Chapter XLVI
"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko kay Zack. Nasa harap ito ng aming bahay. Samantalang ako ay nasa loob. Namamagitan sa amin ang gate ng aming tahanan.
Hindi siya nagsalita ngunit untipunti siyang lumuhod sa aking kaharapan si Zack. Nanlaki ang aking mata sa gulat at bahagya akong napaatras dahil hindi ko inaasahan ang ginawa niyang pagluhod sa aking harapan.
"Please, huwag mong ipakulong si Emmy." pakiusap nito.
Napanganga ako sa sinambit nito. Hindi ko alam ang mararamdaman ko habang nakikita si Zack na nakaluhod sa aking harapan, nakikiusap para kay Emmy.
"Zack?" gulat na tanong ni Clinton. Nasa kanyang gilid ay si Alexa dala ang kanilang anak. Marahil ay dadalaw sila sa akin ngayon.
Hindi sila nilingon ni Zack. Diretso lamang nakatingin sa akin si Zack, nakaluhod pa din sa harap ng aming tahanan.
"Hindi kami mayaman tulad niyo kaya wala kaming pambayad sa magaling na abogado para ipagtanggol si Emmy. Alam kong naaksidente ako at nagkaroon ako ng traumatic injury kung kaya wala akong maalala. Siguro totoong kayo ang pamilya ko pero pakiusap 'wag mo siyang ipakulong. Magkakaroon na kami ng anak, ayokong ipagbuntis niya 'yon sa loob ng kulungan. Pakiusap." yumuko si Zack at mula sa pisngi nito nakita ko ang pag-agos ng luha sa kanyang mukha. "Mahal na mahal ko siya." sabi nito habang lumuluha.
Tumulo din ang luha ko dahil sa sinabi niya. Mahal na mahal niya. Pumikit ako at mas lalo pang umagos ang luha sa aking pisngi.
Hindi ko matandaan kung sinabi niya ba dati na mahal niya ako. So this is how it will end? After all that has happened, it will end like this? Mas lalo pa akong naiyak nang makita ko ang nakikiusap niyang mata. I love those eyes but it's hurting me right now. And it hurts so much!
"I will do anything, please Mrs. Pascual." pakiusap niya pa.
Pinunasan ko ang aking luha at tumingin sa diretso sa kanya. Inayos ko ang aking sarili at tumayo ng tuwid.
"Do you really want that?" I asked.
Tumango siya habang diretsong nakatingin sa aking mata. Tumango ako sa kanyang sagot at mas lalong nabuo ang aking isip. Pinunasan ko ang natitirang luha sa aking pisngi.
"Paige, don't tell me..." boses ni Alexa.
"You will do anything right?" I asked.
"Yes." diretso niyang sagot. "Don't take her away from me." may pakikusap ang kanyang boses.
"Zack, what the heck are you doing?" galit na sabi ni Clinton sa kanyang kapatid.
"If you really want that then let's file an annulment." sabi ko.
Pare-parehong gulat ang naging reaksyon nina Zack, Clinton at Alexa. Napatakip ng bibig si Alexa. Samantalang si Clinton ay kunot ang noo, galit na galit.
"I will comply with all the necessary requirements." ani Zack. "Salamat, Mrs. Pascual." nanatili pa din siyang nakaluhod sa aking harapan ngunit hindi iyon nagtagal nang suntukin siya ni Clinton dahilan upang tumalsik ito sa kalsada.
"Gago!" sigaw ni Clinton bago suntukin pa ulit ng isang beses si Zack.
"Tama na, Clinton! Please!" niyakap ni Alexa si Clinton upang pigilin ito. Galit na galit pa din si Clinton habang dinuduro si Zack.
"Sobrang tanga mo, Zack! Hindi mo alam kung sinong pinapakawalan mong gago ka para sumama sa babaeng 'yon! Wala akong pakialam kung may amnesia o wala pero kapag bumalik 'yang lintek mong alaala sinisigurado kong kahit lumuhod ka o pagpagulong gulong sa lupa, hinding-hindi ko hahayaang makuha mo pa ang pinakakawalan mo ngayong gabing ito!"
"Zack, please. Think about this thoroughly. You will lose your family because of this." pakiusap ni Alexa.
Pinunasan ni Zack ang kanyang dumudugong labi. Ang kanyang pisngi ay bahagyang nagkulay ube dahil sa lakas ng suntok ni Clinton.
"If that what it takes to have Emmy in my life, then so be it. I'd rather lose this family than lose her and our baby." malamig na sabi ni Zack. Tumayo ito at tumingin sa akin.
Namumuo ang luha sa aking mga mata ngunit hindi ko iyon hinayaang tumulo sa kanyang harapan. Nahihirapan ako at nasasaktan ngunit hindi ko iyong ipapakita sa kanya. I will not let him see me bleed right before his eyes.
"Thank you for understanding. I will comply with everything that is needed for our annulment." sabi niya bago kami talikudan lahat.
"Paige." tawag sa akin ni Alexa. Lumapit ito sa akin at niyakap niya ako. Umiyak ako sa kanyang braso. Humagulhol dahil sa sakit na nararamdaman. Hindi ko na halos maramdaman ang ibang parte ng aking katawan dahil sa sakit na nararamdaman ng puso ko. All I can see right now is the pain Zack had caused me. And it hurts so fucking much.
The first in the morning that I did was call my lawyer to prepare the annulment papers. Ang buong pamilya ni Zack ay tutol sa aking dedisyon. Nakasuporta naman sa akin ang aking pamilya. Buo na ang desisyon ko. Ito ang gusto ni Zack at irerespeto ko 'yon. Sana ay irespeto niya din ang desisyon kong hindi siya maging parte ng buhay ng aming mga anak. My children doesn't need a father like him. Ibang anak ang pinili niya.
"Please, Paige. Don't do this. Kung kailangang lumuhod din ako sa'yong harapan ay gagawin ko." umiiyak na pakiusap ng nanay ni Zack. Kinagat ko ang aking labi at nagpigil ng luha.
"Ma, I'm tired." lalo siyang naiyak sa aking sagot. Niyakap niya ako ng mahigpit at umiyak sa aking balikat.
"Anong plano mo, Paige? Paano ang mga apo namin?" tanong ng tatay ni Zack.
"Aalis na po kami sa bahay na 'to." tumingin ako sa bahay at malungkot na ngumiti sa kanila. This is our home before but this isn't our home now. It belongs to someone else.
"Naiintindihan ko. Saan kayo tutuloy kung ganoon?" tanong pa ni Papa.
"May bahay po akong ipinagawa. Doon po kami. Pansamantala, doon muna po ako sa magulang ko." sagot ko.
"Hindi mo naman ipagdadamot ang mga apo namin..." medyo malungkot na sabi ng tatay ni Zack.
Umiling ako dito. Ngumiti ako kahit na alam kong puro lungkot ang laman ng ngiting 'yon.
"Pa, pwede niyong dalawin ang apo niyo kahit anong oras." hinawakan ko ang kamay ni Mama. "Kahit na maghiwalay kami ni Zack, pamilya pa din po ang turing ko sa inyo."
Niyakap nila ako. Tiningnan ko ang gamit namin sa maleta at ilang kahon na iuuwi namin sa bahay ng aking magulang. Niyakap ko silang lahat dahil alam kong ito na ang umpisa ng lahat pagtatapos ng relasyon ko kay Zack, ngunit hindi ito ang katapusan ng relasyon ko sa pamilya niya dahil itinuring nila akong pamilya at ganoon ako sa kanila.
Natapos ang aming pagyayakapan nang pumasok sa aming tahanan si Zack kasama si Emmy. Nandito na ang aming mga abogado at magpi-permahan na kami ng annulment papers ngayong araw. Nakakalungkot isipin na ang unang pagtungtong ni Zack sa bahay namin sa loob ng tatlong taon ay para maghiwalay kami.
Unang dumapo ang mata ni Zack sa akin pagkatapos ay kambal na tahimik na nakaupo sa gilid. Malungkot ang mga ito dahil aalis kami bahay na ito. They love this house. I do, too. But we have to go because we have to move forward.
BINABASA MO ANG
Young and Married
RomancePaige Sanchez just turned 18, only to marry someone she barely knew. If it wasn't because of a clear misunderstanding, she wouldn't have to marry . Her parents' concern was her only concern until that day. She only wanted to live a simple life with...