Chapter XLVII
Tumayo ang Mama ni Zack upang yakapin ang kanyang anak. Umiiyak ito habang niyayakap ang anak na matagal na nilang hinahanap. Ate Stella hugged him too. Ngunit ang Papa ni Zack ay nananatili sa aking gilid, sa kanyang kandungan si Benj at sa kandungan naman ni Daddy ay si Joseph.
"Take a seat." sabi ni Atty. Mardo, ang aking abogado.
Umupo sina Zack at Emmy sa aking harapan. Lumibot ang mata nito sa kabuuan ng aming bahay.
"You are both here Mr. Zack Andrew Pascual and Mrs. Paige Iris Pascual to sign the annulment papers. I just want to clarify that since you have sign no prenuptial agreement before your marriage, your conjugal properties will be divided accordingly." panimula ng aking abogado.
Tumango sina Zack at Emmy. Tumango din ako at hindi na nagsalita. Nanatili kaming tahimik at nanatili kaming nakikinig sa abogado para terms ng aming annulment, ang grounds nito, legal procedures at expenses.
"Another main concern of this meeting is the case of Ms. Emilia Magsino. The agreement was, Mrs. Pascual will eject the case against her if Mr. Pascual will sign the annulment papers. Another condition of Ms. Magsino is to remove the custodial rights of Mr. Pascual to his children. Do you understand that, Mr. and Mrs. Pascual?" tanong ni Atty. Mardo.
Galit akong tumingin kay Emmy. She wants to remove the custodial rights of Zack to my children? How dare she?
"They're my children?" tanong nito sa akin.
Mukhang hindi sinabi ni Emmy na may anak kaming dalawa ni Zack. Ngayon ay gusto niyang tanggalin ang karapatan ni Zack sa mga anak ko. Napawalanghiya talaga.
"Yes." I said.
Bahagyang nagulat si Zack sa aking sinabi pagkatapos ay tumingin siya sa dalawang bata. Matagal siyang nakatingin sa kanyang mga anak. Namula ang kanyang ilong at yumuko. Tila nahihirapang magdesisyon. Hinawakan ni Emmy ang braso ni Zack at hinaplos ito upang aluin.
"Ibig sabihin, isusuko mo ang pagiging magulang mo sa kanya, Zack. Tatanggalin lahat ng karapatan mo bilang ama sa kanila, Zack." mariing sabi ng kanyang ama. Tiningnan ng ama ni Zack si Emmy. "Talagang gusto mong putulin ni Zack ang lahat ng koneksyon niya kay Paige."
Tumunghay si Zack at sumingot. Mapupula ang gilid ng kanyang mata. Lumunok ito at tumingin ulit sa kambal pagkatapos ay tiningnan niya si Emmy sa kanyang gilid.
"I will accept any terms and condition as long as it doesn't violate any rights of me and my children. Regarding the child custody, I will let Zack decide on it. If he is going to give up his custodial rights, the so be it. Kaya kong buhayin ang mga anak ko."
"Can I at least hold them?" tanong sa akin ni Zack. Lahat sila ay bumaling sa akin. Hinihintay ang aking permiso.
I looked at my sons and I smiled at bit when I saw them looking at me like they were also asking for my permission. Galit akong tiningnan ni Emmy ngunit tuwing tumitingin ito kay Zack ay nababanaag ko dito ang takot.
"Sure. If ever, this will be the first and last time that you will hold them." I said.
Bahagyang natigilan si Zack sa aking sinabi. Tila natakot ngunit baka nagkakamali lamang ako. Tingin ko ay si Emmy at kanilang anak ang pinakaimportante kay Zack ngayon. Hindi niya magagawang lumuhod sa aking kaharapan kung hindi mahalaga ang kanyang babae.
Tumayo ako at una kong kinuha si Benj. Ngumiti ako sa aking anak na nakangiti din sa akin habang buhat ko. Humarap ako kay Zack. Tumayo ito ngunit ang kamay ni Emmy ay ayaw siyang bitawan. Tumingin siya kay Emmy.
"I'll just hold him." ngumiti ito ng bahagya kay Emmy at hinalikan pa sa noo upang siguraduhing hahawakan niya lamang ang kanyang anak. Kailangan niya pa talagang gawin 'yon sa aming harapan.
Magkaharap kami ngayon ni Zack, buhat ko ang aming anak at nakatingin siya dito. Inilahad niya ang kanyang kamay upang kuhanin si Benj sa akin.
Akmang ibibigay ko ito sa kanya ngunit ayaw ni Benj. Yumakap pa ito sa akin at ayaw sumama sa estranghero.
"No!" sigaw nito.
"Shh, Benj. This is Daddy." I said. Tumingin sa akin Benj na nakakunot ang noo pagkatapos ay tumingin ito kay Zack.
"That's not Dada!" he said at tinignan pa ng masama si Zack.
"Dada?" kunot noong tanong ni Zack sa sinabi ni Benj.
"He's your cousin, Antony. He helped me raised Benj and Joseph." I said. Tumango siya ngunit nanatiling kunot ang noo.
"I don't want, Momma! I don't want." umiiyak ng sabi ni Benj. Kinuha ito sa akin ng tatay ni Zack.
"Lolo!" iyak ni Benj habang kinukuha ito sa akin ni Papa. Yumakap ito kay Papa at sumubsob sa leeg nito. Malungkot akong ngumiti kay Zack at umiling dahil ayaw talagang sumama ni Benj kay Zack.
"This is what you get. Ayaw sumama sayo ng sarili mong anak." galit na sumbat ni Papa kay Zack. Yumuko dahil kumirot ang aking puso. Papa's right. Our sons doesn't even know him.
"I'll try to convince Joseph." I said. Bumaling ako sa bunso ko. Nang ipanganak ko ang kambal, mahinang mahina si Joseph kumpara sa kanyang kakambal. I almost lost him because he can't live on his own. Kailangan ng madaming aparato sa kanyang katawan. Kailangan lagi siyang nasa incubator at may oxygen. Hindi ko siya mahawakan hanggang sa nagtatlong buwan siya.
Lumuluha ako habang kinukuha si Joseph. Tahimik itong sumama sa akin at humilig sa aking balikat. Humarap ako muli kay Zack. Wala akong pakialam kung basa ang pisngi ko ng luha, nasasaktan ako para sa mga anak ko. Bakit mas pinipili sila ni Zack kesa sa akin at sa kambal?
"Baby, do you want to hug Daddy?" I whispered to Joseph.
Tahimik itong tumango habang nakahilig pa din sa aking balikat. Inayos ko ang kanyang pwesto at iniharap sa akin. He looked at me with innocent eyes. Tumingin ako kay Zack at diretsong tinginan ang kanyang mata.
"This is Daddy." I said while staring into Zack eyes. Tumingin si Joseph sa kanyang ama. Nakanguso habang pinaglalaruan ang kamay. After a few moments we are all shocked when we saw how Joseph offered his hands to his father like he wants to go with Zack.
Nanginginig ang kamay ni Zack habang kinukuha sa akin si Joseph. Yumakap sa leeg ni Zack si Joseph at marahang humilig dito. Naiyak ako lalo sa ginawa ng aking anak. Parang sinasaulo niya ang pakiramdam kung paano mayakap ang ama.
Ang sunod na pangyayari ang mas lalong nakapagpaiyak sa akin. Niyakap ni Zack si Joseph at umiyak habang yakap yakap ang anak. Narinig ko ang malakas na iyak ng Mama ni Zack habang pinapanuod kami.
Zack was crying hard when he hugged Joseph. Joseph remained calm and he remained resting in his father's shoulder.
Tiningnan ni Zack si Joseph. Hinawakan nito ang pisngi ni Joseph at mariing hinagkan ito sa kanyang noo. I was crying hard, seeing Zack hugging my son with yearning broke my heart. It hurts because we can never be a family now. Because he made his choice. He will probably marry Emmy and father their child. On the other hand, my sons and I will live and I will stand as the mother and father of my children.
"Dad?" tanong ni Joseph habang nakatingin kay Zack.
"That's right, baby. I'm your Dad." lumuluhang sabi ni Zack saka hinagkan muli ang anak na tahimik na nakayakap sa kanya.
BINABASA MO ANG
Young and Married
RomancePaige Sanchez just turned 18, only to marry someone she barely knew. If it wasn't because of a clear misunderstanding, she wouldn't have to marry . Her parents' concern was her only concern until that day. She only wanted to live a simple life with...