Na buang!

21.7K 590 23
                                    

  "Love and hate have a magical transforming power. 

They are the great soul changers. 

We grow through their exercise into the likeness of what we contemplate. "

- George William Russell

Tatlong beses na lumunok si Ronchie ng makalapit siya sa binata. Hindi niya alam kung ngingiwi oh ngingiti siya dito. Gusto niyang pagalitan ang puso, hindi man lang marunong makisama.

Tumikhim muna siya bago ibinigay ang pagkain nito "Ito na yung order mo" isa isa niyang nilapag ang laman ng tray sa harapan nito.

He nodded "Salamat" tipid nitong sagot at sinimulan nitong lantakan ang pagkain.

Kagat labing tumalikod si Ronchie. Hindi niya maihakbang ang mga paa palayo dito. She wanna thank him for saving them last night. But she couldn't find her voice. 

Bumuga siya ng hangin. Saka nalang siguro siya magpapasalamat. Pumikit siya ng mariin at pilit na inihakbang ang mga paa. 

"Kumusta?" napatigil siya sa paghakbang ng marinig ang boses nito. Ronchie thought she was hallucinating ng magsalita ulit ito.

"Wala bang masakit sayo?"

Wahh kinakausap nga siya nito! 

Saglit siyang napahawak sa dibdib at muli siyang napabuga ng hangin  bago humarap sa binata. 

Tumango siya "Uhmm salamat ka--ga-bi" nagka kanda buhol ang dila niyang wika sa binata.

He sexily chew his food bago ito sumagot "Sa susunod mag iingat na kayo, hindi sa lahat ng pagkakataon nandoon ako"

Napaismid si Ronchie. Hindi naman pala mayabang ang isang to!

She smiled awkwardly at napatango nalang ulit siya. "Huwag ka ng magbabayad, makabawi man lang konti sa ginawa mong pagliligtas sa amin"

Napatigil si Quen sa pagsubo sa pagkain at napatitig sa babae. "Mas lalo ka ng nabaon sa akin sa utang ngayon" he murmured himself

Kumunot ang noo ni Ronchie "Hah?"

Quen smirked bago muling ipinagpatuloy ang pagkain.

"Ronchie!" napapitlag si Ronchie sa biglang pagtawag ng kapatid. Hindi tuloy niya naintindihan ang sinabi ng binata. "tawagin mo lang ako kapag may kailangan ka" aniya kay Quen bago lumapit kay Rochelle.

"Kung makatawag Te wagas! Para lang akong nasa kabilang kanto, haler?" pinaikot niya ang mga mata "ang lapit lapit ko lang" 

Ngumiwi ang kapatid "Sorna!"

Natawa siya dito. Sorna? nung una niyang ma encounter yung word na yan sa mga estudyante niya hindi niya maintindihan. Yun pala short cut ng sorry na. Hai naku mga kabataan talaga!   "nakiki teen ager lang ang peg teh? Bakit nga?" pasimple niyang pinadaan ang paningin kay Quen. May tumutulong pawis sa noo nito habang umiinom ng tubig. Napalunok siya ng gumalaw ang Adams apple nito. 

Bakit bigla siyang nauhaw?

"Ikaw daw mamalengke para bukas sabi ni Nanay. Masama daw pakiramdam niya"

Dahil nakatutok ang atensyon kay Quen hindi niya masyadong naintindihan ang sinabi ng kapatid "uhuhhhhh!"  hang tsalap! tili ng isip niya

Hinampas siya ni Rochelle "ano ba! nakikinig ka ba?"

"Ay hang tsalap!" biglang sigaw niya dahil sa gulat dahil sa hindi inaasahang paghampas ng kapatid.

"Anong tsalap tsalap ang pinagsasabi mo? ang sabi ko ikaw daw mamalengke!" malakas na boses na saad ng kapatid.

Nanlaki ang mga mata niya when Quen turn his gaze on them. Namumulang agad niyang tinakpan ng palad ang bibig ng kapatid. Oh nooooooooo kano!

'Uhmmmmmmp! ano ba!" inis sita ni Rochelle ng matanggal nito ang kamay ni Ronchie. "Kung ayaw mong mamalengke kay Nanay ka magsabi!" pinasadahan ni Rochelle ang mukha ni Ronchie "Bakit ka namumula?" i pa albolaryo na niya kaya ang kapatid? Baka kinukulam na ito kakaiba ang kinikilos nito ngayong araw.

Minulagatan ni Ronchiee ang nakakatatandang kapatid. Gusto niya itong sakalin. Kung pwede lang na ilubog niya ang mukha sa mga ulam na paninda nila ginawa na niya dahil sa hiya.

Sigurado siyang narinig ni Quen ang pinagsasabi ng Kapatid. Daig ba naman nito ang bombo radyo sa lakas ng boses. Pasakan niya kaya ng fried chicken ang bunganga nito?

"Dati naman akong rosy cheeks!" palusot niya sa kapatid. Bahagyang tinapik tapik pa ang nag iinit na pisngi. Nanigas siya ng makita sa gilid ng kanyang mga mata ang pagtayo ni Quen at paglapit sa kanila.

"Magkano lahat?" Quen

"Ah huwag na okay na!" sansala niya dito.

"You sure?" kunot noong saad nito. 

Napangiwi ang dalaga ng maramdaman ang pasimpleng pagkurot ng kapatid. "Ah Oo" pinalis niya ang kamay ng kapatid sa tagiliran ng maramdamang kukurutin na naman sana siya.

He shrugged his shoulders "Salamat" tumango ito bilang paalam.

Sinagot naman niya ito ng tango. Naputol ang paghatid niya dito ng tanaw ng bigla siya ulit kurutin ng kapatid. "Araaay! Ate naman nakakadami ka na ah!"

"Anu yun ha? porket gwapo hindi tinaggap ang bayad? masyado ka na bang desperado  Ronchie?" inis na sita ni Rochelle 

Nalaglag ang panga niya sa sinabi ng kapatid "Ako desperado? Itong mukhang to?" turo sa sariling mukha. Napaismid siya "kapatid ba talaga kita? ganyan ka mag isip sa akin? Hindi ba pwedeng may utang lang sa tao kaya hindi ko siya pinagbayad?" ngumuso siya at padaskol na tinaggal ang apron at padabog na inilapag "Amin na nga yung pamalengke na i stress ako sayo!"

"Sorna naman! Heto!" nakangiwing inabot ng kapatid sa kanya ang pera.

Inirapan niya ito.

"Hoy babaita ate mo parin ako! Dukutin ko yang mata mo diyan eh" pahabol sigaw ng kapatid.

Ngunit tila walang narinig na tuloy tuloy siya sa paglalakad palabas.

Hindi nila maiiwasang magkapatid ang di magkaintindihan minsan. Pero alam niyang pagdating niya mamaya galing palengke okay na. Ganun na sila mula pagkabata, magkakatampuhan o magsasagutan pero hindi din nila matitiis ang isat isa. 

Dahil wala pang dumadaan na tricycle napagpasyahan muna niyang maglakad hanggang labasan. Napatingin siya sa kalangitan, makulimlim ngunit maalinsangan. Pansamantala siyang tumigil. Tinanggal niya ang ponytail na nakalagay sa kamay at ipinusod ang buhok.

Napakagat siya ng labi ng sumingit sa kanyang balintataw ang mukha ni Quen kanina habang umiinom ng tubig. 

Nanuyo ang kanyang lalamunan at may kakaibang init na kumalat sa kanyang katawan. 

uhhhhhhh!

Yun ba ang tinatawag nilang pagnanasa?

Napatikhim siya at ipinilig niya ang ulo.

Ronchie nabuang ka na! 

***

Hello guys

mianhe! (Sorry) masyadong busy but I'm trying my best para maka UD.

Guys yung unang magcocoment per chapter sa kanya ko idede dicate yung susunod na chapter. Pero kapag nakadedicate na ako sa inyo guys let's give way to others huh!

Mwahhh!

Shy___





Quen Hades: The Mysterious LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon