Chapter VII

1.2K 31 16
                                    

Chapter VII


Nasa silid kami ng OB na si Dra. Vazquez. Si Dad, Mom, Mama, Papa ni Zack at si Zack ay kasama ko lahat sa loob. The air-conditioned room is made me shiver a bit.


This is the moment of truth. I will fly like a free bird after this. Finally, magiging malinaw na ang misunderstanding na naging sanhi ng maaga namin pagpapakasal. Ipinahid ni Doktora ang isang malamig na likido sa aking tiyan, sa may puson.


"Now, we'll confirm if you're pregnant or not." nalumanay na sabi ng doktor. Inilagay ni doctora ang tila tube sa tiyan ko at iginiya sa kung saang parte ng aking puson. Kumunot ang noo ng doktora.


I looked at my parents who are keenly looking at the monitor beside me. Nakaakbay si Dad kay Mom. Magkatabi naman ang parents ni Zack. Ang Mama nito ay tila nagdadasal habang magkahawak ang parehong kamay sa tapat ng kanyang dibdib. Zack is on the other side of the bed, carefully watching everything.


"This is surprising."


"Bakit po, Doc?" tanong ko. Tiningnan ko ang monitor sa gilid ko ngunit wala naman akong nakitang kahit anong kakaiba doon. Nagkatinginan kami ni Zack. Kumunot ang noo niya habang pinapanuod ang monitor. It's like he is trying to figure out something.


"Well, the babies look fine. They look healthy. Isang buwan palang ang mga baby. When you came here and took the pregnancy test, I thought you are already a month pregnant. That's strange. But here it is, your babies are very fine!" sagot nito habang nakatingin sa monitor ang doktora.


Nanlaki ang mata ko. I am pregnant?! Anong ibig sabihin nun? One-month old? Ibig sabihin may nangyari sa amin nang gabing iyon? Kaya ba halos hindi ako makalakad nung umaga? I thought... it was because I tripped or something. I don't remember anything from that night. This can't be true!


"Are you sure?" paninigurado ko. Bumilis ang tibok ng aking puso. Kaagad na dumagsa ang pagtutol sa aking isipan. No! I can't be pregnant.


"Mga baby?" tanong naman ni Dad.


"Yes. Well, they're technically twins." sagot sa amin ng doctor ngumiti ito sa amin. "Since nasa first trimester ka pa lang ng pregnancy mo, you should be very careful. This is a critical point of your pregnancy."


Tumingin ako kay Zack. Tumayo ako at sinugod ito. I feel so angry. Siguro ay sinamantala niya ang aking kahinaan noong gabing iyon.


"Walanghiya ka! Anong ginawa mo sa akin ng gabing 'yun, ha?!" pinaghahampas ko ito. "Pinagsamantalahan mo ako!"


"I didn't." umiilag nitong sabi. "I thought it was just a dream. I was not myself that night. I was dizzy and I really feel weird. Nagising ako, wala ka naman sa tabi ko. Nasa ulunan ka pala. I was not sure! Kaya nga ayaw kong mahiwalay sayo. Pananagutan kita. Ouch!" sinuntok ko ito sa tiyan.


Anong hindi siya sigurado?


"Siraulo! Gago! Maniac! Rapist!" sigaw ko dito. Galit na galit ako. Pilit akong inilalayo nina Dad kay Zack. Sinuntok ko ito sa mukha.


"Ikaw 'tong bigla na lang nanghalik nung gabi!" he said while he is trying to block my attacks.


"Paige!" sigaw ni Dad.


Tumigil ako at umupo sa sahig at umiyak. Wala ang mga pangarap ko. Wala na.


Si Dad. Lagi siyang umuuwi ng gabing gabi para maitaguyod kami. Si Mama na laging puyat dahil sa pag-e-extra extra para makatulong kay Dad. Yung mga batang kapatid ko na 20 pesos lang ang baon, at nagtitiis na maglakad mula school hanggang bahay para magtanghalian. Si Kuya Mark na tumigil sa pag-aaral para mapag-aral kami ni Kuya Diego. Yung mga scholarships ko na pinagpuyatan ko. Yung mga grades na pinaghirapan ko.Wala na lahat. Pati ang mga pangarap namin ni Dad, Yung mga pangako ko, mapapako na lang lahat.


Sinayang ko lahat ng pinaghirapan nina Mom at Dad. Yung mga sakit nilang tinitiis nila, yung mga iniinda nilang hindi nila maipagamot. Yung mga gamot na hindi nila binibili, sa halip ibibigay sa amin para sa aming pag-aaral namin. Napunta lang sa wala.


"Please, Mrs. Pascual. Calm down. Masama 'yan sa mga bata." alo sa akin ni doktora.


"Ayoko! Ayokong mabuntis. Ayoko." umiiyak kong sabi.


"Paige." Tawag sa akin ni Dad. Niyakap ko ito si Dad habang humahagulhol sa pag-iyak. I feel ashamed of myself. I could I do this to my family.


"I'm sorry. I failed you. I-Im sorry, Dad." iyak ko dito.


Hindi na nga nagla-lunch si Dad para maipandagdag sa baon namin. Nagtitiis siya ng gutom tapos ito pa ang ibabawi ko. Ang kawawa kong Dad.


"Paige." naiiyak na sabi ni Mom habang hinahaplos ang likod ko.


"Shh... Tahan na." bulong sa akin ni Dad. Lalo akong naiyak sa sinabi nito.


"Sorry. S-sorry." Halos hindi na ako makaimik sa pag-iyak. Humigpit ang yakap nito sa akin.


"Okay lang, anak. Okay lang." I hugged him even tighter. I'm so sorry, Dad. I am very sorry.

Young and MarriedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon