. Medyo mabigat na kasi ang tiyan ko. Ang huli kong order ng cupcakes ay Mr. Aguila, isang businessman na nagcelebrate ng 50th anniversary ng kanilang kumpanya. Mula noon ay si Ate Stella na ang gumagawa ng order. Hindi ko na kasi kaya dahil medyo nahirapan ako dahil mabilis lumaki ang aking tiyan.

Young and MarriedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon