Chapter 32 - Who You Are

1.7K 110 14
                                    

Chapter Thirty Two | Who You Are
Jin Revamonte's Point of View


Dinala ako ni Lolo sa loob ng kaniyang study room. Puro mga libro ang nakapalibot sa loob ng study room niya, iba't ibang klase ang mga nakalagay at na-organised na sa mga shelves nito. Siguro sa kaniya ako nagmana ng pagiging bibliophilic. You know? 'Yong tipo ng tao na mahilig magpahalaga sa mga libro at mahilig mangolekta. Maliit nga lang ang mga nakolekta ko palang na mga libro ikumpara mo sa kaniya.

"Jin-iho, upo ka." Utos sa akin ni Lolo. Umupo siya sa isang couch na pinapagitnaan ng isang coffee table. Umupo naman ako sa isang couch na opposite naman ng inuupuan niya. May dumating naman na isang maid na may dalang tray na may nakalagay na mga cups. Pinatong niya ito sa coffee table atsaka nagtimpla at binigay sa amin ni Lolo.

Mediyo inaantok pa ako na kinuha ang kape, kasi nga matutulog na sana ako nang pinatawag niya ako sa loob ng kaniyang study room. Take note; naka pajamas pa ako ha?

Ininom ko ang kape, sheemay. Mas masarap pa sa timpla ng Starbucks at Coffeebreak. Maygod. Parang gusto ko pang magpatinpla ulit ah? Nawala naman kaagad ang antok ko. Tumingin si Lolo sa akin.

"How do I start this." panimula ni Lolo sa akin. Nilagay nito ang kape niya sa saucer ng kaniyang cup. I observed him as he let down his saucer atsaka pinatong ito sa coffee table. Ang sosyal naman ni Lolo.

I listened to him as he position himself in a comfortable way. Naka-pani-quatro pa nga siya eh. He was wearing those bathrobe rich people wear and inside it, may pajama din siya hahahha. He looks like he's going to go to sleep any minute.

"Ang ano po 'yon?" Kanina pa akong kating-kati na tanungin siya kung bakit niya ako pinatawag?

"I want to tell you all the truth." I raised my brow at my Grandfather so that he'll continue.

"Before you go to sleep, I want to be honest with you Jin." He started. Huminga ito ng malalim atsaka tumingin sa akin ng diretso. "But before I start. I want to say sorry. Please, 'wag kang magalit kung ano man ang aaminin ko ngayon iho ha?" Panigurado ni Lolo.

I slightly nod. "Okay lang po." Sagot ko naman dito. Maybe ngayon na ang panahon para malaman ko ang katotohanan mula sa kaniya! This is it.

Kinakabahang kinuha nito ang kaniyang kape at ininom ulit. "Good."

"I want to tell you the truth about who you really are." He started, he placed his cup of coffee in the coffee table and looked at me again. Ako naman, nakatingin lang sa kaniya. Hindi alam kung ano ba ang sasabihin niya sa akin. No clue at all. Wala akong alam kung ano ba talaga ang aaminin ni Lolo sa akin and I'm curious.

As curious as a flee.

There was a minute of silence, maybe Lolo is waiting for me to react. But I didn't.

He let out a sigh. "I guess you really don't remember eh?" Tanong nito sa akin. "Jin, when the fire happened you lost your Mom and Dad right?" Asked Lolo. I nodded. "And at that day, you lost some memories." He added.

"Ano po?" Hindi ko maintindihan ang sinabi ni Lolo. Memories? I only remember waking up in a hospital bed.

"You had amnesia."

"Wow ha. Ang cliché naman ata Lolo. Nagsusulat ka ba sa Wattpad? Are you a writer?" Tanong ko dito ulit. Speaking of Wattpad, hindi na ata ako active dun. Don't worry babalik din naman ako.

Lolo gave me a confused face. Making me feel uncomfortable kasi parang binibiro ko siya. "Dejoke." I cracked up, and laughed pero di siya tumawa.

Awkward.

"Anyways, at that time. I was on a business meeting. Papunta narin sana ako doon sa bahay niyo, that was my first time meeting your Mom and my first time seeing my second grandson. But then, nagkaroon ng aberya ang sasakyan namin nun. That's why hindi ako nagkaroon ng pagkakataong mabisita ka and that was the only time I planned to visit you and your family." Sabi nito sa akin.

I took note of something he just mentioned, second grandson?

"Second Grandson?"

"Oh, yes. May cousin ka, si Theodore Revamonte. Your Tito Leandro's son. You two were born at the same year, pero mas nauna lang siya sayo ng ilang buwan."

"Saan po siya?" Hindi ko pala alam na may cousin ako.

"Oh, I don't know ask your Tito." He said coldly. "That boy was the reason you lost your Mom and Dad!" He yelled. Trying to calm himself, hinilot nito ang kaniyang ulo.

"Bakit naman po?" Tanong ko dito.

"He played with fire!" he answered.

So, si Theodore pala na 'yan ang may kasalanan kung bakit nawalan ako ng pamilya. "But anyways Jin, kaya malaki ang utang na loob ng Tito Leandro mo sa'yo kasi ang anak niya ang may kasalanan ng sunog na 'yon. That's why as possible as it can, he tried to keep his identity hidden. Kasi baka maalala mong ang anak niya ang may pakana ng sunog. But God, up until now, Hindi ka parin nakaka-alala?" Lolo's face looked ridiculous when his brows intersect.

"Hindi po eh." Sagot ko naman sa kaniya. Again, he sighed and sipped his cup of coffee. "At, saan po is Theodore?" Tanong ko ulit.

"Theodore? He's always been with you." He answered which made me left flustered.

With me?

Si Andrea? Kasi kung si Andrea papatayin ko talaga eh. Ay, malabo, hindi naman siya palaging nasa paligid eh. At isa pa, nag-change school ang bruha eh. Wala akong mga kaibigan no. Kaya wala akong alam kung sino man ang palaging kasama ko.

Wait, si Damn?

Tumingin ako kay Lolo. "Si Damn po?"

"No!" He answered.

"Eh, sino naman?" Nagtataka kong tanong.

"Theeee-yyyooooo." Lolo prolonged the word Theo which means God.

Wait, THEO.

Theo Santos?!

© 051016

DAMN (boyxboy)(bromance)(bxb) (COMPLETED) AVAILABLE ON WEBTOONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon