Chapter XI

1.2K 32 10
                                    

Chapter XI


Tahimik na natapos ang aming hapunan. Tumulong ako sa paglilinis ng hapag, tutulong din sana ako sa paghuhugas ng pinggan ngunit pinigilan nila ako. May kasambahay naman kasi sila.


Hanggang ngayon ay hindi ko pa din makita ang cellphone ko. Wala akong paraan para macontact si Mom at Dad. Hindi naman naging madamot si Zack dahil siya mismo ang tumatawag sa pamilya ko para makausap ko sila.


Abala ang mga magulang ni Zack sa kaso. Sa bahay kasing ito naganap lahat ng foreplay bago ang mismong krimen. Noong isang araw ay kinunan ng statement ako at si Zack. Mas maayos na ang lagay ni Leah ngayon kumpara kay Alyssa na hindi pa nagigising hanggang ngayon.


"Zack." tawag ko dito habang nagtutuyo ng buhok. Nanunuod ito ng baseball game sa sofa sa aming silid. Kakatapos ko lamang maligo. Sanay akong naliligo bago matulog. Iyon nga lang, ngayon ay may maligamgam na tubig na halo. Makakasama kasi sa mga baby kung maliligo ako gamit ang normal na lamig ng tubig.


"You need something?" kaagad na ibinaling nito sa akin ang buong atensyon.


Nag-iwas ako ng tingin dahil sa mata nito. His eyes looks very intimidating. It looks very familiar too. Ilang araw ko ng pinag-iisipan kung saan ko ng pinag-iisipan kung saan ko nakita ang mga matang iyon.


"Uhm. I'm going to visit someone tomorrow."


Tumayo ako, upang humarap sa salamin sa aming kwarto at upang maiwasan din ang titig niya. Isang bagay na naobserbahan ko kay Zack ay tumitingin siya sa mata ng kausap niya. Ramdam ko ang pagsunod ng tingin nito sa akin.


"Anong oras? Ihahatid kita."


"Hindi na. Mga alas-nuebe pa iyon." sagot ko.


I can always commute. Mas sanay ako nang ganoon. Ngunit hindi naman pwede dahil may kasamahan pa sina Mike na hindi pa nahuhuli. Isa pa, alas-siete siya umaalis ng bahay dahil alas-otso ang simula ng kanyang trabaho.



"I insist. I can let you go alone." pirmi ang boses nito. Mukhang kahit anong gawin ko ay hindi ito papayag na pumunta ako mag-isa.


"Okay lang. Kasama ko si Anthony at Leah."


Which is true. Siguro ay magpapasundo na lamang ako sa mga ito. Ayoko mang mang-abala ng tao ay ayokong i-risk ang buhay ko o ng mga anak ko. Mas maayos na si Anthony ngayon. Binugbog siya nina Mike bago nila isagawa ang kanilang krimen. \


Kumunot ang noo nito at medyo nagulat sa aking sinabi.


"Anthony? Are you related to him?"


Tumingin ako dito, nakatingin pa din ito sa akin. Tumango ako dito habang sinusuklay na aking buhok.


"We're friends." maikli kong sagot.


Young and MarriedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon