Chapter 07 - Confession

5.5K 252 7
                                    

Chapter Seven | Confession
Jin's Revamonte's Point of View


It's already been days ever since that happened, the temptation me and Damn made. I can't forgive myself for doing such sin, Sinira ko ang binigay na trust ni Theo sa akin. I know Theo and I never had sex before – we never even kissed before o gumawa ng mga makabuluhang bagay and now that Damn gave me a glimpse of what it feels like, I couldn't get enough of it. Parang may iba sa kaniya noon sa kama, komportableng-komportable ako kapag nandiyan siya. Even though umiyak ako, it is because I know I committed a sin. Hinayaan kong lukubin ako ng koryosidad kong magpalukob kay Damn sa kama. Ang sarap niya kaya hanggang ngayon, nararamdaman ko parin ang katawan niya sa akin.

"Goodnight." Nakinig lang ako sa sinabi niya, hinalikan niya ako sa labi ko.

"Please, forget that this ever happened." Sabi niya sa akin habang natutulog ako nang gabing 'yon the moment he let go of his lips.

Napahawak ako sa labi ko, God. I wanted to kill myself. For doing such unforgivable sin. But why do I think of Damn? Bakit ko palaging naiisip si Damn? Sometimes, I touch myself thinking about him.

Shit.

Fck. Bakit ang Cliché-cliche na ng kwento kong 'to? Kung pwede ko lang sana ibalik 'yong araw na wala akong ginawa kung hindi ang magbasa lang at mapag-isa, at kung hindi ko lang nakalaban si Andrea na 'yon hindi hahantong ang lahat na 'to sa ganito. Bakit ang tanga-tanga kong tao? Makasalanan ako, hinding hindi ko mapapatawad ang sarili ko.

"Hi." Narinig kong bati sa akin ni Theo as soon as he went inside the coffeeshop, tumingin ako sa kaniya. "Kamusta na si Jin?" Tanong nito sa akin, whenever I'm with this guy. Casual talk lang palagi ang ginagawa namin, 'yong para bang hindi kami. Wala nga kaming endearment na dalawa eh. Parang magkaibigan lang kaming dalawa. Walang namamagitan, kapag nasa public kami. Pero kapag kaming dalawa lang mag-isa, Theo always do his best for me to appreciate everything he does.

But I never did appreciate anything. Even though i'm contented having him by my side, (but it seemed like I lost track and broke the word contentment). I promised myself never to lose his trust but what did I do? Gusto kong saktan ang sarili ko. I'm pretty sure na makikita na naman ni Theo ang nagawa ko sa sarili ko at saka siya na naman ang mapupuruhan.

"What happened?" Tanong niya sa akin the moment na nakita niyang may pasa ako sa kaliwang braso ko, namumula parin ang mukha ko.

It's a hobby already, na sinasaktan ko ang sarili ko. May sampal, binabangga ko din ang ulo ko sa pader at iiyak na parang ewan. Sabi nga ni Theo sa akin, hindi na daw 'to normal. More like it's already an acquired abnormality.

Hinawakan niya ako sa leeg, tapos ako naman umiwas ng tingin sa kaniya. I don't want anyone to pity me, but it seems that everything I do makes everyone pity me.

"Jin! Sabihin mo nga sa akin?" Tanong nito the moment he observed my face, since maputi talaga ako visible ang sore na part ng mukha ko. Patuloy lang ako sa pag-iwas ng tingin sa kaniya.

Nga pala, andito kami ngayon sa tambayan namin ni Theo every week-ends. Sa 'The Spot' isang coffeeshop na paborito naming tambayan, nag-order ako ng Caramel Macchiato, kakadating nga lang eh. Si Theo ang nagyaya sa akin na pumunta dito. Kasi gusto daw niyang makipagusap.

"Jin!" Mahina niyang niyugyog ako. Nakita kong gumigilid na ang mga luha niya sa kaniyang mga mata. Ganito si Theo, crybaby pero alam ko din namang tinatago niya lang ang mga nararamdaman niya ngayon.

"Jin, please tell. May pagkukulang parin ba ako?" Tuluyan nang lumabas ang mga luha niya.

Ganun din ako. Bakit? Bakit ko nasasaktan ang lalaking walang ginawa kung hindi ang mahalin ako? Kung sa tutuusin lang naman eh, ang swerte-swerte ko dahil may isang lalaking nagmamahal sa akin. Na binibigay lahat para maging masaya ako, in the end, ako lang naman pala ang selfish dito.

"I'm sorry Theo. I'm sorry." Nagkaroon na ako ng lakas ng loob para humingi ng patawad sa kaniya, natahimik si Theo sa sinabi ko.

"Ang ano Jin? Sabihin mo, nandito lang ako para sayo. Tatandaan mo, may nagmamahal pa sayo. 'Di porket wala na ang pamilya mo ay wala ka na ring masasandigan. Andito lang ako please kung ano man 'yang problema mo, sabihin mo sa akin. Handa akong makinig."

Mainstream right? May tao pang nagmamahal sa akin dahil wala na akong pamilya. Wala na rin akong pamilya sapagkat namatay sila sa sunog. Ang cliché ng kwentong ito. Maybe that's the reason why I am not fond of reading cliché stories, kasi it happened to me.

"I'm sorry." Sabi ko sa kaniya. Hinagkan niya ako, "Sinira ko ang trust mo sa akin Theo, I had sex with Damn."

Akala ko makakaginhawa na ako nang sabihin ko ito sa kaniya pero parang mas bumigat pa ang puso ko, sapagkat umiyak na siya ng todo sa harap ko.

Ba't ako nagpapaiyak ng tao? Bakit ang sama-sama ko? Bakit? Bakit kahit na wala naman akong nasasaktan physically, meron namang mentally?


© 042616

DAMN (boyxboy)(bromance)(bxb) (COMPLETED) AVAILABLE ON WEBTOONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon