Chapter 43 - Odd

1.1K 90 4
                                    

Chapter Forty Three | Odd
Jin Revamonte's Point of View


Pinayagan naman ako ni Lolo na sumunod kay Damn sa Manila. I'll be with him for a week hanggang sa masanay siya na wala ako. Jusko, ako dapat ang kailangang masanay kasi mawawalay siya sa tabi ko for 6 months!

7:45 pm ang flight namin papunta sa manila at by 4 in the afternoon nakapasok na kami sa loob ng airport.

"Is this your first time?" Tanong nito sa akin. "Going to manila?" He added.

I just nodded. "Hindi kasi ako pala-travel." Sagot ko naman rito. Hinawakan niya lang ang kamay ko at pinasandal ako sa kaniyang balikat.

...

We arrived in Manila after an hour. Pag-dating namin ay may sasakyang nagpara sa amin, "Dad bought me a car." Ani Damn sa akin, may tao namang bumaba sa kaniyang sasakyan.

"Si Blue?" Tanong ko rito na nagtataka.

Damn just nodded at me. "Blue wanted to help me since 'di naman ito mag-cocollege dahil he'll be pursuing something. Uh... holy." Ani Damn.

"Wait? What do you mean?"

"He's going to be a priest."

"That's a weird thing." Knowing that Blue once showcased a devious attitude noong nasa Cebu kami sa kanila.

"Well, long story."

Well I guess people change.

I noticed Blue became silent when he approached the both of us. As usual, he took all the baggage with him atsaka linagay ito sa likod ng sasakyan. I also noticed he's changed.

He's became silent and his hair turned to black.

Something's odd.

While going to Damn's condo. Naguusap lang si Damn at si Blue. They were talking about some random things, at kung ipu-pursue ba talaga ni Blue ang pagiging pari. Blue kept silent about it at 'di sumagot kay Damn nang itanong ito ng Damn.

He's already 19 but I guess he can make his own choice naman.

It took us an hour and a half para makarating sa SM DC. Jusko, napakalala ng traffic sa manila. Everything is crowded! People are spreading anywhere, tapos may mga bystanders sa tabi tabi at mga pagala-gala na mga bata na nanlilimos. Hays. This country is indeed suffering. You can see it obviously.

It took us a couple mor eminutes para makapark na si Blue ng sasakyan at tinulungan niya kami na dalhin ang mga dala namin sa taas. I noticed may swimming pool pala sa labas ng condo ni Damn. Kaingit!

When we got inside Damn's condo. It's very spacious at ang linis (syempre dahil wala pang may nakatira dito.) May dalawang kwarto, siguro diyan si Blue matutulog tapos sa kabila naman kami ni Damn. Meanwhile may malaking kusina na may dining table at may living room din ito. Isa nga lang banyo ang meron. Sana dinalawa. Char.

Pero jn fairness malaki ang banyo may bathtub pa nga. Well that should do.

Anyway, it was around 10 pm nang natapos na kami sa pagliligpit ng mga gamit naming dalawa. Blue went to sleep dahil he'll be working for something tomorrow. Kaya tinanong ko si Damn about the guy.

"Nakakapanibago." Panimula ko kay Damn habang naupo ako sa higaan naming dalawa.

Damn unbuttoned his shirt. "Ang ano?" Tanong nito sa akin habnag nakatalikod. Tiningnan ko lang itong naghubad ng damit niya sa harap ko.

"Blue is odd."

Napa-iling na lamang si Damn. "My cousin is suffering lately."

Nabigla naman ako sa sinabi nito sa akin.

Suffering?

Damn faced me at tiningnan ako. Inusisa ko lang ang masarap na katawan ng jowa ko. He's going to take a bath. So don't get us weong wala kaming gagawing dalawa.

"Ano'ng suffering?" Tanong ko sa kaniya na nakakunot noo.

"He lost someone."

Aw. S-hit. Kaya pala.

"And by someone, it was partly his fault." Ani Damn at umupo sa tabi ko. Napatingin naman ito sa kawalan. "Blue is a sheepish guy. There was this boy who fell in love with him, but Blue seem to be incognisant about it. That boy gave everything to Blue, did everything for him." Malungkot na sinabi ni Damn sa akin.

Parang ang bigat naman ng sitwasyon ni Blue. "Blue being torpe was confused about his feelings sa lalaki. Akala niya he can wait, he thought the boy can wait. But it was too late for Blue to tell him about his feelings."

"Tapos ano'ng nangyari?" Nag-aalala kong tanong sa kaniya.

"Turns out the boy had an internal haemorrhage, the boy was suffering already. It was because of the pain inflicted by Blue sa kaniya, making him always hopeless, plus the fact that the boy's only diversion was to do self-harm to himself." Nakatinginsi Damn sa kisame at tiningnan ko lang siya. Ang tahimik ng kwarto at ang dilim din dito tanging ang ilaw lang mula sa lampshade niya ang nagpapaliwanag sa kwarto.

Bigla naman akong naawa kay Blue. At mas lalo na sa batang 'yon. "Blue then blamed everything to himself since then. Akala mo lang talaga masaya si Blue pero deep inside malungkot siya."

"Kaya pala gusto niya maging priest?"

Damn nodded. "Blue wanted to be a priest, kasi in that way he could repent sa mga kasalanan niyang 'yon. He will never love anyone again as much as he loved Terrence."

"So ang name nung boy is Terrence?" Damn nodded again.

Ouch, ang sakit naman. Kawawa naman si Terrence, althoigh I hope he's resting in peace already. Kahit na wala man lang silang closure ni Blue.

Damn stood up and then went outside para maligo na. Nagpa-iwan muna ako sa kwarto dahil nauna naman akong naligo sa kaniya.

I decided to sleep muna pero may bigla akong narinig sa kabilang kwarto. Parang may umiiyak.

© 061020

AN:
If you want to read Blue's story you guys should check out BLUE (already completed na siya) 😊 if you want to know him and how he became like that more
Also, Vote and Comment please 🥺

DAMN (boyxboy)(bromance)(bxb) (COMPLETED) AVAILABLE ON WEBTOONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon