Chapter X

1.2K 32 14
                                    

Chapter X


"Balae, kayo na ang bahala dito kay Paige." sabi ni Mom kay Mama. Ngayon kami lilipat sa tahanan ng mga Pascual. Isang linggo lamang kami ni Zack dapat mananatili sa bahay namin pero naging dalawang linggo ito dahil nahirapan akong tanggapin ang pagbubuntis ko.


Ngayong medyo umaayos na aking disposisyon sa aking kalagayan ay pumayag na akong lumipat pansamantala kina Zack upang hindi ito mahirapan sa kanyang trabaho. Gabing-gabi na kasing nakakauwi si Zack dahil sa layo ng trabaho nito mula sa aming bahay.


Nakita ko namang nagkamayan sina Papa at Dad. Papa ang ipinatatawag sa aking tatay ni Zack. Nang marinig niya akong tinawag syang Sir ay nagtampo ito sa akin.


"Feel at home. Kapag may mga cravings ka, sabihin mo lang kay Stella. Chef yan. O di kaya sa akin." nakangiting sabi sa akin ni Mama. Ang isa nilang kasambahay ang may dala ng aking mga gamit. Iniwan ni Zack ang ilan niyang gamit sa aming bahay dahil aniya'y tahanan na din ang turing niya sa aming bahay.


"Salamat po."


"Ma, magpahinga muna kayo. Patutulugin ko muna itong si Paige." sabi ni Zack nang makitang mag-a-alas dos na ng hapon Ito ang oras ng aking siesta. "Baka maiga si Paige sa mga kwento niyo."


Tiningnan ko siya ng masaya. Natutuwa ako sa mga kwento ni Mama at Papa sa akin. Isa pa'y hindi naman ako gaanong inaantok.


"Okay lang po, Ma. Masaya po akong makipagkwentuhan sa inyo."


"Gusto ka yatang masolo ni Zack. Hala, humayo kayo!" taboy sa amin ng Mama ni Zack habang tumatawa.


"Anak, magpigil ka din minsan." sabi naman ni Papa.


Namula naman ako sa sinabi ng Papa ni Zack. Tiningnan ko si Zack ng masama. Dapat ay sabihin niyang wala naman talaga kaming relasyon. Ngunit dahil mag-asawa kami at magkakaroon na din ng anak, siguro ay normal nang isipin nila ang ganoong bagay.


"Pa, magpapahinga lang kami." balewalang sabi ni Zack.


Umakyat kami sa taas. Iginiya niya ako sa dulong silid sa kanan.


"This is our room." Inilahad niya sa akin ang kwarto.


Simple at malinis ang kabuuan ng silid. Kulay cream ito at brown. Ang kurtina ay kulay berde at kakaunti ngunit kumpleto ang mga gamit. May isang silid para sa walk-in closet na may ilang gamit na pambabae na hula ko'y binili ng mama ni Zack para sa akin. Maternity dress kasi ang ilang sa mga iyon. Ang isa pang pinto malapit sa sofa set sa loob ng kanyang kwarto ay banyo.


"I made the room more spacious for you. Kapag lumaki na ang tiyan mo ay hindi ka mahihirapang kumilos dahil maaliwalas na ang kwarto." sabi nito sa akin.


"Thank you." I said and smiled a bit.


Young and MarriedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon