Pakanta-kanta pa si Ronchie habang naglalakad papuntang eskuwelahang pinagtuturuan.
I wanna know what love is
I want you to show me
I wanna f----
Nabitin ang pagkanta niya ng biglang umambon. Napairap siya sa hangin.
Lord naman pinutol mo naman agad ang pagfe-feeling singer ko.
Mabuti nalang at malapit na siya. Nailapag niya kanina ang payong sa mesa dahil sa pagmamadali nakalimutan niyang kunin.
Napatakbo siya sa waiting shed sa harap ng school ng biglang lumakas. Tinignan niya ang relong pambisig 7:30 am palang naman. Makikipayong nalang siya kapag may nakita siyang estudyanteng may payong na dumaan.
"Psssttsssst!" Sitsit niya sa isang babaeng estudyanteng dumaan. Agad naman itong lumingon kaya sinenyasan niya itong lumapit.
"Ne, pwede makipayong?"
"Opo, ma'am."
Sumukob siya dito. "Ako nalang maghahawak."
Ibinigay naman nito ang payong sa kanya. Nagpasalamat siya sa estudyante ng makarating sila sa hallway.
Nagtataka siya ng madatnan niya ang mga kapwa niya guro na nagkukumpulan sa may di kalayuan. Naghahagikgikan pa ang mga ito.
Kunot noo siyang lumapit kinalabit niya ang kaibigang si Ronalyn "Anong mayroon?"
"Ang gwapo ng bago nating guard." Impit na tiling saad nito.
Napangiwi siya, "weh? Seryoso?" Pagdating kasi sa taste medyo tagilid ang kaibigan. "Baka kamukha ni Anton?" tukoy niya sa isa sa tambay sa kanto na crush nito.
Umirap ito "Hayan na!" tili nito.
Halos mapanganga siya ng makita ang bagong guard na tinutukoy nito. Hindi man kababakasan ng ngiti ang mga labi ngunit hindi mo maikakailang napaka-guwapo nga nito.
Wait, bakit pamilyar ang mukha nito?
Kinalkal niya sa utak kung saan niya nakita ang lalake?
Saan nga ba?
Napataas ang kilay niya ng maalalang ito ang costumer nilang walang good manners. Guard pala ito? Bakit may pa keep-keep the change pa ito. Nalalaman?
Maibalik nga ang sukli nito mamaya. Kawawa naman.
Pero bakit nakatira ito sa malaking bahay sa harap ng carinderia nila? Malamang nakikitira lang ito. Napatingin ulit siya sa relo. Halos tumili siya ng makitang maga-alas otso na.
"Woy, Ma'am Ronalyn, wala ka bang balak pumasok sa room mo?" Untag niya sa kaibigang halos maglaway na sa pagtingin sa lalake.
Ni hindi siya nito tinapunan ng tingin "Sige na mauna ka na." Parang nangangarap pang tumingin sa lalake.
"Hala, nabaliw na ang lukaret." Napailing na lamang siya at dumako ang mga mata sa lalakeng walang good manners.
Agad siyang napayuko ng masalubong niya ang titig nito.
His eyes seem so dark and deep, nakakalunod.
Pakiramdam tuloy ay mayroong kumislot sa loob ng puso niya.
Patay kang Ronchie ka, naalala kaya siya nito?
Napabuga siya ng hangin at muling nag-angat ng mukha. Binigyan niya ito ng nakakamatay na irap.
Tumuwid siya ng tayo at naglakad papunta sa room niya.
Anong akala nito pati siya ay mahuhumaling dito?
BINABASA MO ANG
Quen Hades: The Mysterious Lover
General FictionHe grew up finding the person Behind his parents death. There is only one thing in his mind, REVENGE. And nobody can stop him.