Chapter LI
"Dad, play with us!" aya ni Benj nang makitang pababa kami ni Zack ng hagdan. Nagkatinginan kami ni Zack. Kaagad itong nag-iwas ng tingin sa akin dahil alam namin parehong hindi niya mapagbibigyan ang anak sa kahilingan nito.
"I will play with you later, big boy." ani Zack saka binuhat ang anak at hinalikan ito sa pisngi.
Kaagad na sumimangot si Benj at hindi na tiningnan muli si Zack kahit na kinakausap ito ni Zack upang lambingin. Si Joseph naman ay tahimik lamang nagpabuhat sa akin.
Today, I need to accompany Zack and Emmy as per advice of my lawyer. Today is the check-up of Emmy to her obstetrician gynecologist.
Sa totoo lamang ay hindi ko gustong sumama ngunit kailangan kong siguraduhin ang sitwasyon ni Emmy. Antony is kind enough to go with us today. Ang kambal ay babantayan muna ni Alexa. Si Clinton ay nasa Manila dahil may pupuntahang importanteng seminar.
Nagpapaalam ako kay Joseph nang bigla itong sumigaw.
"Dada!"
Nang lingunin ko ang pintuan ay doon ko nakita si Antony. Nakangiti ito habang nakatingin sa akin. Ngumiti din ako dito.
"Dada! I miss you!" sigaw din ni Benj na gusto nang bumaba mula sa braso ni Zack. "Dada, carry me!" tuwang-tuwa pang sabi ni Benj.
"I miss you, too!" natutuwang sabi ni Antony na lumapit kay Benj upang hagkan ito sa noo. Lumapit din ito sa akin upang halikan si Joseph sa noo. Ganoon din ang ginawa niya sa akin. Nasanay na ako dito kung kaya ngumiti lamang ako sa kanyang malambing na pagbati.
"Will you stay?" tanong ni Joseph kay Antony.
"May pupuntahan kami ni Momma but I will be back after to play with you." nakangiti nitong sagot. Awkward na tumingin si Antony kay Zack at tumango. Nanatili namang nakatiim ang bagang ni Zack habang hawak ang anak.
"Dada, carry me!" excited na sabi ni Benj habang ang kamay ay naghihintay na kay Antony.
"May I?" tanong ni Antony kay Zack.
Hindi sumagot si Zack ngunit hinayaan naman nitong kuhanin ni Antony si Benj. Masyado yatang namiss ng kambal si Antony kung kaya bahagya kaming nagtagal sa pagpapaalam sa mga ito at pangungumbinsi na babalik si Antony mamaya upang makipaglaro sa kanila at nangako pa ito ng pasalubong kung kaya walang nagawa ang kambal kung hindi hayaan kaming umalis.
Nasa isa kaming sasakyan upang sunduin si Emmy. Nasa backseat si Zack, samantalang ako'y nasa shotgun seat katabi ni Antony na siyang nagdadrive. Tahimik ang buong sasakyan nang pumasok si Emmy sa kotse. Hanggang sa makarating kami sa ospital ay walang nagsasalita sa amin. Tanging ang stereo lamang ng sasakyan ni Antony ang may lakas ng loob na gumawa ng ingay sa gitna ng tension sa loob ng sasakyan.
Apat kaming pumasok sa loob ng silid. Magkakaroon ng ultrasound si Emmy. Mabigat ang aking dibdib habang pinagmamasdan si Emmy na nakahiga sa hospital bed at si Zack ay nasa gilid ng kama. Ang doctor ay kinakausap si Emmy sa kanyang mga sintomas at mga bagay na kanyang napaglilihian.
Zack has always been like this. Even when I was the one who's pregnant. He's always present during my check-ups. He will always accompany me and then we'll eat outside after buying my vitamins and milks. Well, that was before.
"We will be having a transvaginal ultrasound. Since you're ten weeks pregnant now, we will be able to hear your baby's heartbeat. It will also be the indication that you are having a healthy pregnancy." ngumiti ang doctor kay Emmy. Tumango naman si Emmy sa doctor.
Pumwesto ng doctor sa ibabang bahagi ni Emmy pagkatapos ay nakita namin sa monitor ang isang bilog na part. Nasa gilid na parte iyon ng screen.
Kumunot ang noo ng doctor habang pinagmamasdan ang monitor. Nagkatinginan kami ni Antony dahil sa kakaibang reaksyon ng doctor ni Emmy.
"May problema po ba?" tanong ni Emmy.
"According to your hormonal level, there should be a heartbeat by now."
Kumunot ang noo ni Emmy at kita sa mukha nito ang biglang pagkabahala. Bahagya akong napaatras dahil sa nabubuong teorya sa aking utak tungkol sa nangyayari.
"It's should be developing a sac but I don't see it, Ms. Magsino. Wala ding heartbeat ang embryo."
"What does it mean, Doc?" tanong ni Zack.
"You had a miscarriage, Ms. Magsino." tapat na sagot ng doctor.
Tumulo ang mga luha ni Emmy. Humagulhol ito sa braso ni Zack. Patuloy ng pagpapaliwanag ang doctor habang si Emmy ay patuloy ng pag-iyak. Nagkaroon ng bahagyang kirot ang aking puso habang nakikita si Emmy na umiiyak habang hawak hawak ang kanyang tiyan.
I was deeply hurt when I knew how critical the situation of my twins before, it probably more painful for Emmy because her child died. I can see her sorrow and I can feel her remorse.
Bahagya akong nagulat nang bumaling sa akin si Emmy. Masama ang kanyang tingin at ang kanyang mata ay namumula dahil sa kanyang walang tigil na pag-iyak.
"This is your fault!" galit na galit at puno ng sakit niyang bintang sa akin.
"Ms. Magsino, the cause of your miscarriage is not stress. It didn't developed because of an internal factor. Your uterus is not capable of developing a healthy infant." mahinahong sabi ng doctor.
"What do you mean?" gulat na tanong ni Emmy. "Hindi na ako magkakaroon ng anak?"
"I saw some trauma in your womb. I think it's because of an accident that has happened to you or something. It caused your womb a trauma. We need further examinations to determine your case." paliwanag ng doctor.
Mas lalong umiyak si Emmy sa narinig. She's breaking down in front of us because of the incredible pain that has taken down her walls. Marahil ay dahil na din sa lungkot na nararamdaman para sa hindi nabuhay na anak kung kaya ganyan ang kanyang naging reaksyon.
"We need to clean your womb, Ms. Magsino or your baby's dead body will poison yours." ani ng doctor.
"I think we need to leave them alone for a moment. Let's go outside?" bulong sa akin ni Antony.
Tumango ako dito. Tinapik ni Antony ang balikat ni Zack bago kami lumabas ni Antony. Umupo ako sa waiting chairs labas ng silid kung nasaan sina Zack at Emmy. Tumabi sa akin si Antony
"I heard about what happened to Zack." anito.
"It's quite a mess, right?" I smiled weakly.
"I can't even imagine the pain you're in, Paige." tumingin ako kay Antony na malungkot na nakatingin sa akin. "You know that I'm always here for you and the kids, right?" tanong nito.
Tumango ako dito.
"I know. Thank you."
Naghintay kami ng halos dalawang oras sa labas bago lumabas si Zack. He look stressed and he look tired. Sabay kaming tumayo ni Antony upang makibalita sa nangyari kay Emmy.
"Kamusta?" si Antony na ang unang nagsalita.
"She's asleep." pagod na sabi ni Zack. Tumingin sa akin si Zack. "Can I stay with her today?" tunog pakiusap ang sabi niya.
Tumango ako at naintindihan kung para saan ang kanyang hiling. Para damayan si Emmy sa lungkot na nararamdaman nito ngayon. Naabutan kong nakatingin sa akin si Antony. Nakatiim ang kanyang bagang at tila galit.
"Don't worry, Zack. Stay with her. I can perfectly take care of your family." mariing sabi ni Antony.
BINABASA MO ANG
Young and Married
RomancePaige Sanchez just turned 18, only to marry someone she barely knew. If it wasn't because of a clear misunderstanding, she wouldn't have to marry . Her parents' concern was her only concern until that day. She only wanted to live a simple life with...