Chapter IV

1.3K 24 3
                                    

Chapter IV


Isang malakas na sampal ang dumapo sa aking pisngi mula sa kamay ni Dad. Napayuko ako. Nagbasakan ang panibagong mga luha sa aking pisngi. Ramdam na naramdam ko ang galit ni Dad sa kanyang sampal.


"Gary!" mabilis na dumalo sa akin si Mommy. Galit na galit ang tingin nito kay Papa, "Bakit mo sinaktan ang anak mo?!"


Nagdugo ang aking labi dahil sa lakas ng sampal nito. Kita ko ang luha sa mata ni Mama. Alam kong galit din siya ngunit pilit niya akong inuunawa at ipinagtatanggol kay Dad.


"Iginapang ko ang pag-aaral mo. Halos hindi na ako umuwi paipang-matrikula mo lang tapos ito ang igaganti mo sa akin?" nagpupuyos sa galit ang boses nito. Mas lalo akong naiyak sa kanyang sinabi.


Hindi ko na sinubukang magpaliwanag dahil hindi din naman siya maniniwala. Sarado na ang isip niya sa kahit anong paliwanag. Kahit na sabihin kong hindi ako buntis ay hindi siya maniniwala lalo na at sinabi ng Mama ni Zack na galing na kaming ospital.


"Sabi mo magtatapos ka. Sabi mo magsisikap ka. Nagpapapuyat ako, halos hindi ako kumain para makatipid mapunan lang ang pangangailangan niyong magkakapatid. Ikaw lang ang inaasahan ko." puno ng hinanakit lahat ng salitang sinasabi ni Dad.


I cried even more because I can imagine how disappointed they are to me. I want them to be proud of me and here I am, being the biggest disappointment in their lives.


"Tumigil ka na, Gary." sabi ni Mommy. Nanginginig ang boses nito dahil sa kanyang pag-iyak. Tumingin sa akin si Mom. "Magpahinga ka muna, Paige. Masama sa bata ang na-i-stress ang nanay."


"Ma, hindi talaga ako buntis." sabi ko kay Mommy pagkapasok ko ng kwarto. Maybe she will listen to me.


"Anak, magpahinga ka na." she stared at me for a minute. Hinaplos niya ang aking pisngi at saka hinalikan ang aking noo. Napapikit ako. Tulala akong umupo sa aking kama. Why is this happening to me?


All I did was go to that party. I have been a good girl. I always try to make my parents proud. Madaming taong pwedeng ipalit sa posisyon ko kaya bakit ako pa?


Nawawala pa ang cellphone ko at hindi ko ito makita kahit saan. Naiwan ko siguro sa bahay nina Zack o baka nawala ko pa. Paano ko mako-contact si Leah? I need to contact her. She can be my proof.


Dalawang linggo ang mabilis na lumipas. Hindi ako kinakausap ng kahit sino sa aking pamilya maliban kay Mama. Kinaumagahan, nag-almusal kami ng walang imikan. Si Kuya Diego, si Kuya Mark, at and dalawa kong batang kapatid na si Joshua at Luke. Sa aming anim, si Ate Edith lang ang nakahiwalay dahil may pamilya na ito.


Nakayuko ako habang kumakain. Hiyang-hiya ako sa pamilya ko. Pakiramdam ko'y nagkasala ako kahit wala akong ginagawa

.

"Nag-usap kami kagabi ng mga magulang ni Zack." anunsyo ni Dad. Hindi ito tumitingin sa akin. "Nagdesisyon kaming magpakasal kayo ni Zack sa lalong madaling panahon."

Young and MarriedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon