Chapter XXXI

1K 23 5
                                    

Chapter XXXI

After more than one week of staying in the resort, we consulted Dra. Vasquez to check on our babies and she gave us to go signal to travel. Sa wakas ay muli kaming nakauwi sa tahanan ng mga Pascual.

The last days in the resort was fun. It was more on a bonding moment between the family. Mas naging malapit din kami ni Zack sa isa't-isa dahil sa madalas kaming mag-usap tuwing gabi tungkol sa kung ano-anong bagay.

"Misis, what do you think about this interior design?" ipinakita sa akin ni Zack ang disenyo ng isang bahay at sa loob noon ay ang magandang disenyo ng isang family house.

"I like it. Para sa kliyente mo?" I asked.

Umiling siya at ngumiti sa akin.

"If you like this design, this will be the interior of our new house. It this fine with you?"

"Of course, it's beautiful Zack." I said happily.

He held me closer to him and kissed my forehead. "I'm glad you like it. I designed this."

Naging abala ko sa magbebake ng cupcakes para sa orders. Hindi ko man nakuha ang deal sa debut ni Payton na anak ng isang sikat na business tycoon ay mayroon pa din na um-order ng cupcakes sa tulong na din ni Ate Stella.

Ate Stella helped with everything. Dahil takot din akong mapagod dahil sa mga anak ko ay malaki ang pasasalamat ko kay Ate Stella sa pag-alalay sa akin. Alexa helped me, too. Pati ang Mama ni Zack ay nakikigulo sa amin tuwing nagbe-bake ako. Madalas silang kumuha ng cupcakes kahit pa ipinagbawalan ko sila dahil nakakaubos sila ng 20 cupcakes sa isang upuan!

My first salary from the cupcakes I made was very memorable for me.

Ipinagggawa ko ang pamilya ni Zack ng dinner para i-celebrate ang kauna-unahan kong kliyente. Nakipagkita muna din ako kay Leah upang kamustahin ang kanyang kalagayan. Leah looks better than before. She gained weight and her baby bump is now visible. Mabilis na lumipas ang panahon. Limang buwan na kaming buntis ni Leah kung kaya namili kami ng ilang gamit ng babies. Hindi ko pa alam ang gender ng babies ko dahil ayaw pa nilang ipakita sa ultrasound.

After that day with Leah, I invited Zack to visit my family because I miss them so much and Zack gladly obliged to my request.

"Ano 'to?" tanong ni Dad ng abutan ko siya ng sobre.

Ngumiti ako dito at humawak sa limang buwan kong tiyan. My stomach looks like it's seven months now! Kasing laki na ng tiyan ko ang walong buwan na tiyan ni Alexa.

"Una ko pong sweldo." nahihiya kong sabi. Iyan iyong nakuha kong pera mula sa cupcakes na ginawa nitong nakaraang buwan. "Natatandaan niyo po ba yung cupcakes na ginagawa ko?" tanong ko kay Dad. "May malaking kumpanya na bumili nun."

Nagulat si Dad sa sinabi ko. Kita ko ang kislap sa mga mata nito habang nagkukwento ako.

"Eto yung una mong sweldo?"

"Mmm. Yung pinaka pinakauna, ginamit kong puhunan." pagtatapat ko.

"Edi hindi pinakauna." biro ni Daddy.

"Pinakauna kasi tubo na 'yan." sabi ko dito.

"Salamat pero hindi mo naman kailangan. Magkakapamilya ka na. Dapat iyon ang inuuna mo."

"Dad naman. Inuuna ko naman po talaga ang pamilya ko. Syempre kasama kayo dun." ngumiti ako dito.

Binuksan niya ang sobra at tila nanlaki ang mata niya.

"Sigurado ka bang galing 'to sa cupcakes mo? Parang dami naman."

Natawa ako kay Dad.

"Opo, Dad. Masarap kasi ang cupcakes ng anak niyo." Si Zack ang sumagot. Humawak pa ito sa balikat ko.

"Minsan mag-uwi ka dito ng cupcakes, Paige." ani Mama. Tumango ako dito at ngumiti. Naupo kami sa hapag kainan upang mananghalian.

"Kuya, parang namamayat ka." puna ko kay Kuya Mark.

"Lagi kasing puyat sa trabaho." sabi ni Mama.

"Huwag mong abusuhin ang katawan mo Kuya. Lalo mo 'yang hindi mapapakinabangan kapag nagkasakit ka." sabi ko dito.

Ginulo niya ang buhok ko. Oo na, Neneng." pang-iinis nito sa akin.

Pasukan na ulit nina Joshua at Luke. Nakaenroll na si Joshua sa isang university bilang scholar. Si Kuya Diego ay mag-eenroll pa din mamaya.

"Kuya." kumatok ako sa kwarto ni Kuya Mark. Nang matapos ang aming pananghalian ay naupo sa living room sina Mama, Papa at Zack para magkwentuhan.

"Paige." bumangon ito sa pagkakahiga. Naabutan ko itong nagbabasa ng book. Aniya'y para hindi siya makalimot ng mga aralin, tumigil kasi si Kuya Mark ng pag-aaral para makapag-aral ako, ngunit kahit ganoon ay nagbabasa pa din siya tuwing hapon. Umupo ako tabi nito.

"Ano 'to?" gulat niyang tanong nang abutan ko siya ng sobre na may pera,

"Pang-enroll." ngumiti ako dito. "Tutal, hindi naman ako makakapag-aral ngayon, ikaw naman. Ipon ko 'yan para sana sa taon na ito. Dinagdagan nko din 'yan. Umeextra kasi ako sa paggawa ng cupcake."

Tumigil si Kuya para sa akin at gusto kong maipagpatuloy niya na ang pag-aaral niya na halos tatlong taon ng nauudlot. 5th year na sana noon pero kulang sa pampaaral sina Dad kaya tumigil siya para tumulong at magtrabaho. Siya ang nabibigay ng pang tuition ko, nagpapart time naman ako para sa aking allowance.

"Hindi na kailangan." sabi nito sabay balik sa akin ng pera.

"Kuya, ano ka ba." pagalit kong sabi dito. Naiiyak din ako dahil naaalala ko ang mga sakripisyo niya para sa aming magkakapatid.

"Paige, dapat mag-ipon ka. Magkakaanak ka na." tutol nito.

"May-ipon na kami ni Zack." sabi ko dito.

Bumuntong hininga siya at tinanggap din ang pera. Alam kong gustong gusto niyang mag-aral. Ngumiti ako dito pero nagulat ako nang yakapin ako nito habang pinapasalamatan ako.

"Kapag nag-isang taon na ang kambal, gusto kong magpatuloy ng pag-aaral." sabi ko kay Zack habang nakahiga ako sa dibdib nito. Nandito kami sa kwarto ko. Dito kami tutulog.

Bukas ang bintana ng aking kwarto ang malamig na simoy na hangin ang nagsisilbi naming bentilasyon sa aking kwarto. Hindi ko akalaing magkakasya kami ni Zack sa kama dahil sobrang liit ng kama ko kumpara sa kama niya sa kanyang kwarto. Mas lalong nagmukhang maliit ang kama ko dahil sa laking tao ni Zack.

Sa isang araw ay lilipat na kami sa aming bahay na regalo ng Papa ni Zack. Nadelay ang paglipat namin dito dahil nagkaroon pa kami ng ilang modifications. Si Clinton ay kasalukuyang nasa Manila dahil sa trabaho ngunit uuwi din sa house blessing ng bahay na regalo ng magulang nila. Inaasikaso din nito ang paglipat mula sa Manila patungo dito sa Cebu.

"Hmm... Gusto kong sa bahay ka muna hanggang sa mag-tatlong taon sila." sabi naman nito. "Tapos gagawa ulit tayo." mahina siyang humalakhak.

Tiningnan ko siya ng masama at sinimangutan.

"Paano ang pag-aaral ko?" tanong ko. "Saka manufacturer ba ng bata ang tingin mo sa akin?"

Tumawa si Zack sa aking tanong at hinalikan ang gilid ng aking noo.

"I was just teasing you, Misis. I will support you if that's what you want." ngumiti ito sa akin. "I will help you achieve your dreams, I won't be a hindrance to you. I will make you happy, para hindi ka na lalayo sa akin para tupadin ang mga pangarap mo at maging masaya."

Tumango ako at ngumiti.

"Thank you, Zack."

"No, Misis. Thank you. You are making me so happy and it is only right to make you happy, too."

Mahimbing akong natulog nang gabing iyon. Salamat sa init na yakap mula kay Zack.

Young and MarriedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon