Maghapong tuliro si Ronchie sa pagtuturo. Ni hindi na nga siya pumunta sa kaunting salo salo sa Faculty Room. Nagdahilan siya na masakit ang ulo. Pero ang totoo ay natatakot siyang makita ang babaeng kausap kanina ni Quen. Alam niyang nandoon ang babae. Malayo man ang kinaroroonan nito kanina ay hindi maipagkakaila ang taglay nitong kagandahan. Alam din niyang may kaya ang babae base sa tindig nito.
She felt so insecure and so small.
"Mam uuwi na po ba tayo?" napakislot siya ng biglang magsalita si Jhen sa kanyang tabi.
"Uhmmmm Jhen pwede bang mauna ka na? May dadaanan pa kasi ako. Pakisabi nalang kay Nanay ha?"
Tumango ang bata "Okay po Mam"
Naiwan siyang nakatitig sa kanyang mesa. Lumabas siya kanina para tignan si Quen sa pwesto nito ngunit wala doon ang binata. Nang tanungin niya si Mang Mario ay nagpaalam daw ito ngayong araw at sinabing may importanteng pupuntahan.
Alam naman nito ang classroom niya ngunit hindi siya pinuntahan ng binata para magpaalam. Ni hindi nga siya nito tinawagan. At ni hindi nga niya ito makontak mula pa kanina. Puro si Marian Rivera ang sumasagot sa kanya.
Hi si Marian Rivera po ito..
Sorry busy ang tinatawagan mo...
Hindi naman si Marian ang kailangan niya si Quen!
Kasama kaya nito ang babae kanina?
Biglang sumalakay ang hindi maipaliwanag na kirot ang kanyang puso. Pakiramdam niya paulit ulit siyang sinasaksak ng maliliit na patalim sa kanyang puso.
Bago siya tuluyang lamunin ng kirot ang kanyang buong pagkatao. Pinahid niya ang luhang sunod sunod na pumatak sa kanyang pisngi. Napagpasyahan niyang puntahan ang binata sa bahay nito. Inayos muna niya ang sarili bago tuluyang lumabas.
Dahil Ber months na malamig at maagang kumakalat ang dilim sa paligid. Sarado na ang kanilang carinderia. Malamang nasa bahay na din ang kanyang ate.
Napudpod na ata ang daliri niya sa kapipindot sa doorbell nito ngunit wala paring lumalabas. Mukhang wala ang binata saan kaya ito nagpunta?
Nanghihina siyang napasandal sa gate nito. Nag antay pa siya ng ilang minuto ngunit walang nagbukas. Laglag ang balikat na naglakad siya pauwi sa kanilang bahay.
***
"So you're telling me that Kuya Quen has his personal reason kaya siya nandoon?"
"Tumpak!" napapitik sa hangin na sang ayon ni Jenna.
Napataas ng kilay si Ap habang nakalagay ang hintuturo sa sentido "anong reason?"
"Yan ang aalamin natin cousin" Jenna smirked at tumingin ng makahulugan kay Ap "Are you in?"
Ngumisi ng tila nakakaloko si Ap at tinaas baba ang kilay "Tinatanong pa ba yan?"
They both grinned!
***
"Oh babaita anyare sayo? Para kang pinagsakluban ng langit at lupa" kunot noong pansin ni Rochelle sa kapatid. Kasalukuyan siyang nasa sala at kinukwenta ang kinita nila ngayong araw na ito sa kanilang Carinderia. Mugto ang mga mata nito at tila wala sa sarili.Parang wala itong nakita o narinig tuloy tuloy itong umakyat sa hagdan.
Anyare sa babaeng yun? Kahit madalas silang mag asarang dalawa, ang isa't isa parin ang tinatakbuhan nila kapag may problema.
Iniwan niya ang kinukwenta at sumunod dito. Nadatnan niya itong nakaupo sa kama habang umaagos ang masaganang luha sa pisngi nito.
Yumuko ito at mabilis na nagpahid ng luha ng makita siya. Nilock muna niya ang pinto bago tuluyang lumapit sa kapatid. Baka magulat ang mga bata kapag nakita ito sa ganoong itsura. Mabuti nalang at nasa kwarto niya si Cheche at Jhen na naglalaro.
BINABASA MO ANG
Quen Hades: The Mysterious Lover
Ficción GeneralHe grew up finding the person Behind his parents death. There is only one thing in his mind, REVENGE. And nobody can stop him.