Prologue

74.3K 1.3K 43
                                    

Nmalakas na pagsalpok ng sinasakyan nila.

"Mom? Dad? What's happening?" Naguguluhang tanong niya. Ramdam niya ang mainit na pag-agos likido sa kanyang noo sanhi ng pagkakauntog sa matigas na bahagi ng sasakyan nila.

Nahintatakutan siya ng makita ang amang nakayupyop sa manibela habang umaagos din ang dugo mula sa ulo nito.

Pinigilan niya ang sarili kahit gustong-gusto na niyang umiyak. His father said he is a big guy already kaya hindi dapat siya maging iyakin.

Tumingin siya sa Ina unti unti itong nagmulat ng mata at ngumiti sa kanya. "So--n c--an y---ou do me a favor?" nahihirapan nitong saad dahil sa dugong lumalabas sa bibig nito

Tumango siya sa Ina "O--pen the do--or and go ou--tside fa--ster!"

Pinahid ni Quen ang isang butil ng luhang kumuwala sa kanyang mata at tinitigan ang mga magulang

"Faster!" Napakislot siya sa sigaw ng ina at agad na tumalima nito. Pinilit niyang buksan ang pinto sa kanyang gilid. Makalipas ang ilang minuto ay nagtagumpay siya.

Akmang lalabas na siya ng liningon niya ulit ang mga magulang "We l---ove you so--n, g--o!" ngiti ng ina sa kanya.

Agad naman siyang tumalima dito at lumabas. Kitang-kita niya ang Trailer Truck na nakatagilid na bumangga sa sasakyan nila. Wala na ang driver nito.

Maya maya ay nakarinig na siya ng ugong ng sirenang papalapit. Naglabasan ang mga pulis sa sasakyan ng mga ito.

"Pare may bata dito!" sigaw ng isa ng makita siya. Agad siya nitong dinaluhan at binuhat.

"Nasaan ang mga kasama mo?"

Tinuro lang niya ang sasakyang halos hindi na makilala dahil sa pagkakayupi.

Kitang kita niya kung paano magkagulo ang mga pulis sa pagre-rescue sa mga magulang.

Maya-maya ay dumating na din ang ambulansya.

Nang tuluyang mailabas sa kanilang sasakyan ay wala ng buhay ang mga ito.

"Iho, nakita mo ba kung sino ang nagmamaneho ng malaking sasakyan?" turo nito sa nakabangga sa kanila.

Umiling siya ngunit sa murang isipan itinanim at ipinangako niya sa sariling hahanapin kung sino man ito.

"Mr. Sarmiento, buhay ho ang pamangkin niyo."

"Tito, can—t breathe."

"I'm sorry, tito is here. I won't leave you."

He wanted to cry in his tito Zion's arms. But no tears came out from his eyes. Baka magalit ang kanyang ama kapag nakita siya nitong umiiyak.

He saw his tito Poseidon his tito Poseidon fell down on his knees.

Mula sa bisig ng kanyang tito Zion ay kinuha siya ng kanyang tita Thea.

"Are you oka--y?" She's smiling but tears are falling from her beautiful eyes.

He felt the warmth like her mother's embrace, kaya hindi niya napigilang yakapin ito ng mahigpit.

"Shhh, it's okay baby, Tita Thea and Tita Storm are here for you. We won't leave you."

His tito Zion, is now kicking the side of their car angrily while crying.

For a kid like him it was traumatic.

Pero tinatagan niya ang loob. Kagaya ng sinabi ng ama hindi siya pwedeng umiyak.

****

"Quen what are you doing here outside? Nagkakasayahan na ang mga pinsan mo sa loob" Kunot ang noong sita ni Althea sa kanya.

Itinapon niya ang sigarilyong hawak at pinilit na ngumiti sa tiyahin. He was thankful at mayroon siyang hTito Zion and Tita Althea.

Hindi nagkulang ang mga ito sa pagmamahal sa kanya. They love him like their own child.

Lumapit siya at ginawaran ito ng halik sa noo. "Nagpapahangin lang po Tita."

Ngumiti ito pabalik sa kanya. "Okay pumasok ka na, doon mamaya. Hahanapin ko lang ang Tito Zion mo, kung saan-saan na naman nagsusuot. Lagot sa akin yung matandang yun!"

Natawa siya sa sinabi ng tiyahin "Tell that in front of him tita."

Papasok na sana siya sa loob ng tumunog ang kanyang cellphone.

"Quen pare It's Macky, nahanap ko na yung pinapa-trace mo. I'll send you the details."

Humipit ang hawak niya sa kanyang cellphone at kumuyom ang kanyang kamao. "Salamat Pare. I owe you a drink."

"Okay pare, be ready, maniningil ako sayo." Natatawa nitong saad.

Twenty five years, ang tagal din niyang hinanap ang taong iyon.

Ang tagal niyang naghintya.

Nawala ang pagkakakuyom niya sa kamao at parang tubig na binuhusan ng malamig na tubig ang galit niya sa katawan ng may dalawang pares ng mga braso ang yumakap sa kanya.

"Kuya what are you doing here outside? Pinagka-kaisahan kami ng mga kulugo sa loob." Mahaba ang ngusong sumbong ni Ap sa kanya.

"Oo nga naman kuya, ang tagal mong pumasok. Mabuuti at nabanggit ni Tita Althea na nandito ka. Pasok na tayo sa loob, iganti mo kami. Ikaw kaya pinakagwapo sa kanila." Nakalabing saad din ni Storm.

Ang mga prinsesa ng pamilya nila. Aphrodite and Storm. Dahil silang dalawa lang ang babae sa kanila madalas nilang pagtripan ang mga ito.

Sabay niyang ginulo ang buhok ng mga ito. "Inuuto niyo lang ako eh." Nagpauto naman siya, when it comes to these two and Tita Thea hindi na siya makakatanggi. "Tara na, igaganti ko kayo."

Kumapit ulit ang mga ito sa magkabilang braso niya at sa ganoong posisyon silang naglakad papasok sa loob.

Tumalim ang kanyang mga mata ng marinig ang message tone ng kanyang Cellphone.

Sigurado siyang ito na ang impormasyong pinakaantay niya.

Bukas na bukas din sisimulan na niya ang matagal na niyang pinaplano.

Ang paghihiganti sa taong bumangga sa sasakyan nila na siyang Ikinamatay ng mga magulang niya.


A/N

Guys I'm currently editing this story.

2021 sino pang nandito?

Promoting our new page ShyWriter07 and new Group Kaibigan ShyWriter07 mag-ingay tayo doon guys.

Please bear with me.

Kababalik ko lang from space haha

Keep safe guys.

Lab you.

-Shy Seven










Quen Hades: The Mysterious LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon