Chapter XXXIX

1K 18 6
                                    

Chapter XXXIX

"Magsalita ka o sasaksakin kita!" galit na galit na sigaw ni Mike mula sa aking likudan. Idiniin nito ang kutsilyo sa aking likod. Pakiramdam ko ay tuluyan na itong babaon sa aking katawan.

"Leah, help me! Call the police!" I shouted.

"O my goodness, Paige!" sigaw ni Leah nang marinig ang boses ko.

"Ang sabi ko magsalita ka lang, huwag mong ipatawag ang pulis kung ayaw mong patayin ko itong kaibigan mo!" galit pa ding turan ni Mike.

"Pakawalan mo siya, Mike. Huwag kang mandamay ng inosente dito!" rinig kong sigaw ni Leah mula sa kabilang linya.

"Gawin mo ang sinabi ko! Iatras mo ang kaso at hindi ko sasaktan itong kaibigan mo."

Isang malakas na pwersa ang nagpakawala sa akin mula sa mahigpit na hawak ni Mike. Kumapit ako sa gate ng aming bahay upang suporta para hindi ako matumba sa lupa.

I saw Anthony punching and kicking Mike. Dahil sa gulat ay hindi nakalaban si Mike. Nakita ko ang kutsilyo nito na nakalapag sa lupa. Sinipa ko iyon palayo sa aming pwesto. Patuloy ang pagsuntok ni Anthony kay Mike. Galit na galit at talagang malalakas ang bawat binibitaw nitong suntok.

"Paige!" natanaw mula sa malayo si Kuya Mark. Dali-dali itong lumapit sa akin at nag-aalalang niyakap ako.

"Kuya, call the police! Siya ang matagal nang ipinapahanap ng pamilya ni Leah." I said.

"What? What is he doing here?" gulat niyang sabi.

"He tried to threaten Leah using me." I said.

Pagkatapos tumawag ni Kuya Mark sa police ay tumulong ito sa pagtali kay Mike upang hindi ito makatakas. Pagkatapos ng ilan pang minute ay dumating sina Alexa, Clinton at Ate Stella na pare-parehong nag-aalala sa aking kalagayan. Nabasa ni Alexa ang aking text kung kaya nagmadali silang pumunta dito, iyon nga lamang ay nauna si Anthony na dumating. Lubos ang pasasalamat ko dahil dumating si Anthony bago pa man may magawang masama ito sa amin ng mga bata.

Humawak ako sa aking tiyan ng humilab ito. Nasa gilid ako at nanunuod ng pag-aresto kay Mike nang maramdaman ko ang sunod-sunod na contraction ng aking tiyan. Tumingin ako sa binti ko. Umaagos na dito ang masaganang dugo.

Ang mga baby ko!

"I'm bleeding!" I said when I saw the blood gushing down on my legs.

Rinig ko ang komosyon ng mga tao sa paligid ko. Nagmumura si Alexa, ganoon din si Clinton. Rinig ko ang boses ni Ate Stella na nagtatanong kung ano ang nangyayari at ang nag-aalalang boses ni Kuya Mark. Huminga ako ang malalim kahit na sobrang sakit, I wish Zack is here.

"We need to rush her to the hospital." nag-aalalang sabi ni Alexa.

Binuhat ako ni Anthony na pinakamalapit sa akin nang oras na iyon papunta sa sasakyan. Hindi ako makapagsalita dahil sa pagsasalita.

"Clinton, her water bag broke." sabi ni Alexa habang pinupunusan ang aking luha habang nakasakay kami sa sasakyan.

"Malapit na tayo sa ospital, just hold on a little longer." ani Clinton mula sa driver seat. Pawisan ito.

"Ah!" igik ko dahil sa sobrang sakit ng diyan ko. Parang mahihimatay ako sa sakit.

"Kaya mo 'yan, Paige. I know you can do this." naluluhang sabi ni Alexa. Hawak hawak niya ang kamay ko.

"Paige, please don't cry." umaapaw na sa pag-aalala ang boses ni Clinton.

Kakapanganak lamang ni Alexa noong isang linggo pero kasama ko siya ngayon dito. Ginawa ko ang lahat ng makakaya ko upang normal na maideliver ang kambal. Umiiyak ako habang mag-isa dito sa delivery room.

Zack is on the way here. I know that by now he is trying his best to come here. That thought is enough for me to fight. I know that even though I a physically alone in this room, I am fighting this battle with Zack. He is fighting with me.

Hindi ito ang inaasahan kong panganganak. Gusto ko hawak ko kamay ni Zack kagaya ng mga sinasabi sa baby classes na ina-attend-an namin ni Zack. Gusto ko sinasabihan niya ako na kayang kaya ko ang panganganak. Ngunit alam ko kung gaano hindi kasigurado ang ang takbo ng mundo. Kaya kahit anong komplikado ng ikot nito, dapat marunong kang sumabay sa agos. Kailangan mong lumaban.

"Mrs. Pascual, kailangan mo ng ilabas ang baby, kung hindi maaari silang magkaroon ng komplikasyon."

Pumikit ako at inaalala lahat ng magandang alaala namin ni Zack. Kahit wala siya, kahit wala siya sa tabi ko siya ang gagawin kong lakas. Umire ako ng malakas at narinig ko ang unang iyak ng aking anak. I was relieved when I heard the cry of my eldest baby.

Naluluha ako habang pinupunasan ng nurse ito at ibinabalot sa lampin. I heard that Clinton called Zack and I heard how Zack was furious. Ang sabi ni Clinton ay kumuha si Zack ng pinamaagang flight palipad dito dahil sa labis na pag-aalala sa akin. I feel sorry for the stress I'm causing Zack.

Hindi ko pa kabuwanan kung kaya medyo malakas pa ang loob ni Zack na sumama papuntang Cebu. Wala pa man ay naririnig ko na ang boses ng kanyang pagninisi sa sarili sa nangyari sa akin.

"Very good, Mrs. Pascual, may isa pang baby. Kaya mo yan." ngumiti sa akin si Dra. Vasquez.

Lumuluha ako habang pilit na umiire para sa aming ikalawang baby. Pumikit ako at inaalala ang mukha ni Zack. Ang nakangiti niyang mukha. I pushed so hard that my body is now trembling because of the pain. Paulit-ulit ang pag-ire ko. Hindi ko na inaalala ang sakit na nararamdaman ko dahil mas importante sa akin na mailigtas ang anak ko sa tiyak na kapahamakan.

"Lumabas na! Ang galing mo Mrs. Pascual!" tuwang tuwa si Doktora.

Hinang-hina ako. Hindi ko na maimulat ang aking mata. Gusto ko ng sumuko dahil a sobrang pagod. Rinig ko ang maiingay na iyak ng aking mga anak. Ang iyak nilang masarap sa pandinig. Sulit na sulit ang pagod ko. Walang-wala ang paghihirap ko sa pagdadala sa kanila sa sobrang saya ko ngayong naririnig ko sila.

Everything is worth it. Ang pagtigil ko sa pag-aaral. Ang disappointment ng magulang ko. Ang maaga kong pagpapakasal. Everything that Zack and I have done for our babies is worth it.

"Doktora, humihina po ang pulse ni mommy." rinig kong sabi ng nurse.

"Ang baba na din ng BP niya!" sabi naman ng isa.

Binuksan ni Doktora ang mata ko. Kita ko ang nag-aalaa niyang mukha. Hindi ako makakilos. Marami pa din akong naririg pero nangingibabaw sa lahat ng naririnig ko ang iyak ng kambal.

"Doc, kailangan ng ilagay sa incubators ang baby. Premature pa sila." sabi ng isang boses.

"Tawagin niyo si Dra. Abarintos! 50/50 si Mommy." boses ni Doctora.

"We need to stop her bleeding."

"Hindi po tumigil ang pagdudugo."

"Call for blood transfer, dali!"

"Mrs. Pascual, naririnig mo ba ako? Lumaban ka, ok? Kailangan ka pa ng mga baby mo." sabi ni Dra. Vazquez.

"Doktora, sobrang baba na ng blood pressure niya. Sumusuko na ang katawan niya!"

"Dra. Abarintos! Ano ng gagawin natin?" boses ni doktora.

"Misis, kailangan mong lumaban. May mga anak ka na, kailangan mong magiging matatag. Gagawin ko ang kailangan kong gawin pero maging matapang ka." sabi ng hindi pamilyar na boses.

"Let's do this together, Misis." sabi ng doktora na hindi ko kilala.

Young and MarriedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon