Chapter Thirty Six | Concession
Jin Revamonte's Point of View"Okay!" Sigaw ni Theo sa aming apat.
Nagagalit siyang umako ng kaniyang mga kasalanan. "Pakana ko lahat-lahat!" Dagdag pa nito. Hindi ko alam pero parang sasabog na si Lolo sa galit kay Theo. "You should be ashamed of yourself Theodore!" Sigaw ni Lolo kay Theo. "Hindi ang apelyido natin ang nakakahiya, ikaw ang nakakahiya.!" I tried calming Lolo pero walang epek kasi sabog na sabog na ang mukha nito sa galit. Feeling ko kasi tumaas ang blood pressure niya at pumunta na sa mukha niya. Parang takure siya.
Tumingin ako kay Damn. He's in a confused state. Don't worry Damn. We'll get there.
"Bakit mo naman naisipang sirain ang relasyon nilang dalawa ha?!" Tinignan ko si Tito Leandro. Tahimik lang ito habang pina-pakalma si Lolo, pero ang mga mata niya? Nakatitig kay Theo. "Hindi mo ba alam na pinaghirapan ko ang lahat-lahat para lang magkakilala ulit sila." Tahimik lang akong nakikinig sa kanila, kahit na nasa gilid lang ako ni Lolo.
Nakita ko namang nainis si Theo. "All this time Lolo, ako lang ba palagi ang pagbubuntungan niyo ng mga kasalanan?!" Parang bibiyak ang mga mata ni Theo. "Hindi niyo po ba man lang nakita ang mga nagawa ko para sa inyong dalawa?"
Tumingin si Theo kay Tito. "Para sa'yo Dad? I made sure to always be on top, na maging Dean's lister para sa iyo." Sabi nito. "Kasi gusto kong kahit isa man lang, mabigyan mo ako ng atensyon. Hindi lang para kay Jin! K-kahit na alam kong ampon lang ako, na kahit alam ko na hindi mo ako tunay na anak!"
"Theo." sabi ni Tito kay Theo. "Palagi ko namang na-appreciate lahat-lahat ng mga nagawa mo eh." Sagot niya kay Theo.
"Bakit 'di niyo man lang pinapakita!" He yelled.
"Watch your tone young man. Pina-paaral ka ng Daddy mo, binibigyan ng pera panggastos sa mga gusto mo. Kasi alam niyang in that way, makita mo man lang nandiyan siya palagi sayo. Hindi pa ba sapat 'yan para sayo?" Tanong naman ni Lolo kay Theo with intersecting brows. Ako? Nakinig kang sa kanila habang patuloy na hinihimas ang likod ni Lolo para kumalma.
"Hindi 'yon sapat Lolo!" Sabi nito. "All this time, kay Jin kayo palaging nakatutok eh." Inirapan ako ni Theo.
Sige lang Theo.
"Hindi 'to mangyayari Theo kung hindi mo nasunog ang bahay nila, kasi kasalanan mo namang nawalan siya ng mga magulang." Sagot ni Tito kay Theo ng mahinahon. "Please son, umuwi ka na kay Lolo mo."
"Geez Dad. Shut up." Nakita kong sinampal ni Lolo si Theo. Nabigla ako sa ginawa ni Lolo, napatingin naman si Theo sa ilalim ng sahig habang hawak-hawak nito ang kaniyang namumulang pisnge.
"Lolo." Sasampalin pa sana ni Lolo si Theo pero pinigilan ko ito. "Please." Sabi ko sa kaniya. Tumayo si Lolo at si Tito naman ay inalalayan siya palabas ng apartment.
"Mauna na kami muna Jin." Sabi ni Tito sa akin. "Magpapahangin lang si Dad." Dagdag pa nito.
"Sige ho."
Nang maka-alis na silang dalawa tinahan ko si Theo, hindi naman siya umiyak pero pinat ko lang naman ang likod nito para kumalma.
"Palibhasa, paborito ka ng Lolo." Sabi nito sa akin. "Alam mo na lahat? Ano na ngayon ang gagawin mo sakin? Papakulong mo ako Jin? Ipapakulong mo ang pinsan mo?"
Ngumiti ako dito, "Kahit 'di kita kadugo, kahit alam ko na ampon ka lang pinsan pa rin kita. Hindi ko kayang makita ang taong naging parte narin naman ng buhay ko sa isang selda. Ano ka ba. At isa pa, past is past Theo. Wala na 'yon, ang importante ngayon ay ang present. 'Wag na nating pag-usapan 'yon. Tanggap ko lahat ng kamaliang nagawa mo. Alam kong bata ka pa nun kaya wala akong karapatang magalit." Nakita kong inirapan niya ako, pero parang magaan na ang mukha nito.
"Theo, ganyan ka nalang ba palagi?" Sabi ko sa kaniya. Tumingin si Theo sa akin. "Hindi mo rin lang ba alam ang kalagayan ni Lolo?" Tanong ko dito. "Kahit si Lolo man lang oh, isipin mo din naman siya." Dagdag ko pa.
"Lolo always care about you. Kaya ka palaging pinapagalitan, kasi mahal ka niya. Narinig kong gusto niya ipamana sa'yo ang kaniyang ibang ari-arian. Sapagkat nakikita niyang matalino kang klaseng tao, kahit na hindi moman ito nakikita. Palagi ka nitong iniisip. Ito ang sinabi niya sa akin. Sana naman Theo, maintindihan mo." Mahaba kong litanya sa kaniya.
Hindi ko alam pero niyakap niya ako. "Im sorry Jin. Kun'di dahil sa akin. Nawala sina Tito at Tita."
"Okay lang 'yon." Sabi ko sa kaniya. "Past is past Theo. Nangyari na 'yon, at isa pa, bata pa tayo nun." Dagdag ko pa dito habang hinihimas-himas ang likod niya. Nakita kong tumayo si Damn atsaka nagligpit ng mga kalat sa kwarto sinunod ko ito ng tingin, linigpit niya lahat lahat ng mga kalat sa mesa at mga damit niya sa sahig. Hindi ko alam pero, ang tahimik ni Damn.
"Theo. Humingi ka na ng patawad kay Lolo at Tito." Utos ko sa kay Theo. "Alam ko namang maiintindihan ka nila eh." Sinunod naman ni Theo ang utos ko.
At nang wala na si Theo ay lumapit ako kay Damn na nagliligpit ng mga kalat. "Damn."
Nakita ko siyang tumingin sa akin, he looks troubled.
© 051016

BINABASA MO ANG
DAMN (boyxboy)(bromance)(bxb) (COMPLETED) AVAILABLE ON WEBTOON
Teen FictionCOMPLETED Available as Webtoon! Every nerd needs a bully. At para kay Jin Revamonte, si Axel Damn Saval 'yon. . . . . At sa una palang nilang pagkikita, saboy na kaagad ng kape sa mukha. Ano bang problema ni Damn at bakit niya binubully si Jin? Para...