Chapter 29
Pagkatapos naming mag-ice cream apat ay nagdesisyon sina Clinton at Alexa na mag-usap ng pribado upang ayusin ang gulo sa pagitan nilang dalawa at malugod namin silang pinagbigyan ni Zack. Naiwan kami ni Zack.
Nagdesisyon kaming dalawa na bumalik na upang makapag-almusal. Masayang nagkukulitan sina Mama at Papa nang madatnan namin sila. Naghahain sila ng pagkain sa lamesa, samantalang si Ate Stella ay hindi pa din tumatayo mula sa kanyang sun bathing.
Nagsisimula na kaming mag-almusal nang bumalik sina Alexa at Clinton. They're silent but the tension between them is gone. The air is now lighter.
"Ang ganda ng tan mo, Ate." puri ni Alexa kay Ate Stella habang kumakain kami.
"Talaga?" tumingin si Ate sa braso niya. "Hindi ba nasobrahan?"
Umiling si Alexa. Mabuti si Ate Alexa kagaya nina Zack at Clinton. Maputi din kasi ang kanilang magulang. They have common eyes they inherited from their father. Kapag tumingin sa mata nina Ate Alexa, Clinton at Zack ay parang nakatingin ka lamang sa iisang mata.
Inilagay ni Zack sa aking plato ang inihaw na baboy. Tinanggal niya ang sunog dito bago ilagay sa plato ko. Tumingin ako dito. Kumuha ako ng tissue at pinunasan ang gilid ng labi ni Zack. Tumigil ito sa kanyang pagkain at napatingin sa akin.
He looked at me with a mesmerized face. Tinaasan ko siya ng kilay dahil sa pagtataka. There is nothing wrong with what I have done, right? Kumuha din siya ng tissue at pinunasan ang gilid ng aking labi.
"Pwede bang huwag kayong mag-PDA?" saway ni Ate Stella.
"Hayaan mo na nga kami. Humanap ka ng ka-PDA mo." sagot ni Mama dito habang sinusubuan si Papa.
Sumimangot si Ate Stella. Kung kaya natawa kaming lahat. Would you look at that? Siya lamang kasi ang walang kapareha sa amin. Nang tinanong siya kung bakit wala siyang nobyo, ang tanging sagot niya ay wala pa ito sa kanyang isipan.
Her life and career is the ideal life of every women in the world. She's 25 years old with a stable job with six digit salary. Kung titingnan mo ay panahon na para magkaron siya kahit boyfriend pero aniya ay ini-enjoy niya ang pagiging single niya habang bata pa siya.
Pagkatapos naming mag-almusal at naglaro kami ng board games sa aming cottage. Masyado kasing mainit ang araw para mamasyal o maglibot sa resort. Kasama namin si Clinton, Alexa, at Ate Stella. Sina Mama at Papa naman ay nagkatabing nakaupo sa harapan ng cottage habang nag-uusap.
"Wow. Ang galing niyo." puri sa amin ni Alexa. Magkalaban kasi kami ni Clinton. Lagi kaming draw.
"Magaling talaga si Kuya sa chess. Champion 'yan nung college." sabi ni Ate Stella na nanonood din sa amin.
"Draw na naman!" tuwang tuwang sabi ni Alexa.
Ngumisi lang ako. Tumingin ako kay Zack. Mataman niyang pinapanuod ang bawat laban namin.
"Let's eat some snacks, what do you think?" aya ni Alexa.
Agad naman akong ngumiti at tumango dahil gusto ko ding kumain. Hindi talaga ako mahilig kumain ngunit dahil sa paglilihi ko ay hindi ko mapigilan. Of course, I make sure that I have minimal food intake to keep myself healthy.
"Ayoko. Masisira diet ko. Kayo na lang mga buntis." tutol ni Ate Stella saka humiga upang mag-sunbathing na naman. "Enjoy!" naglalaro ng buhok si Ate Stella habang sinasabi 'yon. Nakasuot pa ito ng shades na talagang bumagay sa kanya. May ilang kalalakihan ang tumitingin sa amin mula sa kalayuan.
Nagpaalam din kami dito. Nag-ayos ako bago kami lumabas. Nakasummer dress na si Alexa. Pinagpalit yata ito kanina ni Clinton.
"Gusto ko ng shell foods!" kaagad na sabi ni Alexa paglabas namin.
Tumingin ako dito.
"Hindi pwede. Allergic si Paige doon." ani Clinton. Pare-pareho kaming natigilan sa sinabi nito. Of course, he also know about my food allergy. I awkwardly cleared my throat.
"Oh, I didn't know. How about some Korean foods?" Alexa suggested.
"Pwede ka naman kumain noon, I can order another from the menu. Or I'll just order some icecream" sabi ko dito. Tumingin si Alexa ay Clinton at Zack at ngumiti.
"No, that's okay Paige! I changed my mind. I want some Korean noodles. Doon na lamang ako o-order ng Korean seafood. Is that fine with you?" she asked.
"Yes, of course. Actually, I want to eat some kimchi and Korean barbeque."
"Oh my gosh, I want that too!" Alexa said in her happy voice. Hinawakan niya ang aking braso at sabay kaming naglakad. Nasa aming likod naman ang dalawang lalaki.
"By the way, how are you and the twins? I heard that doctor suggested some bedrest? Hindi ba makakasama sayo ang mapagod?" she asked.
"Yes, she suggested that. But she also told me to relax and unwind because I have been stressed. Beside, eating is not tiring." I assured her.
"Oh! By the way, malapit ng matapos ang bahay niyo ni Zack. I heard pwede na kayong lumipat by next week?" she said.
Nilingon ko siya at bahagya din nagulat sa kanyang ibinalita. Hindi ko alam na malapit na palang matapos ang bahay na ipinapagawa ng magulang ni Zack para sa amin.
"Really? I haven't heard about that yet. I don't think it's ideal for now. Kailangan ko ng bantay dahil medyo maselan pa ang pagbubuntis ko. Zack's busy with his work." I said.
"I can accompany you if you want. I need someone to look after me, too. Matatapos na ang leave ni Clinton. We can look for each other!" she suggested and I immediately agreed.
"That would be great!" I said. Maganda iyong suhestiyon niya. Madalas umaalis sina Mama at Papa dahil sa kani-kanilang trabaho. Si Ate Stella ay abala din. Kung maiiwan si Alexa sa mansion nina Zack ay mas maganda nga kung magkasama kaming dalawa.
"Of course. I'm excited, but don't you mind? Medyo mababawasan pa din kayo ng privacy ni Zack plus I don't think Zack and Clinton's are that fine now." she asked, worried.
"I don't mind, Alexa. That's actually fine for me. Hindi ko din kasi pwedeng abalahin ang pamilya ko para asikasuhin ako. About Zack and Clinton, maybe living in one roof will be a good platform for them to fix their issues? What do you think?" I asked.
"I think it's a good idea." she replied.
Tahimik kaming nakaupo habang hinihintay ang aming mga order. We decided to open the suggestion to Zack and Clinton. Sinabi namin ang tungkol sa plano paglipat ni Alexa kasama sa bagong bahay.
"It's good for your welfare, but I will ask Mama to give us a maid or two. Gusto kong may magbabantay pa din sa inyong dalawa." ani Zack. Ikinatuwa ko ang hindi pagtutol ni Zack.
"We'll stay there until the house I've been building is finished. I've contacted some engineers for our house, Alexa. Hindi pwedeng lagi tayong kina Mama or kina Zack lalo na at magkakaanak na tayo."
Gulat na gulat si Alexa sa sinabi ni Clinton. Sa nakita kong emosyon ni Alexa, nangingilid ang kanyang luha sa tuwa dahil sa sinabi ng ama ng kanyang anak. Her expression is so happy you can already tell how delighted she is!
I smiled at her when she looked at me with those happy eyes. I am happy for her.
BINABASA MO ANG
Young and Married
RomancePaige Sanchez just turned 18, only to marry someone she barely knew. If it wasn't because of a clear misunderstanding, she wouldn't have to marry . Her parents' concern was her only concern until that day. She only wanted to live a simple life with...