Chapter XXXVIII

970 17 1
                                    

Chapter XXXVIII

"Anong ginagawa mo, Misis?" nakahalumbaba si Zack habang nakatingin sa akin sa screen. Kahit na sa video call ko lang siya nakikita ay kitang-kita ko ang pula niyang labi. Nangingiti ako tuwing naiisip ko na madalas kong tinititigan ang kanyang labi kapag natutulog siya.

"Wala naman. Dadalaw ako sa ospital bukas, bibisitahin ko si Baby Ex." ngiti ko dito.

Ex kasi ang palayaw ng baby nina Alexa. His name is Clint Alexander. Sobrang kamukha niya si Clinton.

"Ang tapang mo dun Misis. Sana nakita kita." malungkot ang boses nito. "Hindi ko na yata kaya dito. Sobrang miss na miss na kita."

Tumawa ako sa sinabi nito.

"Dalawang araw ka palang wala, miss mo na ako?" I teased.

"I want to go home." he said with his seriously. "I miss kissing you."

"Zack, wala ka bang alam kung hindi kalokohan?"

Humalakhak siya sa kabilang linya. Ang sarap pakinggan ng tawa niya. Nakangiti ako habang pinagmamasdan siyang tumawa. Hinawakan niya ang screen.

"Miss na miss na kita, Misis."

Hinawakan ko din ang screen na parang hawak ko siya. We look so corny but I don't care.

"Miss na din kita, Mister."

Gabi-gabi kaming nag-i-Skype ni Zack. Minsan ay pagkagising namin ay nag-i-Skype din kami. Isang linggo ang lumipas. Pakiramdam ko'y sobrang bagal ng oras. Miss na miss ko ang mukha ni Zack. Minsan ay napapanigipan ko pa siya sa sobrang pagkamiss ko sa kanya.

Humalukipkip ako habang pinagmamasdan ang inaantok na mukha ni Zack. Kakagising lang niya at nakangisi habang nakikipagtitigan sa akin.

The next morning I visited Alexa to the hospital. This is her last day on the hospital at pansamantala muna siyang mananatili sa bahay ng magulang ni Clinton. I want her to stay in her house but Mama and Papa want to spend some quality time with their first grandchild. Alexa and Clinton are planning to get married and soon they will have their own house and will start living on their own. Gusto ng magulang nina Zack na masulit ang panahon kasama ang kanilang unang apo.

"I really like his eyes." I said habang hawak si baby Ex sa aking bisig.

"Pascual's eyes are amazing." Alexa smiled at me.

Kami lamang tatlo ang nasa silid ngayon. Nasa labas si Clinton upang mag-asikaso ng ilang papeles sa ospital, samantalang si Kuya Mark at Ate Stella ay nasa labas upang ihanda ang sasakyan namin pauwi.

"I can't believe that Clinton doubted this little angel. He is beautiful." I said in awe.

"What I can't believe is how Clinton for me from my father. Dad was furious but Clinton accepted his rage." si Alexa na nag-aayos ng sarili.

"So that's what happened?" I said while smiling.

"Pretty much. I thought it was the end of us." si Alexa.

"We're happy that you are okay now."

Lumabas kami ng kwarto ni Alexa pagkatapos ng ilan pang bilin ng doctor. Dumating kami sa bahay ng magulang nina Zack at isang welcome party ang inihanda ng mga ito. Naroon ang malalapit na kamag-anak ng mga Pascual, pati importanteng mga kaibigan ni Clinton at Alexa. Nagkaroon ng maliit na baby shower para sa baby boy ni Alexa.

Lumapit sa akin si Clinton at tahimik na umupo sa aking gilid. I looked at him and smiled.

"I can't believe that this kind of happiness is possible." he whispered.

"I know. I'm happy for you." I said.

"Thank you, Paige. I'm really glad that you came into our lives. I love you still but I love my family more. Thank you because you made me realized how important they are in my life." he said.

"Everything's finally working out for, huh?" I teased.

He smiled at my remark. He looked at the Alexa who is now carrying baby Ex while dancing joyfully to the sound of music while the people around her is adoring her and her child while watching them. Clinton look so happy and I have never seen him so contented before.

"Yes, I hope that it's the same way for you."

Tumango ako. Everything in my life is pretty fine and I am always thankful for the blessings that God is granting me. Even if I failed miserably at some point in my life, He still blessed me with his overflowing grace. Sa mga panahon tulad ngayon ko natatanto na darating sa punto iyong buhay mo kung saan kontento ka na at wala ng mahihiling pa dahil sa wakas, masaya ka na.

Hapon na akong nakauwi sa bahay. Walang tao sa bahay dahil naiwan ang aming kasambahay sa bahay nina Mama at Papa para tumulong sa paglilinis ng welcome party ni baby Ex. Si Kuya Mark naman ay dumaan sa kanyang university para kausapin ang ilang niyang instructor tungkol sa darating nitong competition.

I was about to enter the gate when I saw a shadow from afar. I held my stomach and grabbed my phone because I don't feel good about the dark silhouette. I dialed Kuya Mark's number but it was unattended. I texted Alexa and then I dialed Zack number.

Binuksan ko ang gate ng aming bahay.

"Hello, Misis?" I heard Zack's voice from the other line.

I was about to say something when I felt a sharp object upon my back. I felt a man's presence from behind and my heart almost stopped beating when he talked.

"Patayin mo 'yang tawag na 'yan at itapon mo ang cellphone mo kung ayaw mong mapahamak ka." bulong ng boses.

Itinagilid ko ang aking ulo upang makita ang lalaking nagtatangka sa buhay ko at ng aking mga anak. Dahil sa takot na masaktan ay pinatay ko ang tawag at itinapon aking cellphone kagaya ng gustong mangyari ng lalaki.

"Mike." I whispered his name and it sounded like a nightmare to me. "A-anong kailangan mo?" I asked, trying to be brave for my children. I'm just seven months pregnant and I won't let anything happen to my children. I will lay my life for them if it's needed.

"Shh... Ayoko lang namang makulong Paige, pero iyong matalik mong kaibigan at ang pamilya ng Alyssa na iyon, ayaw iatras ang kaso." bulong niya. Nakakatakot ang kanyang boses. Hindi ko siya tuluyang malingon dahil tuwing sinusubukan ko ay idinidiin niya ang patalim na hawak niya sa aking likod.

"Now, I will call your best friend. Baka sakaling makinig siya kapag maraming buhay na ang nakasalalay." he said. Naramdaman kong may kinuha siya sa kanyang bulsa at may pinindot na kung ano.

Taimtim akong nanalangin na sana ay makarating na dito si Alexa or kahit sino para matanggal ako sa sitwasyong ito.

Narinig ko ang sunod-sunod na ring mula sa aking gilid. Marahil ay tinatawagan na ni Mike si Leah.

"Hello, Leah." nakakatakot na bati ni Mike.

"Hayop ka talaga, Mike. Ayaw mo akong tigilan. Kapag nahuli ka na ng mga pulis sisiguraduhin kong sa kulungan ka na mamamatay." galit na galit na sagot ni Leah.

"Magdahan-dahan ka sa pananalita mo, Leah. Iurong niyo ang kaso o mapapahamak itong kaibigan mo." itinutok sa akin ni Mike ang telepono niya at mas idiniin pa sa aking gilid ang kanyang patalim.

Lumunok ako ng senyasan ako ni Mike namagsalita. Tumulo ang luha sa aking mata dahil sa takot at kaba.    

Young and MarriedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon