Jenna and Ap

21.2K 555 21
                                    

"Jenna did you already cut our tracker?" tanong ni Ap sa pinsan na abala sa pagkalikot nito ng cellphone sa kanyang tabi. Siya ang nakatokang magdrive sa nirentahan nilang sasakyan. Kailangan nilang maging maingat, knowing their cousin Quen malakas ang radar nito. "Make sure they won't trace us" tukoy din niya sa mga asawa nila. Natuto na ang mga ito pero syempre mas magaling parin sila ni Jenna. Hindi na sila nag aalala tuwing bibigyan ang mga ito ng misyon ng kanyang amang si Zion.

"Kanina pa" ngumisi si Jenna "gotchhha! na hacked ko ang tracker ng phone ni Kuya Quen, he's not in the vicinity" pumalakpak pa ito "matalino man daw at gwapo naiisahan din" natatawang saad ni Jenna.

Dahil kilala na si Jenna sa Paaralan ay si Ap ang bumaba. Nanatili si Jenna sa loob ng sasakyan upang magmasid.

"Magandang umaga ho" bati ni Ap sa gwardiya. Ayon kay Jenna aya nakasuot ang pinsan nila ng uniform ng guard. Ibig sabihin kilala nito ang pinsan.

"Ano hong maipaglilingkod ko Mam?" maaliwalas ang mukhang tanong ng gwardiya.

"Konting interview lang ho Sir, staff ho ako ni Mayor Venganzo. "Pinakita niya ang ginawa nila ni Jenna na pekeng ID. "May mga gusto lang ho kaming malaman tungkol sa mga bagay bagay"

"Pasok kayo Mam!" natatarantang wiika nito. "Ihahatid ko na po kayo sa Principal's office"

Mabilis na pinagana ni Ap ang isip "Ahhh Kasi Sir..." lumapit siya sa matandang guard at bumulong "Hindi ho kasi pwedeng malaman sa loob ang interview na ito. " May pinindot si Ap sa kanyang ballpen. It has microphone, mapapakingggan ni Jenna ang usapan nila.

Tumango tango ang gwardiya.

"Kumusta naman ho ang mga empleyado sa paaralang ito? Ang mga guro hindi ho ba nagkukulang sa mga estudyante?"

"Naku Mam! Mababait ang mga guro dito, sinasabi ko ho ito hindi dahil dito ako nagtratrabaho kundi dahil iyon ho ang totoo"

Ap nodded at kunwari nagsulat sa notebook na hawak "Eh ang seguridad po ng eskwelahan niyo kumusta? Ilan ho kayong gwardiya dito?"

"Dalawa ho kami Mam, salitan ho kami ng Duty ni Quen"

"Binggo!" rinig niyang bulalas ni Jenna.

"Matagal na ho ba kayo dito? Ang kasama niyo ho?"

"30 years na ho ako dito Mam, Ang kasama ko bago palang mga isang buwan ho"

"ahh" ngumiti si Ap sa matanda "Ang tagal na ho pala ibig sabihin maganda nga ang pamamalakad dito" pasakalye niya.

Proud itong ngumiti "Oho Mam, napagtapos ko na nga ho ang mga anak ko."

"Nakakabilib naman ho kayo Manong"

Nahihiyang napakamot ito sa ulo "Salamat ho Mam"

"Ap what are you doing? Andami mong pasakalye" naiinis na sabat ni Jenna sa kabilang linya.

"Gaya ho ng sabi niyo salitan kayo ng kasama niyo, mga ilang oras naman ho ang Duty niyo?"

"MWF ho ako siya ay TThS ho. Pero minsan depende ho sa usapan namin. Kagaya ngayon Mam dapat siya ang nakaduty pero nagpaalam siya kahapon at ngayon na hindi siya makakapasok. May importanteng pupuntahan daw ho kasi"

"Ganun ho ba.. Hindi po ba kayo napapagod? Kagaya ngayon diretso ang duty niyo. Imbes na may isang araw kayong pahinga"

Tumawa ito "Hindi naman Mam at malapit naman ho ang bahay ko. Ayun lang Mam papasok lang sa susunod na kanto" turo nito.

"Eh ang kasama niyo malapit din ang bahay dito?" kunwari wala lang na tanong niya. Pero ang totoo ito ang pinaka importanteng tanong na kanina pa nila gustong malaman ni Jenna.

"Oho Mam! Pwede naga din ho lakarin. Sa Malaking bahay lang po sa tapat ng Carinderia ni Aling Gloria"

Ting! Binggo! Nagtanong pa ng ilang walang kabuluhang tanong si Ap bago ito tuluyang nag paalam sa matanda.

"Kuya wala pa ho ba si Quen?" naantala ang hakbang ni Ap palayo ng marinig ang boses ng isang babae. Maging si Jenna biglang tumahimik sa sasakyan.

Isang babaeng morena at may maamong mukha ang nakita niya. Kung hindi siya nagkakamali isa itong guro base sa suot nito. Nalaglag ang balikat nito ng umiling ang matanda. Pilit ang ngiting sumungaw sa mga labing nagpaalam.

"Sino yun?" basag ni Jenna sa pananahimik niya.

"A woman"

"Tsk! I know!" inis na sagot ni Jenna.

Tinaas niya ang bisig at tinapat ang relo dito. She zoomed in and took a photo of her. Sinundan niya ito ng tingin. She's a woman too, malakas ang pakiramdam niya. There's something going on with this woman and their cousin. She grinned! It's becoming more and more exciting!

"So that's the house!" nguso ni Jenna kay Ap. Nakapark sila sa may di kalayuan.

"Yeah!"

"Are you ready to invade Kuya Quen's humble abode?" nakangising wika ni Jenna habang masusi nilang pinag aaralan ang paligid.

"Don't be too excited cousin. You know Kuya Quen. Kung may pakay man siya sa lugar na ito, I'm sure nagkalat ang mga hidden cam niya sa paligid" sansala ni Ap dito.

Mabilis nilang pinindot ang kanilang cellphone. Quen installed detector in their phones. Kaya nilang madetect at ma deactivate ang hidden camera, maging ang cctv gamit ito. Hindi nila alam na darating ang araw sa mismong pinsan nila gagamitin ito.

Sabay pa silang humahikgik. Alam ni Ap na iisa ang nasa isip nila ni Jenna.

And like what they have expected meron ngang mga camera sa paligid ng bahay. At ang isa ay nasa poste sa tapat mismo ng Carinderia. Hindi nila ito dineactivate dahil tiyak malalaman ito ng pinsan.

Nginuso ni Jenna ang Carinderia "nagugutom ako"

Ngumisi si Ap "Me too!" but they both knew in their minds that they are not hungry for food. They are both hungry for information. They knew that place would help them a lot. Confident silang lumabas na dalawa ni Jenna ng sasakyan. Good thing they knew where the cameras are located. Kaya alam nila kung saang spot at anggulo ang dapat iwasan.

***

"Rochelle mukhang hindi ko napapansin si Quen" ani Aling Gloria ng mapalingon sa malaking bahay sa tapat.

Umismid si Rochelle "Malay ko Nay!" Baka kung nalaman niyo kung ano ginawa niya sa bunso mo ewan ko lang. Bulong niya. Bumaling siya sa dalawang magandang babaeng customer. Ngayon lang niya nakita ang mga ito marahil may dinalaw lang ang mga ito sa lugar nila. "Mam baka may kailangan pa kayo?" tanong niya matapos ilapag ang pancit at softdrinks na order ng mga ito.

Ngumiti ang isa at lumabas ang maliit na biloy sa pisngi nito "Wala na... Salamat nalang"

Nanaghili siya sa ganda ng mga ito. Sana katulad ng mga ito gising sila ni Ronchie ng mamigay ang Diyos ng kagandahan. Kung andito ang kapatid tiyak pati ito ay maiingit sa mga babae.

"Ronchele Ikaw na ang bahala dito. Uuwi na ako" nawala ang atensyon niya sa dalawang babae at napunta sa Ina.

Tumango siya "Oho, ako na bahala dito!" bumalik ang atensyon niya sa mga babae ng umalis na ang Ina. Gusto niyang lapitan ang mga ito at tanungin kung anong gamit ng mga itong sabon. Ang kinis kasi ng kutis ng mga ito.

Inggit much!

***

Namiss niyo ba sina Ap at Jenna?

Waahhh!

Namiss ko sila Super!

Sa mga hindi pa po nakakabasa ng I'm His Bodyguard at The Hottie Mayor please give it a try!

hihi

Shy___



Quen Hades: The Mysterious LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon